Hope you enjoy.?
Simula nung malaman ko iyon, bantay sarado ko na ang apat. Hatid-sundo ko na sila. Natatakot ako sobra. Ilang araw din naghanap ang mga lalaking yun sa bayan namin. Buti nalang hindi nila nakita ang mga anak ko kahit ang dami-dami nila. Minsan ko na silang nakita nung dumaan sila sa bahay namin at ang pagbili nila sa paninda ko. Nasa paaralan ang mga anak ko na pinasalamatan ko talaga ang may kapal dahil dun ngunit nang dumating ang araw na kinatatakutan ko ng sobra. Hindi ko mapigilang mabahala.
"Hindi na ito biro,Cass. Kailangan mo na siyang dalhin sa pridabong hospital."
"Ang taas ng lagnat niya. Dalawang araw na ito. Alam mo yan,ija. Walang sapat na kagamitan ang hospital natin dito para alamin ang kondisyon ng anak mo."
Napakagat ako ng ibabang labi ko. Bakit nangyari ito? Huminga ako ng malalim at masuyong hinaplos ang pisngi ng aking anak na babae habang ito'y natutulog. Naawa ako sa kanya. Sino bang ina ang hindi maawa sa kalagayan ng kanyang anak? Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan pero paano kung mahanap niya kami? Paano kung magkasalubong kami? Paano kung kunin niya ang mga anak ko? Pwede bang maging selfish kahit ito lang? Sila ang buhay ko. Pero imposibleng makilala niya ako dahil hindi niya ako kilala ngunit hindi natin alam baka makilala niya ako. Mayaman siya. Marami siyang koneksiyon. Ngunit hindi ko din kayang makita ang anak ko na ganito ang kondisyon. Parang sinaksak ng maraming punyal ang puso ko.
"Luluwas kami papuntang maynila. Doon ko siya dadalhin para siguradong magamot agad siya. May naitabi pa naman akong pera."nanghihina kong usal. Hinagod ni Lory ang likuran ko habang tinapik ni Aling Fe ang balikat ko kasabay ang paghalik ko sa noo ni Zebediah na balot na balot ng kumot. Napalingon ako sa tatlo kong anak na tahimik lang sa tabi. Makikita sa kanilang mukha ang pag-alala at pagkabahala sa kanilang bunsong kapatid. Napasingot-singot pa si Zuhair at kinusot-kusot ang mata. Parehas silang nakatitig kay Zebediah.
Inilagay ko lahat sa backpack ang gamit na kailangan naming dalhin. Ngayon kami aalis papuntang maynila. Kinabahan ako sa anak ko kung ano ang sakit niya. Hindi normal ang lagnat niya. Masyadong mataas at dalawang araw na. Pinainum ko na siya ng gamot pero walang epekto. Bumabalik parin ang lagnat niya. Maiiwan ang dalawang bata sa bahay kasama si Lory habang ang isa kong anak na si Zephyr ay sasama sakin. Hindi pumayag ang tatlo na kami lang dalawa ni Zebediah ang lilisan ng bayan dapat daw may kasama kami isa sa kanila. Wala akong magawa dahil nagpumilit ang tatlo.
"Mga anak. Magpakabait kayo dito hah? Zeus ang kapatid mo bantayan mo. Wag mong pabayaan." Bilin ko habang tinutulungan nila ako. Narinig kong bumuntong hininga ang panganay kong si Zeus kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit Zeus? May problema ba anak? Sabihin mo kay Nanay." nababahala kong tanong sa kanya. Umiling naman siya kaya napahinga ako.
"Gusto ko pong sumama pero sige po Nanay..Babantayan ko si Eros..Ako na po bahala sa kanya." sagot nito..Lumapit ako sa kanilang dalawa..Napalingon naman si Zuhair. Umupo ako sa tapat nila at nginitian. Ngiting nagsasabing magiging maayos si Zebediah. Masyado pa silang bata upang mag-isip ng kung anu-ano. Alam ko namang nag-alala sila sa kapatid nila pero ayaw kung hayaan silang mababalot ng kalungkutan.
"Magiging maayos din ang lahat mga anak. Si Zebe pa? Malakas kaya si bunso, diba anak?" pasigla kong bigkas at sabay kaming lumingon kay Zebediah nakahiga sa kama habang may suot na bonnet at makapal na jacket. Ngumiti siya samin at nag-thumbs up kahit namumutla na. Gusto kong umiyak sa kondisyon ng anak ko pero gusto kong ipakita sa mga anak kong magiging maayos din ang lahat. Naging pabaya ba akong ina?Ang sakit sa dibdib ng makita mo ang anak mong nanghihina. Binaling ulit ang tingin ko sa dalawa. Kita ko sa kanilang mga mata ang lungkot. Niyakap ko nalang sila ng mahigpit at bumulong na magiging maayos din ang lahat. Magagamot ang kanilang bunso. Wala na akong paki kung mahal ang bill ng hospital ang mahalaga ay magamot ang anak ko. Para sa anak ko gagawin ko ang lahat kahit mabubutas ang bulsa ko.
"Aalis na kami. Magpakabait kayo huh? Mahal na mahal ko kayo." hinalikan ko ang noo nila at pisngi. Niyakap ulit ng mahigpit ganun din sila sakin. Kumalas din sila at tumungo kay Zebe. Niyakap nila ito at hinalikan sa magkabilang pisngi. Nag-uusap din silang tatlo. Kita ko din kung paano nila ito pinangiti sa simpleng galaw at matatamis na salita. Hindi ko mapigilang mapahawak sa dibdib. Seeing my kids like this makes me feel better and overwhelmed. Ang sarap sa pakiramdam.
Napalingon ako sa pintong pumasok si Zephyr habang may dalang tumbler na may lamang tubig. Nang makita niya ang mga kapatid niyang nagyayakapan ay agad siyang lumapit at sumali. Hindi ako nakatiis ay lumapit na din ako at sumali sa kanila. Mahigpit kaming nagyayakapan. Napapikit akong dinama ang yakap ng mga anak ko. Ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong nakaraan..Ang nagiging pag-asa ko at dahilan upang mamuhay akong puno ng kasiyahan. Maisip lang na malayo sila sakin o kunin sila sakin ng kanilang ama ay para akong mamamatay. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang malayo sila sakin. Ayaw ko! Hindi ko gusto. Hindi ako papayag. Masama ba ang maging selfish kahit paminsan-minsan lang? Kahit ito lang?
Kandong ko si Zebediah at nakayakap sakin habang natutulog. Tahimik naman si Zephyr sa aking tabi habang nakatingin sa bintana. Tinitigan niya ang mga kabahayang dinaanan ng bus.
"Nanay." pukaw niya sa pagmumuni-muni ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nakabonnet din ito na kulay itim at may face mask na itim din. Ang paboritong kulay ng tatlong bata. Nakatitig ang asul na mga mata sakin habang nakakunot ang noo. Binaba din niya ang face mask kaya kita ko ang mapulang labi nito.
"Bakit?" mahinang tanong ko.
"Malayo pa po ba?"
"Malayo-layo pa anak. Tulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag dumating na tayo sa hospital." tumango ito sa sinabi ko at muling inayos ang face mask sa bibig. Inayos din niya ang kanyang pag-upo bago sinandal ang ulo sakin. Inayos ko ang ulo niya gamit ang isa kong kamay. Kita ko ang pagpikit niya ng dahan-dahan. Napabuntong hininga ako at niyakap siya ng isa kong braso habang yakap ng isa kong braso si Zebediah sa kandungan ko.
Ilang oras ang dumaan ay huminto ang bus na sinasakyan namin. Napasilip ako sa unahan at doon ko nakita ang isang pribado at malaking hospital. Napatingin ako sa kapwa ko pasahero na nagsimula naring nagtayuan at bumaba sa bus. Nilingon ko ang anak kong mahimbing natutulog sa aking tabi. Dahan-dahan ko siyang ginising. Naalimungatan naman siya at kinusot-kusot ang mga mata. Nakakunot ang noo nito. Ngumiti ako sa kanya.
"Nandito na tayo anak." nanlaki ang mga mata nito sabay tingin sa bintana.
"Wow! Ang tataas ng building dito Nanay." magiliw niyang sabi sakin. I chuckled at inayos si Zebediah sa aking kandungan na kakagising palang niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinawakan ang noo niya. Ganun parin. Ang init niya parin.
"Nandito na tayo anak. "mahina kong sabi sa kanya. Ngumiti siya sakin at sumiksik sa leeg ko. Kinalong ko siya gamit ang dalawa kong braso at tumayo. Kahit nangangalay na ako hindi ko ininda. Humawak sakin si Zephyr at sabay kaming bumaba ng bus.
After 6 years, I'm here. Standing in front of the hospital.
Nakahawak si Zephyr sa saya ko habang sabay naming tinungo ang hospital. Hindi ko na inaalam kung ano ang pangalan ng hospital. Ang importante ay magamot ang anak ko.
Nasa isang room kami ng hospital. Buti nalang inasikaso nila agad ang anak ko. Akala ko kasi mapili ang hospital na toh. Kung sino ang mayaman ito ang uunahin. Hindi pala sila ganun. Pantay pala ang trato nila. Nakaratay si Zebediah sa kama habang nasa sofa si Zephyr. Mamahalin nga ang hospital na toh. Hhaayyss! Hinintay ko din ang resulta kung ano ang sakit ng anak ko.
"Zephyr anak. Gutom ka ba?" mahina kong tanong para hindi magising si Zebediah. Nilingon ko si Zephyr dahil wala akong nakuhang sagot at doon ko siya nakitang nakasilip pala ito sa bintana.
"Nanay, ang daming cars. I hope I'll have my own cars someday." mabilis nitong sagot. Napailing-iling nalang ako. I wish anak. Don't worry gagawin lahat ni Nanay upang makamit ang mga pangarap niyo in the future.
Nabaling ang paningin ko sa pinto ng bigla itong bumukas. Pumasok ang isang doctor habang may dala-dalang papel. Nakasuot ito ng salamin at medyo magulo ang buhok. Tinitigan niya ito bago siya tumingin sakin at ngumiti.
"Ano pong sakit ng anak ko doc?"
"Nagkadengue ang anak niyo,misis. But hindi biro ang lagnat niya. Pero don't think too much,Mrs. Buti nalang nadala mo agad dito. She is fine now. We will just wait until she feel better. She need to rest for awhile." I sighed for relief. Nag-uusap lang kami ng doctor tungkol sa kalagayan ng anak ko. Hindi na din ako nag-alala ng sobra pero ang kinabahala ko ay ang bayarin. Kaya pa kaya ng pera ko? Naputol lang ang pag-uusap namin ng sumingit si Zephyr. Sabay kaming napalingon ng doctor sa kanya.
"Nanay, I'm hungry." sabi nito habang nakasilip parin sa bintana.
"Sige, bibili ako ng pagkain sa labas."sagot ko dahilan upang mapalingon siya sakin. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya pero agad din yun nawala ng makita ang kausap kong doctor. Nakakunot ang noo nito at tinitigan ng mariin ang doctor. Napasapo naman ako sa noo.Naku naman.
"What are you staring at?" masungit nitong tanong. Napangiwi naman ang labi ko dahil dun at lumingon kay Doc na hihingi sana ng paumanhin pero nagulat ako sa nakita kong reaksiyon mula sa kanya. Nanlaki ang mga mata nitong waring nakakita ng multo. Kumurap-kurap ito at napailing-iling ngunit binalik agad ang tingin kay Zephyr na ganun parin ang expression. Nakita ko din ang pagsulyap niya sa anak kong nasa kama. Palipat-lipat ang tingin nito sa dalawa kong anak bago tumingin sakin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Anong nangyari sa kanya?
Nakita kong napalunok siya at napakunot ng noo.
"May problema ba doc?"nagtataka kong tanong. Umiling naman siya at pilit ngumiti.
"Nothing. Sige. I'll go ahead." paalam nito..Bago siya lumabas ng pinto ay narinig ko pang may binulong siya.
"Same face. Same eyes. Carbon copy."
Nagkibit-balikat nalang ako at lumingon sa anak kong si Zephyr na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa. Nakakunot ang noo nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong nangyari sayo?" nagtataka kong tanong. Sumimangot siya.
"I don't like him,nanay." masungit nitong sagot.
"He is your sister's doctor."
"Still I hate him."
"Why?"
"I dunno." sagot nito. Nakung batang toh.
"Osha! Dito ka lang. Bantayan mo ang kapatid mo okay? Wag kang lalabas dito. Bibili ako ng makakain natin sa labas. Alam ko namang ayaw mo ng pagkain dito sa hospital. Anong gusto mo mahal na prinsepe?" nakita ko naman siyang nag-iisip.
"I want ampalaya and torta,nanay." masaya nitong sagot na kinatango ko. Kahiligan na nilang kumain ng gulay..Minsan lang sila kumain ng karne. Ayaw nila ng baboy. Ang gusto nila ay manok na hindi galing sa palengke yung sa inyo talaga. Pihikan ang mga anak ko pagdating sa pagkain kaya mas mabuting tanungin mo sila kung ano ang gusto nilang kainin.
"Masusunod kamahalan. Bantayan mo kapatid mo ah? Kapag gusto niyang uminom, nasa bag ang tumblers. Kapag may kakatok tapos di si Doc. Wag mong pagbuksan.Ingat ka dito." bilin ko sa kanya. Nakita ko naman siyang napakamot sa ulo.
"Nanay. You dont need to remind me. I already know what to do. I'm not a baby anymore." nakasimangot nitong sagot. Lumapit naman ako sa kanya at ginulo ang buhok kaya mas humaba ang nguso nito.
"You're still a baby for me, anak. Sige na. Aalis na ako. Ang bilin ko wag mong kalimutan."sabi ko at hinalikan siya sa pisngi ganun din ang ginawa ko sa kapatid niyang natutulog.
Habang nasa kalagitnaan ako ng hallway ng hospital palabas nito ay nahagip ng mga mata ko ang doctor ni Zebediah nasa unahan. May kausap ito sa phone. Parang nagtatalo ito sa katawag niya. Nakita ko pa ang paghilot niya sa noo habang pababalik-balik ang lakad. Nilampasan ko nalang siya. Hindi niya naman ako napansin pero hindi parin nakatakas sa pandinig ko ang sinabi nito sa kabilang linya bago makalayo.
"f**k it,bud. I'm telling the truth. If you don't want to believe, you're f*****g s**t! Get your f*****g ass and come here, motherfucker.........What? You won't believe me. You're f*****g pain in my ass, asshole........ What? Guards? Guards? What the hell you f*****g do with your motherfucker guards? ......Fine! I will do it...... f**k you.....My middle finger salute you, man..."
Napailing-iling nalang. Curse machine pala ang doctor na yun.
Pawisan akong tumawid ng pedestrian papuntang hospital. Pagdating ko ay napanganga akong makita ang maraming itim na mapa-van o kotseng nakaparada sa harap ng hospital. Ang dami nila. Kaya napatingin din ang ibang tao. Mukha pang mamahalin ang mga ito. Nakuha ang atensiyon ko sa mga kalalakihang nakasuit at may nakasibilyan din habang naglilibot sa paligid ng hospital waring mga security. Nakita ko din ang iba na nag-uusap at nagsimula na ring maglibot. Anong meron?Wala naman sila kanina ah?
I just shake my head at mabilis naglakad papasok ng hospital. Nasa isip ko parin ang mga lalaking nasa labas. Anong meron bakit ang dami nila? May importante bang tao silang binantayan dito sa hospital na toh? At ganun pa kadami? Ganun ka importante ang taong yun?
Pero bakit ako kinabahan? Bakit pakiramdam ko may mangyari ngayon?Masama ba o hindi?