Kalalabas ko lang sa banyo ng may kumatok sa kwarto ko. Nagulat ako ng makita si Rubina sa labas ng pintuan ko. "Hi! Eto yung uniform na sinasabi ko sayo. Iyo na para hindi ka naman mukhang manang sa suot mo. Gusto ko isuot mo yan ha." Sabi niya saka ngumiti sa akin. Nagtataka na napatingin ako sa dala niya na paper bag. "Wag ka ng mahiya. Ayaw ko kasi na pinagtatawanan ka sa school." Sabi uli nito Saka kinuha ang kamay ko Saka nilagay ang paper bag sa kamay ko. "Gusto ko suot mo yan bukas ha." Sabi nito. Saka ngumiti at nagpaalam na sa akin. Napatanga na lang ako sa kanya. Pagpasok ko sa kwarto ko tiningnan ko ang laman ng paperbag. Nanlaki ang mata ko ng makita ang uniform niya. "Haay, Sabi ko na nga ba. Alam ko na mahilig siya sa mga ganitong damit." Bulong ko ng makita ang unifo

