Paglabas namin nakita ko ang sports car niya. Inalalayan niya akong sumakay. "Bakit narito ka? Akala ko ba may lakad ka?" Tanong ko sa kanya. "Diba sabi ko sayo babawi ako." Sabi niya sa akin. Sabay kindat sa akin. Inirapan ko na lang siya. Natawa siya. "San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "San mo gusto pumunta?" Tanong nito sa akin. "Hindi ko alam wala naman akong alam na lugar." Sabi ko sa kanya. "Alam ko na kung saan kita dadalahin." Sabi niya. Saka ngumiti sa akin. nakatulog ako sa biyahe nagulat ako ng gisingin niya ako. "Gising na sweetheart kumain na muna tayo alam ko na gutom kana." Sabi niya sa akin Pagtingin ko nakahinto kami sa Isang dampa. Pinagbuksan niya ako. Paglabas namin kumain muna kami. Bago kami nagpatuloy maya maya hininto na niya ang sasakyan. Nakita ko

