***KENJEI POV#*** Nagulat ako ng makita ko siya na pumasok sa room na ginaganapan namin ng Meeting. Napakunot ang noo ko ng makita ang suot niya. Halatang ilang na ilang siya dito at kinakabahan siya. Nagulat din siya ng makita niya ako. Kahit naka maskara siya kilala ko siya. Napaupo ako ng maayos. Ng akmang hahawakan siya ng isa sa mga kausap namin nakita ko na napailag ito. Sinamaan ko ito ng tingin. Aktong magsasalita palang ako ng magsalita si Papa. Pero nakita ko na ipipilit nito ang gusto niya kaya nagsalita na ako. Hindi ko hahayaan na masayaran ng palad nila ang balat ni Rayne. Kundi magkakamatayan kami. Tingnan nga lang nila kulang na lang dukutin ko ang mga mata nila. Pinaupo ko siya sa tabi ko saka binalot ko sa kanya ang coat ko ayoko ng tinitingnan ng mga kausap ko ang balat

