Akala ko kung saan niya ako dadalahin niya yun pala sa rooftop lang pala kami pupunta. Nagulat ako sa tanawin dito parang kita kita mo ang lahat. Wala sa sarili na napalapit ako sa gilid. "Ang ganda naman dito!" Bulong ko sa isip ko. Ng may magsalita sa tenga ko. "You like it?" Tanong ni Kenjei na ikinagulat ko. Napalingon ako sa kanya. Nagulat ako ng halos gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Nasa likod ko siya habang nakadiin ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. Habang nakahawak ako sa gilid. Nahigit ko ang hininga ko. Ngumiti siya sa akin. Namula ako Tumango na lang ako Saka umiwas ng tingin. "Buti naman." Sabi niya uli. Ilang na ilang ako dahil sa pagkakadikit ng katawan namin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Pilit ko pinakakalma ang sarili ko.P

