"Anong ginagawa niyo dito? Akala ko ba nasa outing kayo ng school?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na kami sumama dun Ayaw sumama ni Kenjei. Wala ka daw dun kaya hindi na kami sumama. Nalaman ni Kenjei na kaya Ayaw sumama dahil ayaw ka pasamahin ni Rubina kaya naisip niya na ayain ka na Lang pumunta ng Baguio." Sabi ni Wade na nasa likod Kasama sila Fatima. Napatanga ako sa narinig ko. "Wag mong sabihin Ikaw talaga ang may pakana nito?" Tanong ko sa kanya. "Sorry na sweetheart, Kasi naman nagaalala ako na baka pag sinabi namin Hindi ka na naman sumama. Kaya pinalabas namin na Hindi niyo kami Kasama." Sabi nito sabay yapos sa akin. "Nakakainis ka talaga pagdating sa kalokohan ang dami mo talagang paraan." Sabi ko sa kanya. "Sorry na sweetheart." Sabi niya uli. "Wag ka ng magalit besty al

