Pagbaba ko ng hagdan sinalubong ako nila Raiko kinuha sa akin yung bag ng kasamang babae ni Kenjei. "Kami na Rayne. Okay lang kahit hindi kana sumunod." Sabi ni Raiko. Nagpasalamat ako sa kanya. Nagpalam ako na babalik na ng kusina. Tumango siya sa akin at nagmamadali ba itong sumunod kayla Kenjei ako naman nagmamadali akong pumasok sa kusina. Nagderetso ako sa kusina. Pagpasok ko doon. Tuluyan ng tumulo ang luha ko na pinipigjlan ko kanina pa. "Ano kaba Rayne, tumigil ka nga. Kailangan mong magpakatatag pinili mo ito kaya dapat maging matatag ka.Kailangan mo ng magising diba kinalimutan mo na siya dati. Isipin mo na matagal na kayong wala. " Bulong ko sa isip ko. Pinunasan ko ang luha ko saka huminga ako ng malalim. Bago ako lumabas. Inabala ko ang sarili ko sa pagtulong sa gawaing baha

