Chapter 4

1033 Words
Paglabas ko nakasuot na ako ng uniform. Tumulong ako sa mga gawain sa kusina. Pagdating ng gabi. Naghahain kami ng pagkain, mga nakaupo na ang magiina. Nasa loob ako ng kusina naghuhugas ng pinaglutuan namin. Ng tawagin ako ni Manang. "Naku Rayne, nandiyan na si sir. Hinahanap ka." Sabi nito. Napatingin ako sa kanya. "Rayne, pinatatawag ka ni sir." Sabi ni Linda. Ang Isa sa mga katulong. Nagpunas ako ng kamay ko. "Bakit po Papa?" Tanong ko Kay Papa. Napakunot ang noo nito ng makita ang itsura ko. "Sinong may sabi sayo na magsuot ka niyan?" Tanong niya sa akin. Natahimik ako saka napatingin kay Tita. "Evelyn!" Sabi ng Papa ko sa asawa niya. "What? Bagay naman sa kanya saka Isa pa naisip ko lang magkakarumi ang damit niya kung yun ang susuutin niya." Sabi nito kay Papa. Huminga ng malalim si Papa. "Rayne dalahin mo na dito ang pagkain namin." Sabi ni Tita. "Opo." Sabi ko. Ng aktong aalis na ako hinawakan ni Papa ang kamay ko. "Hindi! Manang dalahin niyo na dito Ang pagakain at maglabas pa kayo ng isang Plato para kay Rayne. Maupo ka, kakain ka kasama namin. Hindi porket pumayag ako na tumulong ka sa gawaing bahay ay katulong kana dito. Anak kita kaya dapat kasabay ka namin kumain." Sabi ni Papa. "Rey!" Sigaw ni Tita Evelyn. "Narinig mo ang sinabi ko Evelyn." Mariin na sabi ni Papa, Kunot na kunot ang noo nito. Tatayo sana si Tita ng maupo ako, sinita ito ni Papa. Kaya nagsibalik din ang dalawa niyang anak. Tahimik kaming kumain. "Pumayag ako sa kagustuhan mo na tumulong siya sa gawaing bahay, pero hindi ako papayag na gawin mo siyang katulong. Anak ko siya kaya kung ano ang karapatan ng anak natin may karapatan din siya dahil anak ko din siya Evelyn. " Rinig ko na sabi ni Papa. Nagtatalo sila sa hallway. "Hindi ako makakapayag Rey. Anak mo lamang siya at hindi ko siya anak, Anak siya ng Isang katulong na naanakan mo." Sabi nito ka papa na galit na galit. "Alam mo ang totoo Evelyn. Hindi ko na kailangan pang isa isahin." Sabi ni Papa Saka iniwan na ito ni Papa. "Wag mo akong talikuran. Rey!" Sigaw ni Tita. Napayuko ako saka napaiyak. "Nay mali po yata na sumama ako kay Papa. Mukhang nagdala lang ako ng gulo sa bahay niya." Bulong ko sa picture ni mama. Saka umiyak ako ng umiyak. Kinabukasan kasabay nila akong magalmusal, Tahimik kami na kumain. Nakasuot na ako ng uniform. Hindi nagiimikan si Tita at si Papa. Ang sama naman ng tingin sa akin ng mga anak niya. Bago umalis si Papa nagpaalam na muna ito sa akin. "Sabi na nga ba magagalit si sir kapag nakita na nakasuot ka ng uniform ng katulong." Sabi ni manang habang naghihimay kami ng gulay. "Tama naman kasi siya. Hindi ka katulong dito anak ka niya." Sabi naman ni Linda. "Ayos lang naman po sa akin na tumulong dito. Nahihiya na nga po ako kay Tita, kasi dahil sa akin nagaaway tuloy sila ni Papa." Sabi ko sa kanila. "Naku, wag kang mahiya. Hindi naman Ikaw lang ang piangaawayan ng dalawa na yan. Noon pa talaga away na ng away ang dalawa na yan. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga yan. Kaya wag kang mahiva dati ng walang katahimikan ang bahay na ito. Sanay na kami. Sabi ni manang. Napatingin ako sa kanila. Nagsitanguan sila. Naghuhugas ako ng pingan ng pumasok sa loob si Rubina. "Hmmp. Hindi porket pinpaboran ka ni daddy lalaki na ang ulo mo dito. Tandaan mo sampid ka lang dito sa pamamahay na ito at hindi ka kailan man matatangap namin bilang kapatid. Ayoko nga magkaroon ng kapatid na anak ng Isang katulong. Yaak." Sabi nito. Saka ako tiningnan mula ulo hangang paa Saka umalis na akala mo diring diri. Tiningnan ko na lang siya. Ng matapos akong maghugas ng pingan tumulong naman akong magdilig ng halaman. "Hey, you!" Sigaw ni Luther ng lumapit sa akin may dala itong mga damit. "You are not fed here to do only that. There, wash my clothes. Muchacha." Sabi niya sabay hagis ng mga damit sa akin. Nagulat ako. Tiningnan ko na lang siya na umaalis habang kinukuha ko Isa Isa ang mga damit niya. "Naku Rayne, kami na yan baka malaman ni sir yan magagalit na naman yun." Sabi ni Linda. "Ako na para wala ng gulo. Hindi naman malalaman ni Papa basta wag niyong sasabihin." Sabi ko sa kanila. Umiling na lang sila "Ayos lang may washing machine naman. Dati nga naglalabada kami ni nanay mano mano lang. Sanay na ako dito." Sabi ko sa kanila. Saka ngumiti.N Napailing na lang si manang habang tinitingnan ako na naglalaba. ***KENJEI POV#*** "Master nariyan na po sila." Bulong ng tauhan ko sa akin. Tumingin ako sa pintuan. Maya maya pumasok ang tatlong tao. "Ayaw na ayaw ko ang pinaghihintay ako. Kaya siguraduhin niyo na magugustuhan ko ang dala niyo." Sabi ko sa kanila. Tumawa ang mga ito. "Huh...Totoo ngang maangas ka." Sabi ng Isa. "Anong paki namin kung magustuhan mo O hindi ang dala namin. Ang isipin mo kung may pambayad ka dahil ayaw na ayaw namin ang tinatanggihan kami." Sabi ng Isa. Napakunot ako ng noo at ngumiti ng nakakaloko saka tumayo sabay baril sa ulo ng tatlo. Kasabay din nila na tumumba ang mga tauhan nila sa labas. Parang wala lang na binuksan ko ang attache case na dala nila ng makita ang laman binuhos yun sa kanila. "Wala naman palang kwenta ang dala niyo. Sinayang niyo lang ang oras ko. Bwisit." Inis na lumabas ako ng Bar. Pagdaan ko sa may ari ng bar hinagisan ito ng tauhan ko ng Isang bungkos na Pera. "Alam mo na ang gagawin." Sabi ni Kaius. Ang kanang kamay ko. Saka parang wala lang na sumakay ako ng kotse. "Yes Papa? Tapos na. Walang deal na naganap wala naman kwenta ang dala nila." Sabi ko dito. "San ang deretso natin Ken?" Tanong ni Kaius. "Sa Condo." Sabi ko dito. Tumango siya. Pumasok ako sa loob ng silid ko. Hinubad ko ang Coat ko pati ang balot ko sa kamay. Ng matapos kong maghubad dumapa ako sa kama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD