***KENJEI POV#** Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Magmula ng makatulog uli siya. Nangingiti ako sa tuwing naalala ko ang sinabi niya kanina. " Gwapo daw ako. Akala ko wala akong dating sa kanya. Dahil sa tuwing kinakausap ko siya pakiramdam ko natatakot siya sa akin. Kaya agad akong lumalayo. Pero natutuwa ako satuwing namumula siya.. like kanina sa totoo lang pinigilan ko lang ang sarili ko na halikan siya. Nagaalala ako na matakot siya ng tuluyan sa akin. Sapat na na marinig ko na napansin niya rin ako." Bulong ko sa isip ko. Naputol ang pagiisip ko ng may kumatok sa kwarto ko. "Master! Aalis na po ba tayo?" Tanong ni Raiko. "s**t! Nakalimutan ko na." Bulong ko saka napapikit. May inuutos nga pala si Papa sa akin. "Sige hintayin niyo na lang ako sa labas." Sabi ko sa kanya. Minsan

