bc

I Paid for Your Love

book_age18+
607
FOLLOW
7.6K
READ
HE
badboy
mafia
serious
like
intro-logo
Blurb

Ng mamatay ang Ina ni Rayne kinuha siya ng ama at nanirahan siya sa bahay nito kahit Ayaw sa kanya ng pamilya ng Papa niya.Nainlbihan siya sa mga ito kapalit ng pagtira niya sabagay nito. Pinagaral siya ng ama niya sa sikat na eskwelahan na pinapasukan ng mga anak nito sa kahit tutol ang pamilya nito at doon niya nakilala si Kenjei Sulivan Isang anak ng mafia lord. Kilalang Cold and heartless ngunit famous sa school. Naging malapit ito sa kanya kahit na pilit niyang iniiwasan ito dahil Alam niyang may gusto dito ang kapatid niya sa ama. Naging tagapgtangol niya ito at naging sandigan. dito siya kumukuha ng lakas.Ngunit kung kailan nahuhulog na ang loob niya dito saka ito naglahong parang bula at Kung kailan nakalimutan na niya ito saka muling pinagtagpo ang landas nila at muli naman siya nitong inililigtas and this time handa na siyang ipaglaban nito. Muli ba siyang aasa at ipaglalaban din ang pagibig ng binata O tuluyan na siyang lalayo at kakalimutan na ang binata.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Inay tutulungan ko na po kayo sa paglalaba." Sabi ko kay Inay. Naabutan ko siya na naglalaba, kagagaling ko lang sa school. "Hindi na anak matatapos narin ako, magpahinga kana muna at alam ko na pagod ka sa paglalakad mo galing sa school." Sabi nito sa akin. "Okay lang po nay tutulungan ko na po kayo magsampay nito." Sabi ko at binuhat ko na ang mga nilabhan ni nanay. Hindi ko na hinintay na pigilan niya pa ako. Napailing na lang ito ng makita na buhat ko na ang batya papuntang sampayan. "Alam niyo nay mataas ang grade na nakuha ko sa exam namin. Sabi ng teacher ko baka daw makasama ako sa makakakuha ng scholar ship sa susunod na taon." Sabi ko dito. "Aba! Maganda nga yan anak. Pagbutihin mo para makatapos ka ng pagaaral mo." Sabi ni nanay sa akin. Yumakap ako sa kanya. First year high school pa lang ako. Kami lang ni nanay ang magkasama magmula maliit pa ako. Sabi ni nanay naanakan lang daw siya. Iniwan daw siya ng ama ko ng mabuntis siya. Kaya lumaki akong walang ama. Bale wala naman sa akin dahil kontento na ako na si nanay lang ang kasama ko. Masaya kami kahit dalawa lang kami. "Rayne! Dalahin mo ang mga damit sa malaking bahay at kunin mo na ang bayad nila." Sabi ni nanay katatapos ko lang maghugas ng pingan. Si nanay naman katatapos lang tupiin at planchahin ang mga damit na nilabhan niya kahapon. "Opo nay." Sagot ko at binuhat na ang naka plastik na mga damit. "Naku Rayne ang swerte ng nanay mo sayo. hindi ka lang matalino sa klase masipag ka pa." Sabi ng bakla na mayari ng damit na hinatid ko. Ngumiti lang ako sa kanya. "Anak may magandang pelikula ngayun. gusto mo bang manood tayo, medyo malaki ang kinita ko sa labada. Ano kaya kung pumunta tayo ng Mall para makapasyal ka narin." Sabi ni nanay. Napatingin ako sa kanya. "Talaga nay?" Tuwang tuwa na tanong ko sa kanya. Tumango siya kaya tuwang tuwa akong yumakap sa kanya at pinaghahalikan ko siya. Tawa ng tawa ito. "Talaga tong bata na ito. Magbihis kana at ng makaalis na tayo." Sabi nito. Kaya tuwang tuwa akong nagbihis. "Ang ganda talaga ng kwento ng pinanood natin nay. Nakakatuwa ang bida." Sabi ko ng palabas kami ng sinehan. Ngumiti lang si nanay sa akin. Naglibot pa kami pumunta kami sa mga bilihan g mga gamit. Sa mga bilihan ng damit. nagkakatuwaan kami ni nanay kasi puro pangarap lang kami. Palabas namin sa department store. May nabanga ako. "Ouch! Stupid." Sabi ng babae na halos kasing idad ko lang. "Sorry!" Hingi ko ng pasensiya dito. "Next time wag kang tanga. Ng hindi ka nakakabungo ng iba." Galit na sabi nito at inayos angdamit niya. Magsasalita sana si nanay ng may lumapit na lalake sa amin. "What happened?" Tanong nito sa kaharap namin. "Eto kasi tatanga tanga hindi tinitingnan ang dinadaanan." Sabi niya sa lalake tumingin sa amin ang lalake. Natigilan ito ng makita kami ni nanay. Bago pa siya makapagsalita hinila na ako ni nanay palayo sa kanila. Nagtataka man ako hindi ko na lang pinansin. Naging tahimik na si nanay hangang sa umuwi na kami. Pati ng sumunod na araw. "Rayne, mayroon daw tayong practice mamaya. Sabi ni sir Layugan." Sabi ni Rose, kaibigan ko dito sa school. "Sige sabay na tayo pumunta dun." Sabi ko sa kanya. Tumango ito. "Malapit na ang intrums natin no. Kaya sabi ni sir sunod sunod na daw ang practice natin." Sabi ni Rose. Kasalukuyang pauwi na kami. Katatapos lang namin magpractice ng Volleyball. Isa kasi ako sa player ng volleyball sa school. "Galingan mo anak ha!" Sabi ni nanay sa akin. Araw na ng intrums nandito kami ngayon sa cover court ng school. Dito kasi ginaganap ang intrums. "Wag kang magalala nay gagalingan ko para sayo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin. Maya maya tinawag na kami ng caoch namin. "Okay girls dont forget to communicate each other and focus." Sabi niya at pinag streach kami. "Grabe Rayne tinambakan mo sila hindi sila nakabawi sa ginawa mo." Sabi ni Rose habang nagpupunas ng pawis. Tawa ito ng tawa. Ngumiti lang ako saka ako tumingin kay nanay na tuwang tuwa na naktingin sa amin habang kumakaway. Kinawayan ko din ito. Nasa loob kasi kami ng cover court.Kasalukuyang katatapos lang ng laro namin. Ginawa ko talaga ang lahat para manalo kami. Dahil ayaw kong biguin si nanay. Tuwang tuwa ito ng umuwi kami gabi na ng makarating kami sabahay. Masaya na ako makita ko lang si nanay na masaya. Para kay nanay ang lahat ng pagsisikap ko. Dahil gusto ko matupad ko ang lahat ng pangarap namin. Kaya nagaaral ako ng maige. Mabilis lumipas ang araw malapit na ang pasko. Napagkasunduan namin ni nanay na magayos ng bahay. Bumili siya ng walis ting ting binalutan ko ito ng bulak at sinabitan namin ng mga panabit ng Christmas tree. Eto ang naging Christmas tree namin. Nagkabit kami ng mga luma naming kortina. Tuwang tuwa ako ng matapos kami. Ganito kami ni nanay tuwing sasapit ang Ber. "Saan ka magbabakasyon ngayong Pasko Rayne?" Tanong ni Rose. Ngayon ang huling pasok namin sa school. "Sa bahay lang kami ni nanay wala naman kaming pupuntahan eh." Sabi ko dito. "Ganun ba, kami kasi tuwing pasko pumupunta kami sa bahay ng Lola ko." Sabi niya. Tumango na lang ako dito. ****** "O, anak dumating kana pala. Halika at tulungan mo ako buhatin ito." Sabi ni nanay. Nangtingnan ko ito may dala ito na basket na nakabalot ng makulay na plastik "Ano po tong dala niyo nay?" Tanong ko sa kanya. "Bigay yan ni Michela pamasko niya daw sa akin." Sabi nito. Nilapag ko ito sa maliit na lamesa namin. Saka tining ko ang laman nito. "Naku nay ang daming laman!" Tuwang tuwa na sabi ko. Habang nakatingin dito. May laman to na pang spaghetti at pang salad. "Giveaway daw yan sa opisina nilla. Naisip niya daw na ibigay sa atin." Sabi ni nanay. "Ang bait talaga ni Michaela no nay? Noong nakaraang taon Ham ang binigay niya sa atin galing opisina nila. Tapos ngayun groceries naman." Sabi ko na tuwang tuwa. si Michaela ay yung bakla na pinaglalabadahan ni nanay sa malaking bahay. Manager kasi ito ng Isang mall. "Pano naman kasi hindi naman mahilig yun magluto. Lagi lang yun nagoorder ng pagkain niya. Pano nagiisa lang siya." Sabi ni nanay. Pagsapit ng pasko. Kagaya ng dati nandito kami ni nanay sa luneta dito namin dinadaos ang pasko. Nagluto lang si nanay ng pansit saka bumili ng tasty sa tindahan at malaking softdrink. Yun ang dinala namin. Hindi ni nanay niluto ang binigay sa amin ni Michaela sa bagong taon na lang daw namin ihahanda yun. Tuwang tuwa na nanood kami ng mga palabas doon. Marami ding katulad namin na nagdaraos ng pasko doon. May mga pamipamilya, may mga magpapartner. Halo halo ang tao ngunit iisa lang ang makikita mo sa mga mukha nila, saya. ****** Mabilis lumupas ang panahon summer na. Nalalapit na ang pagtatapos ng klase namin. "Rayne anong balak mo ngayung summer?" Tanong ni rose sa akin. "Ano naman ang magiging balak ko. E di tutulong kay nanay sa pag lalabada. Para naman may magagawa akong iba."Sabi ko dito. Napatingin siya sa akin. "Oo nga pala." Sabi niya. Kasalukuyang nagpapapirma kami ng clearance namin sa mga teacher namin. Wala naman talaga akong balak gawin kundi tumulong kay nanay ngayong bakasyon. "Rayne anak naisip ko tutal bakasyon naman anak. Tutal nandito ka na tutulong sa akin naisip ko na dagdagan ang mga labada ko. Para mabilis tayong makaipon ng pambili ng gamit mo sa pasukan." Sabi ni nanay sa akin. "Kayo po nay ang bahala. Tutulungan ko na lang po kayo." Sabi ko sa kanya. "Anak ikaw na. Isampay mo na ang mga yan para mamaya tuyo na pwede na natin planchahin." Sabi nito. Kaya yun naman ang ginawa ko. Pag dating ng kinabukasan. Hinatid ko na ang mga nilabahan namin. Tuwang Tuwa si nanay kasi malakilaki ang kinita namin sa labada. Kaya ng sumunod na mga araw ganun parin ang ginawa namin. "Anak ikaw na ang magtapos niyan ha at magluluto lang ako ng pagkain natin." Sabi ni nanay saka inubo ng inubo ito. Nilapitan ko ito. "Ako na lang po nay ang gagawa niyan lahat. Magpahinga na po kayo at masama ang pakiramdam niyo kahapon pa." Sabi ko dito. Kasi kahapon ko pa napapansin na sige ang ubo niya. "Hay, ikaw talagang bata ka. Wala ito kaya ko pa naman. Isa pa kailangan nating maihatid yan mamaya. Gagamitin nila yan bukas." Sabi nito at umubo ng umubo ito. Huminga na lang ako ng malalim. Kinabukasan maaga pa hinatid ko na ang nilabhan namin. Balak ko na ibili ng gamot sa ubo si nanay bago ako umuwi ng bahay. Dumaan ako ng Botika bumili ako ng gamot sa ubo dumaan narin ako ng Bakery para bumili ng tinapay "Nay, Narito na po ako." Sabi ko ng dumating ako, hindi ko siya nakita sa loob ng bahay kaya nilapag ko muna sa lamesa ang binili ko. Saka ako pumunta sa likod bahay. Nagulat ako ng makita si nanay na nakahiga sa lupa at walang malay. "Nay!" Sigaw ko. Saka nagmamadali na nilapitan ito. Humingi ako ng tulong sa mga kapit bahay para madala ko siya sa hospital. Iyak ako ng lyak habang hinihintay na lumabas ang doctor na gumagamot sa nanay ko. "Sino ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doctor ng lumabas ito. Agad na lumapit ako sa kanya. "Kumusta na po ang nanay ko doc?" Tanong ko dito. Tumingin ito sa akin. "Nagkaroon ng komplikashon ang baga ng pasyente dahil sa sobrang pagod at maaring laging natutuyuan ng pawis ito. Matagal na ba siyang inuubo?" Tanong nito sa akin. "Ang alam ko po ngayun lang siya inubo." Sabi ko sa kanya. "Dahil ayun sa X-ray niya matagal ng nararamdaman ng pasyente ang sakit niya. Binalewala niya lang kaya lumala ng husto." Sabi ng Doctor. Napatingin ako sa kanya. "Ano pong ibig niyong sabihin doc?" Tanong ko sa kanya. "Malala na ang sakit ng nanay mo kailangan niyang operahan agad. Pero kahit operahan natin siya hindi parin 100 percent na gagaling siya. Dahil sa lagay ng nanay mo hindi ako nakakasiguro kung kakayanin ng puso niya ang operasyon." Sabi nito nanlumo ako sa narinig. Hindi ko na naintindihan pa ang mga sinabi niya. Habang papunta ako ng information nakalutang ang isip ko. Umupo ako sa sulok. Saka umiyak ng umiyak. "Kailangan mong maging matibay Rayne para sa nanay mo. Kaya mo yan." Bulong ko habang naglakad ako papuntang information. Inasikaso ko ang mga dapat pirmahan para sa admission ni nanay. Ng matapos kong asikasuhin ang mga dapat asikasuhin. Pinuntahan ko na si nanay sa silid niya. Naupo ako sa tabi niya.Umiiyak ako habang pinagmamasdan ko si nanay na walang malay. Hangang nakatulog ako. Nagising ako na may humihimas sa ulo ko. Tumingin ako dito. Nakita ko si nanay na nakangiti sa akin. Halata na may dinaramdam ito dahil nanlalalim ang mata nito. "Rayne anak makinig ka. Hindi totoong iniwan tayo ng ama mo." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Inubo ito hinagod ko ang likod niya. "Nay, saka na po natin pagusapan si Tatay kapag magaling na kayo." Sabi ko sa kanya. Umiling siya. "Anak kapag wala na ako. Puntahan mo siya sa address na to makikilala ka niya anak dahil kamukhang kamukha mo siya. Matutulungan ka niya anak para makatapos ng pagaaral." Sabi nito. Magsasalita pa sana ako. Kaso inatake na ng ubo si nanay at nawalan na naman ito ng malay. "Kailangan na natin siyang operahan sa lalong madaling panahon." Sabi ng Doctor. Nanatili sa ICU si nanay. Napatingin ako sa hawak kong papel na binigay ni nanay sa akin. Huminga ako ng malalim saka kinausap ang doctor ni nanay na kung maari ko bang Iwan sandali ang nanay ko may pupuntahan lang ako. Tumango ito. Sakay ng Jeep Ang daming pumapasok sa utak ko. "Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nakita ako? Matangap niya ba ako?" Bulong ko saka bumaba sa jeep. nagulat ako ng makita na Isa pala itong private Village, pumunta ako sa guard. house.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
77.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook