"Anong kailangan mo miss?" Tanong sa akin ng guard ng lumapit ako.
"Pupunta po ako sa bahay ng mga Quintana." Sabi ko dito. Tiningnan ako nito.
"Anong gagawin mo dun miss?" Tanong uli nito sa akin.
"Ahhm. Kakausapin ko lang po si Mr. Reylan Quintana." Sagot ko dito.
"May appointment ka ba sa kanya?" Tanong uli nito. Umiling ako. Tiningnan niya uli ako.
"Tatawagan ko lang sandali si Mr.Quintana." Sabi nito. Saka pumasok sa guard house. Maya maya lumabas ito.
'Miss antayin mo na lang siya. Palabas na siya. Maupo ka muna dun." Sabi ng guard. Saka tinuro ang bangko na nasa gilid. Nagpasalamat ako sa kanya. Saka pumunta sa bangko. Kinakabahan ako.
Maya maya may huminto na Isang kotse
sa tabi ng guard house. Kinausap ng guard ang driver nito. Saka tinuro ako. Tinawagan ako ng guard. Tumayo ako at lumapit ako sa kanila.
"Siya po sir ang naghahanap sa inyo." Sabi ng guard. Bumungad sa akin ang nasa likod ng driver. Kinabahan ako. Pamilyar siya sa akin. Siya yung lalake na kasama nung babae na nakabungo ko sa mall. Titig na titig ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayun. Dahil halo halo na ito. Hindi ko inaasahan na makakaharap ko ang ama ko. Kung hindi pa maoospital si nanay hindi niya pa sasabihin kung sino ang ama ko.
"Yes miss? Bakit mo ako hinahanap?" Tanong niya sa akin. Na nakakunot ang noo. Natauhan ako ng marinig ko ang boses niya. Nahiya ako kasi hindi ko namalayan na nakatulala na ako. Napalunok ako. Bago nagsalita.
"Ahhm. Pinapunta po ako dito ni Loraine Villamore." Sabi ko. Biglang nagliwanag ang mukha nito. Tiningnan niya ako.
"K..Kaano ano mo si Loraine?" Tanong niya sa akin.
"Anak po niya ako." Sagot ko dito. Pinapasok niya ako sa kotse. Naiilang na pumasok ako at naupo sa tabi niya. Kinausap niya ang guard. Narinig ko na nagpasalamat siya dito. Umandar na Ang sasakyan.
"Nasaan ang nanay mo?" Tanong niya sa akin. Habang pinagmamasdan niya ako.
"Nasa hospital po siya." Sagot ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"Bakit ano ang nangyari sa kanya?" Tanong niya. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kay nanay. Pinaderetso niya sa hospital Ang sasakyan.
Matagal silang nagusap ni nanay. Habang hawak niya ang kamay nito. Nasa labas lang ako ng ICU pinagmamasdan ko sila habang umiiyak ako sa kalagayan ng nanay ko. Nakita ko na hinawakan ni nanay Ang mukha niya.
"Siya nga Ang ama ko. Tama si nanay kamukhang kamukha ko siya. Sa pangalan pala nila kinuha ni nanay ang pangalan ko. Kaya pala umalis kami agad sa harap nila Nung araw na yun dahil. Natatakot si nanay na makilala ako ng ama ko." Bulong ko sa isip ko.
Paglabas niya sa ICU kinausap niya ang doctor ng nanay ko. Pagkatapos inasikaso niya ang mga bill nito sa hospital.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Babalik na lang ako bukas ng umaga." Sabi niya sa akin. Iniwanan niya ako ng pera gamitin ko daw yun pag may mga pinabili Ang doctor.
"Pag may problema tawagan mo ako dito." Sabi niya saka inabot sa akin ang isang calling card. Nagulat ako ng yakapin niya ako at halikan sa noo.
"Masaya ako na nakilala kita anak." Sabi nito. Natulala ako sa kanya. Hangang sa umalis na siya. Hindi parin ako makapaniwala na niyakap niya ako. Natauhan lang ang tawagin ako ng
magkagulo ang mga doctor sa ICU. Napatakbo ako doon. Nakita ko na maraming doctor ang nagaasikaso sa nanay ko.
"Doc, ano po ang nangyayari sa nanay ko?" Tanong ko sa doctor ng nanay ko ng lumabas ito ng ICU.
"Kailangan ng operahan ang nanay mo. Hindi na nagpapanction ang Baga niya." Sabi nito. Pinapunta niya ako sa information center may pina pipirmahan siya sa akin. Kaya pumunta ako dun.
Kanina pa ako ppabalik balik sa labas ng operating room. Tinawagan ko na ang ama ko. lyak ako ng iyak. Ng dumating siya nilapitan niya ako.
"Anong nangyari?" Tanong niya sa akin. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ng docto sa akin. Niyakap niya ako umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya. Maya maya lumabas ang doctor. Nilapitan namin ito.
"Kumusta po siva?" Tanong ng ama ko.
"Pasensiya na ginawa namin ang lahat pero mahina na ang puso niya hindi na kinakaya nito ang operasyon. Nais ka niyang makausap." Sabi ng doctor sa ama ko nanlulumo na tiningnan ng ama ko ang pintuan ng operatng room. Napahawak ako sa bibig ko saka impit na umiyak ng umiyak.Pumasok siya sa loob. Maya maya lumabas ito at niyakap ako. Nakita koo na nagkagulo na sa loob. Humaguhol ako sa dib dib ng ama ko. Narinig ko na impit din siyang umiiyak habang yakap niya ako.
"Pano na ako nay? Bat ang daya mo iniwan mo na lang ako basta. Ano ang gagawin ko nay? Pano na ang mga pangarap natin." Bulong ko habang nakatingin ako sa nanay ko na nasa kabaong, Kasalukuyan siyang nakaburol dito sa Saint Luke memorial chapel. Ang ama ko ang nagasikaso ng lahat. lyak lang ako ng iyak sa tabi ng nanay ko. Hindi parin ako makapaniwala na wala na ito. Na magisa na lang ako.
Limang araw namin siyang ibinurol bago
pina cremate at hinatid sa sementeryo.
"Alam ko na hindi pa tayo nakakapagusap ng maayos mula ng magkita tayo." Sabi ng ama ako. Nasa bahay kami katatapos lang namin ihatid si nanay.
"Ako nga pala ang ama mo. Naging magkasintahan kami ng nanay mo noong kasambahay pa namin siya. Minahal ko ang nanay mo pero tutuol ang mga magulang ko sa relasyon namin. Pinilit akong ipakasal nila sa tita Evelyn mo. Nasaktan ang nanay mo kaya umalis siya at hindi na nagpakita pa. Hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita. Hindi ko alam na nabuntis ko pala siya." Kwento nito sa akin. tahimik lang akong nakikinig.
"Kung nalaman ko lang yun hindi sana ako nagpakasal." Sabi niya saka yumuko. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit at pagsisi.
"Kinausap niya ako bago siya mawala. Nais niya na kunin kita at pag aralin.
Nais niyang makatapos ka ng pag aaral mo. Kaya nangako ako sa kanya na hindi kita pababayaan. Kahit doon man lang makabawi ako sa inyong magina." Sabi niya sa akin. Yumuko ako hindi ako umimik. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Wag kang mag alala hindi kita pababayan. Magmula ngayun ako na ang mag aasikaso ng mga kailngan mo. Sa bahay ka narin titira." Sabi niya.
"Salamat po Mr.Quintana." Sabi ko sa kanya.
"Magmula ngayun tatawagin mo akong Papa. Dahil ako ang ama mo. Ipapaayos ko ang mga papaeles para mayaos ang apilyido mo." Sabi niya kay niyakap ko siya sa tuwa ko at umiyak uli ako sa dibdib niya. Niyakap niva ako.