"Talaga Rayne? Proud na talaga ako sa mga anak ko. Ipagpatuloy niyo lang yan mga anak." Tuwang tuwa na sabi ni Papa sa amin. Hindi na lang ako umimik. "Syempre Daddy mana kaya kami ni kuya sa inyo ni mommy." Sabi ni Rubina ngumiti si Tita. Hinayaan ko na lang sila. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Pagkatapos naming kumain nagyaya si Papa na Bumili ng mga uniform namin ni Luther sa mga laro namin. Pagkatapos naming bumili ng gagamitin naming uniform. Sinamahan naman namin si Rubina magpatahi ng gagamitin niyang Costume Saka gown sa Coronation day. Sumunod na araw busy na kami sa mga practice si Rubina naman busy sa pangangampanya sa school para iboto siya bilang Campus queen. Nasanay na ako sa kaguluhan sa school dahil kay Kenjei. "Grabee best! Na wiwili ng manood si Kenjei ng

