Chapter 2 - Campus Crush

1145 Words
Chapter 2 Tamad na tamad talaga akong pumasok.  Napuyat na naman kasi ako kakapanood ng A Love So Beautiful.  Huhu. =__= Pagpasok ko sa room,  nagdire diretso ako sa upuan ko at walang pakielam kahit sobrang ingay nila.  Pinag-uusapan nila yung mga kasali sa volleyball mamaya. "Andrea! " Umupo na muna ako.  Hayyy kaantok. "Kasali ka mamaya sa volleyball.  Kalaban natin ang Star Section. "- Casey "Pero... "-Andrea "Basta, nilista na kita ha.  Sige. " si Casey kasi yung President namin. Tiningnan ko naman si Andrean at nakita kong napakamot nalang siya sa ulo at kinuha ang isang notebook.  Naalala ko na naman yung nangyari kahapon.  Ayoko naman siyang tanungin, nakakahiya. "Quinn!  Si Angelo o! "-Charles "Nasan?? " tumingin ako bigla sa may pinto. Omo!  Si Angelo!!  Kasama niya yung mga tropapips niya pero wala akong pake, sa kanya lang ang atensyon ko. Ang pogi talagaaaa. Ang kaso nagulat kaming lahat ng pumasok si Dave.  Feeling hari to ah.  Sabagay feeling gwapo naman siya. Ewan ko ba sa ibang babae, crush na crush yan.  E mas di hamak namang pogi si Angelo.  Malakas lang appeal ni Dave kasi magaling siyang magbasketball, pero uyyy!  Yubg boses ni Angelo naman tutunawin ang puso mo sa sobrang ganda. Kaya natunaw ang puso ko.  HAHAHAHAHA "Andrea. " Halos magkanda subsob yung mga kaklase kong babae sa paglapit kay Dave, ang kaso lumapit naman si Dave kay Andrea. "Oy yung notebook ko nadaganan mo na! " kainis tong si Olga.  Napatingin na rin ako sa gawi nila Andrea.  Si Andrea parang nagtataka.  Syempre bigla ba namang lumapit sa kanya tong mayabang na to.  "Bakit? "-Andrea At halos mabingi ang tenga ko nang biglang magsigawan ang mga kaklase ko dahil binigyan siya ni Dave ng isang rose. Anuyan?? "Ako si Dave, varsity player.  Nice to meet you. " Tumayo na ako at umalis muna sa pwesto ko.  Ingay kaya!  Parang mga shunga.  "Nabingi ako dun ah."-Charles "Oo nga. "-Carlo Nagpunta lang kaming tatlo dun sa table sa harap.  Tagal naman ni Mich.  Ay wait silay muna ako.  Hahaha "Malusaw Quinn.  Hahaha. "-Carlo "Tumabi ka diyan di ko makita. " Ang kaso sakto namang napatingin sa pwesto namin si Angelo.  Kaya para akong natuod. At tong siraulong Charles, hinawakan pa ang balikat ko at tinulak sa pwesto ni Angelo.  Nakatayo lang kasi si Angelo malapit sa may pinto. Kaya muntik na talaga akong mapakapit sa kanya kung hindi lang ako nagpigil ng lakas. Nakakahiya.  Huhu.  Baka malaman niyang crush ko siya. "Hello Quinn! "-napatingin naman ako kay James,  varsity player din tulad ni Dave. "Galing mo kahapon sa 40-meter sprint ah.  Hahaha. "-Ilyo Sinamaan ko naman ng tingin si Ilyo.  Magkakayear level lang kami kaya nagkakalaban laban yung mga sections namin. Si Ilyo naman magaling maggitara.  Kasama siya ni Angelo kapag tumutugtog sila. "Humanga ka na naman Ilyo. " Pero tinawanan niya lang ako, tapos tumawa na sila pati si Angelo.  Kung hindi ka lang pogi Angelo sasapukin kita. Bumalik nalang ako kela Carlo at hinampas silang dalawa. "O bakit pati ako?  Hahahaha. "-Carlo Maya maya,  lumabas na si Dave kaya sumunod na yung mga tropapips niya.  Yung mga kaklase naman namin ayun, dumaldal na naman. "Anyare dito? "-Mich "Nahuli kana sa balita. " ----- Dahil sa nangyaring pagbisita ni Dave,  naging usap usapan ng mga estudyante lalo na ng mga may crush kay Dave si Andrea. "Dito nalang tayo maupo. "-Charles Umupo na muna ako at tumingin sa direksyon ni Andrea na mag-isang kumakain. "Andrea! " Nagulat naman sila Mich dahil tinawag ko si Andrea.  E mukhang wala siyang kasama kaya yayayain ko nalang siyang maupo dito samin. Napatingin siya sakin.  "Tara, dito kana sumama samin. " "Huy!  Gusto mong maraming estudyanteng magalit sayo? "-Carlo Tiningnan ko naman ng masama si Carlo.  "Para kang tanga,  lalaki kaba? " "Eto naman, nag-aalala lang sayo. "-Carlo Tapos tumingin ulit ako kay Andrea at sinenyasan syang magpunta na dito.  Nung una nag-aalangan pa siya pero tumayo na rin siya at nagpunta sa direksyon namin. Pinaupo ko siya sa tabi ko.  Nagsimula na rin kaming kumain pagkatapos nun.  Pinagtitinginan nga kami e. Kung tutuusin, hindi naman imposibleng magustuhan nga ni Dave si Andrea.  Maganda kasi talaga siya. Pero ewan ko ba kay Angelo bakit hindi ako magustuhan.  Hahahaha "Kumain ka ng marami Andrea, after nito maglalaro na kayo ng volleyball. "-Mich "Hindi ko nga alam kung kaya kong maglaro e. "-Andrea Napatingin naman ako sa kanya. "Bakit naman? " Napatingin siya saglit sakin tapos uminom muna.  "Ahh, wala.  Kakayanin ko nalang siguro. " Napatingin ako kela Charles at Carlo at Mich.  "O sige. Sabi mo e. " Pagkatapos naming maglunch,  nagpunta lang kami sa cr saglit bago dumiretso sa court.  Dito gaganapin yung laro e. As usual,pinagtitinginan na naman si Andrea.  "Yan ba yung gusto ni Dave?  Di naman maganda. " "Oo ang liit nya pala. " Daming insecure ampf. "Wag ka nalang makinig sa mga sinasabi nila. "-Mich "Sanay na ako sa mga ganyang salita. "-Andrea Umupo nalang kami sa may bandang harapan.  Hinintay namin si Madam Zy tsaka yung ibang players. "Andrea, tara sama ka samin.  Stretching tayo. "-Divine Tumayo na rin si Andrea at nagpaalam muna samin bago sumama kela Divine. "Sexy ni Andrea no? "-Charles "Yuck manyak. " "Sinabi ko lang yung totoo.  Porke ikaw puro bilbil. "-Charles Pinaghahampas ko nga.  Pinigilan lang ako ni Mich "Sakit.  Hahaha. "-Charles Maya maya bigla nalang nagkaingay dahil nga dumating na yung mga tropapips.  Sila Dave. Umayos naman Ko ng upo kasi nga nandyan na si Angelo.  Emeged. At sakto naman.  Sa likuran namin sila uupo. "Hello Quinn! "-Ilyo "Tigil tigilan mo ko Ilyo ah. " Tapos narinig ko lang siyang tumawa. "Crush mo Quinn o. "-Carlo Sinamaan ko rin ng tingin si Carlo.  "Yung totoo trip nyo ba ako ngayon? " "Ahh, Angelo, si Quinn nga pala. "-Charles Tinakpan ko naman agad yung bibig ni Charles.  Kaso huli na rin ako. " Uy siguro may crush ka kay Angelo no.  Hahaha. "-Ilyo "Wala no! "-ako Ihhh!  Pwede bang lumubog?  Now naaaa?? "Hello Quinn. "-Angelo Σ>―(〃°ω°〃)♡→ Bat ang init ngayon?  Huhu. Hangin. "H-h-hi. " Tapos nakita kong ngumiti siya.  Gosh!!! "Nandyan na si Mam Zy! "-Mich Nakatulala lang ako habang tinitingnan sila Andrea na naghahanda na.  Yung puso ko nasan?  Hey!! Kilig na kilig ako sa simpleng hello?  Parang shungaaaa! "Nasan ba si Quinn?? "-Carlo Napatingin naman ako kay Carlo. "Nandito ako baliw.  Sasapakin kita kanina kapa. " "Ahahahaha.  Nakakatawa kang kiligin loko.  Halatang halata ka.  Hahahaha. "-Carlo "H-h-hi.  HAHAHHAHAHA. "-charles "Mich!!! Tingnan mo sila o. " Kakabwisit talaga tong dalawang to.  Kaibigan ko ba talaga sila?  Huhu. Naririnig pa naman kami nila Angelo dahil nasa harapan lang nila kami. "Pulang pula ka kasi Quinn.  Hahahaha.  O yan na magsisimula na. Kayong dalawa tahimik na. "-Mich Nanood nalang kami ng laban.  Kalaban namin ang star section. Ewan ko bat nandito sila Dave makikinuod lang yata.  Hindi naman namin kalaban section nila e. Nung umpisa medyo nag-aalangan pa yung mga kaklase namin, pero nung biglang tumira si Andrea, nabuhayan sila. '' Galing. " Ang galing naman kasi talaga.  Yung pagkakaspike ni Andrea halimaw.  Sa liit niyang yun ang taas niyang tumalon at ang lakas ng pwersa niya. "Go Andrea! " sigaw ni Dave.  Napatingin kaming lahat kay Dave.  Ngayon niya lang kasi ginawa yan. Dito kasi sa school,  kilala si Dave bilang yun nga, basketball player,  at saka lapitin talaga ng chicks, campus crush ika nga, pero wala pa akong nababalitaan na naging girlfriend niya. At ngayong ginagawa niya yan kay Andrea, malamang na marami ngang babae ang magalit kay Andrea. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD