Tumango si Claire kinilig naman ang dalawa.
"Kung alam ko lang ginalingan ko kanina." Sabi ni Vanessa.
"Ano naman ngayon kung nanood siya ng laro no." Sabi ko sa kanila Napatanga sila sa akin.
"Ano ka ba. Hindi pa yun nanood ng laro kahit kailan Saka pumupunta lang yun sa Gym kapag may laro sila bihira mo yun makita sa labas ng room pagkatapos ng klase nasa silid niya na yun." Sabi ni Fatima. Napakunot ang noo ko
"Silid?" Tanong ko sa kanila.
"Haay Naku, Wala ka talagang alam. May sariling silid dito si Kenjei katabi ng Dean office.VIP student kasi siya dito." Sabi ni Vanessa. Napatanga ako.
"Ganun pala ka importante ang tao na yun. Kaya pala famous siya dito." Bulong ko sa isip ko. Hindi na ako umimik nakinig na lang ako sa kanila. Ng makapag bihis lumabas na kami.
"Bakit ba nasa Gym si Papa Kenjei?" Tanong ni Vanessa.
"Ang dining ko may practice din yata sila ngayon ng basketball." Sabi naman ni Thalia. Kaya nagtilihan ang dalawa Saka nagmamadali na nagyaya pumunta ng Gym. Pero nagpaalam na ako sa kanila. Kasi kailangan ko ng umuwi.Darating na ang sundo namin. Pagdating ko sa gate nandun na ang driver na sundo namin.
"O Rayne nandito kana pala. Halika na ng makauwi na tayo." Sabi ng driver. Nagtataka ako na napatingin sa kanya. Kasi wala pa ang dalawa kong kapatid.
"Aalis na po ba tayo? Pero wala papo sila Rubina." Sabi ko dito. Ngumiti ito sa akin.
"Mamay pa sila uuwi. May practice ng Basketball sila Luther si Rubina naman manonood pa daw siya ng practice kuya niya. Kaya mauna na tayo babalikan ko na lang sila mamayang hapon."Sabi ni manong Ben ang driver nila Papa. Tumango na lang ako. Pagdating ko sa bahay nagbihis agad ako ng uniform at bumaba na. Kumain muna ako bago nagumpisa na sa gawain ko. Sa Gabi ko na ginagawa ang mga home work ko.
***KENKEI POV#***
Ngayon ang unang klase ko. Actually Isang lingo ng nagumpisa ang klase at Nung nakaraan pa akong lingo nandito sa pilipinas kaso may pinaasikaso pa si Papa sa akin kaya ngayon palang ako makakapasok sa klase. Gusto ko kapag nasa klase ako. Pakiramdam ko nagiging normal ang buhay ko kapag nasa klase ako kaya hindi ako tumutol ng sabihin ni Papa na kailngan kong magaral. Dahil Gusto ko din madanasan ang kahit sandali lang ang maging normal Yung Hindi kinatatakutan ng mga tao na nasa paligid ko.
"Nandito na po tayo Master." Sabi ni Raiko Huminga ako ng malalim. Pinagbuksan ako ng Isang tauhan ko. Lumabas ako nakita ko na maraming studyante na nasa labas ng room.
"Eto lang ang ayaw ko dito. Kasi hindi ko parin maramdaman na normal ako sa tuwing nakikita ko sila." Bulong ko. Habang naglalakad ako. Napapailing si Raiko at Luther. Ng may marinig ako na nagsalita sa gilid.
"Kaso mukhang suplado ang Idol niyo." Napalingon ako sa nagsalita. napatanga ako sa itsura niya Hindi siya nakatingin sa akin pero alam ko na ako ang sinasabi niya. Natauhan lang ako ng marinig ko ang boses ni uncle.
"Kenjei Iho! Nandito ka na pala. Sana nagpasabi ka para nasalubong kita sa airport." Sabi nito sabay akbay sa akin. Tipid lang na ngumiti ako sa kanya.
Dinala niya ako sa opisina niya. Nagkape muna kami bago magumpisa ang klase ko.
Hindi maalis sa isipan ko ang itsura niya.
Hangang pumasok ako sa room ko. Kagaya ng dati. Kinikilig na naman ang mga babae. Ewan ko ba kung ano ang nakita nila sa akin.
" Pagnalaman kaya nila kung anong klaseng tao ako kiligin pa kaya sila sa akin. " Bulong ko sa isip ko at napailing na lang. Naupo ako sa bakanteng upuan.
"O Kenjei! Buti pumasok kana may practice tayo mamaya." Sabi ni Wade ang kaklase ko na naiiba dahil siya lang ang tinuring akong normal. Ni hindi man lang siya nailang sa akin. Kung kausapin niya ako para lang akong pangkaraniwan na tao. Siguro dahil pareho kami na may sinasabi ang pamilya. Nagiisang tagapagmana din siya ng pamilya niya at pareho kami naghahangad ng normal na buhay.
"Ganun ba. Sige darating ako." Sabi ko sa kanya tumango siya magkatabi kami sa upuan. Nilibot ko ang paningin ko sa room. Nagbabakasakali na makita siya.
"Sino ang hinahanap mo?" Tanong ni Wade. Napalingon ako sa kanya.
"Ha! Wala tinitingnan ko lang kung may bago ba sa atin." Sabi ko sa kanya. Tumawa siya.
"Hindi ko alam na interesado kana sa kanila." Sabi nito na natatawa. Natawa na lang ako.
"May mga bago yung nasa harap at yung nasa gilid." Sabi nito. Tiningnan ko Yung sinabi niya. Napakunot ang noo ko Kasi pareho nagpacute sa akin ang mga tinuro niya natawa si Wade. Nailing na lang si Raiko na nasa gilid ko nagaaral din sila ni Luther. Pinasok sila ni Papa para daw masamahan nila ako sa school.
Pagdating ng tanghali pumunta ako ng Gym nauna na si Wade sa akin Kasi kinausap pa ako ni Papa may pinagagawa siya sa akin mamayang gabi.
Pagpasok ko sa Gyma nakita ko na may nagprapractice ng Volleyball. Kinawayan ako ni Wade. Papunta na sana ako sa grupo ko ng may biglang sumdasad sa tabi ko. Napalingon ako. Napakunot ang noo ko ng makita ko siya na nakasubsob sa semento Naka uniform siya ng pang volleyball. Nilapitan ko siya at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Kaso tinitigan niya lang ako. Kaya ako na lang ang kumuha sa kamay niya at itinayo siya. Nagulat ako dahil magaspang ang kamay niya. Tanda na hindi ganun ka rangya ang buhay niya. Napatingin ako sa mga kalaban nila nagapiran ang mga ito tanda na sindaya ng mga ito papuntahin sa gilid ang bola. Kaya Napatingin uli ako sa kanya. Ng parang wala lang na tumakbo na siya pabalik sa grupo niya. Habang nakaupo ako naghihintay na magumpisa ang practice namin naingganyo ako na panoorin siya maglaro. Napahanga ako sa galing niya maglaro ng Volleyball kahit anong gawin ng kalaban na masalo ang bola sopla lagi sila dahil ang galing niya mag serve ng bola at tumira kaya hindi ko napigilan na pumalkapak.
"Mukhang nageenjoy ka sa panonood ng laban ng mga yun ah." Sabi ni Wade ng lapitan niya ako ng natapos ang practice ng mga nagvovolleyball. Ngumiti lang ako. Minsan ko pang nilingon siya. Nakita ko na palabas na siya ng Gym kasama ang mga kaibigan niya. Ewan ko kung bakit na lungkot ako. Umasa ako na manonood din siya ng practice namin. Huminga ako ng malalim.