Hindi agad ako nakagalaw. Ilang segundo bago ko nabalik ang lakas ko. Pahakbang na ako nang mapalingon si Adam sa direksyon ko. Nagtama ang mga mata namin na lalong pumaso sa dibdib ko. I turned my back on them as I walked towards the exit. "Kesha." Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya lalo ko pang nilakihan ang bawat hakbang. Gusto ko ng ibalibag ang mga bitbit ko sa sobrang dami pero hinigpitan ko na lang ang hawak doon. "Kesh." Nagtama ang braso namin matapos niya akong masabayan sa paglakad. I just rolled my eyes. Ang haba ng biyas niya. Lugi ako sa pabilisan lalo't ngatog pa rin ang tuhod ko. "Marjorie is working for my dad. Inutusan lang ako ng butihin kong ama na makipag-meet sa kanya for business purposes." Napatingin ako sa kaliwa niyang kamay na hawak ang isang envelope.

