Nanginginig ang mga tuhod kong tinahak ang room ng anak ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Pinagpawisan na din ako. Mahigpit kong hinawakan ang mga supot na may laman ng mga pagkain namin. Sa kalagitnaan ng hallway ay huminto ako. Humugot ako ng hininga at pumikit ng mariin.
"Think positive, Cassandra. Walang mangyaring masama ngayon." kombinse ko sa sarili ko at muling tinahak ang daan.
Huminga ako ng malalim nang nasa harap ako ng pinto bago ko ito binuksan. Pagbukas ko ay sumalubong sakin ang anak kong babae nakaupo sa kama habang ang kuya nito ay nakaupo sa silya na katabi ng kama habang nakasimangot at hinihimas ang pisngi. Napakunot naman ang noo kong marinig ang binulong niya.
"I really hate that Doctor of yours, Ursula." masungit nitong bulong. Sinarado ko naman ang pinto dahilan upang makuha ko ang atensiyon nila. Nanlaki ang mga mata ni Zebediah nakita ako at pumalakpak. Si Zephyr naman ay nakasimangot at hinihimas parin ang pisngi. I sauntered into their side. Binaba ko sa tapat ni Zebediah ang dala ko at masuyong hinaplos ang buhok niya sabay halik sa noo niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Napangiti ako.
"Nanay, pumunta si Doc dito and I hate him what he did to me. Argh! It's hurt."kumalas ako sa yakap ni Zebediah at tumingin kay Zephyr. Umupo muna ako sa tabi ni Zebediah at sinuklayan ang buhok niya habang nakatuon parin ang tingin kay Zephyr.
"Huh? Anong hurt? Bakit anong ginawa niya sayo?" nakakunot noo kong tanong. Bumusangot ang mukha niya at nagcross-arm sabay sandal sa silya.
"He pinched my cheek and he messed my hair. Who is he to do those things to me? I really hate him. He also bruised Ursula's hair,nanay." sumbong nito.
Napahilot ako sa noo dahil sa narinig ko mula kay Zephyr. Knowing my kids they don't want to be touched by someone they don't know or they knew except me, Lory and Aling Fe. Kaya ganyan ang reaksiyon niya.
"Kumain nalang tayo, anak. Pabayaan mo na si Doc. Nagwapuhan lang yun sayo kaya he pinched your cheek." biro ko sa kanya sabay tawa. Mas lalong humaba ang nguso niya dahil dun. Inasikaso ko nalang sila para kumain. Pinaupo ko sa kama si Zephyr kaharap ni Zebediah habang ako ang pumalit kay Zephyr sa upuan. Sinusubuan ko si Zebediah habang daldal ng daldal kahit medyo nanghihina parin siya. Sa kalagitnaan ng masaganang kain namin ay biglang may kumatok sa pinto.
"Pasok po." sigaw ko.
Bumukas naman ang pinto at iniluwa ang doctor ni Zebediah na may dalang basket na puno ng ibat-ibang prutas. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya pero nginitian niya lang ako.
"Hi! Ahm, peace offering ko ito. Alam kong galit sakin ang anak mong lalaki sa ginawa ko."natatawa niyang usal.
"Okay?" wala sa sarili kong sagot. Nakakabigla eh. Nakasunod ang tingin ko sa kanya habang tumungo sa mini table at inilapag ang dala niya. Lumingon ito samin at ngumiti ulit. Tumitig siya sa anak kong nakabusangot ang mukha habang patuloy parin sa pag-subo at ngumiti ito ng napakalawak. Binaling niya ang tingin niya sa isa kong anak na tahimik lang nagmamasid sa kanya na parang baliw sa kakangiti. Anyari kay Doc?
"May kailangan pa po ba kayo doc?"Pukaw ko sa dito. He divert his gaze to me and he shake his head in a million times.
"Nothing. Sige I'll go ahead. Sorry if I pinched your cheek and messed your hair, young man." huli niyang sabi bago lumabas ng kwarto ni Zebediah.
"He's weird, right nanay?" biglang tanong ni Zebediah habang nakatitig sa nakasaradong pinto. Tumango naman ako dahil totoo naman. Ang weird niya pero thanks to him dahil di na ako bibili ng prutas sa labas.
"He's not weird. He's a crazy doctor."sabat ni Zephyr.
Next morning.....
"Zephyr anak. Maligo ka muna." sabi ko sa anak kong nakahiga sa sofa habang nakipagtitigan sa kisame. Agad itong napaupo sa sinabi ko at lumingon sakin habang nakakunot ang noo.
"Ayaw ko po." pinalakihan ko siya ng mata dahil sa sagot niya. Naku naman! Napakamot siya sa batok at parang lantang gulay naglalakad papalapit sakin. Kinuha niya ang inilahad kong towel at damit niya.
"Pwedeng mamaya nalang po nanay? It's so very early and I know that the water was soooo cold. Please.." pakiusap niya at nagpuppy-eyes.
"Oo na! Oo na! Basta mamaya, maliligo ka. Lagot ka talaga sakin. Naku! Ang baho mo na kaya?"
"I'm not mabaho pa nanay."
"Okay! Okay! Nga pala anak. Bantayan mo muna si Zebe may pupuntahan ako. Aalamin ko muna kung magkano na ang bayarin natin." tumango naman siya at umupo sa tabi ni Zebediah.
"Zeb, alis muna si nanay. Si kuya Hades mo ang magbabantay sayo. Babalik agad ako anak." ngumiti naman siya sakin kaya napangiti na din ako. Wag kang mag-alala anak kapag magaling ka na agad tayong uuwi sa probinsiya at kumain ng maraming gulay. Gusto ko narin kasing umuwi baka ano. Hindi naman siguro diba? Ang laki-laki ng maynila imposibleng malaman niyang may napadpad na anak niya dito. Hindi lang isa kundi dalawa. Iniwan ko muna sila at umalis.
"Ano? May nagbayad? Di pa ako nagbayad ng bill, nurse. Try niyo po ulit hanapin ang pangalan ng anak ko baka nagkamali lang kayo ng basa." nalilito kong usal sa nurse habang nakatitig ito sa monitor. Nakita ko pang nakangiwi ang labi niya habang binabasa ang mga pangalan na nandon. Napakamot siya ng ulo na tumingin sakin.
"Totoo po, Ma'am. Zebediah Ursula Evangelista ang full name ng anak niyo diba,ma'am? Ito oh. Paid na po talaga." pinasilip pa niya ako at tinuro ang pangalan ng anak ko. Malaking letra ng paid ang nandon. Totoo nga! Sino naman ang nagbayad? Wala naman akong kamag-anak dito sa Manila? Di na ako nakipagtalo sa nurse. Kinuha ko nalang ang resibo ng bill. Tinitigan ko ito habang tinahak ang daan pabalik sa room ng anak ko. Napakalaki naman ng letra ng paid na toh. Napadako ang tingin ko sa babayarin ko sana. Nanlaki ang mga mata kong mabasa ito.
"15,000? Ganun kalaki?" naisuklay ko nalang ang mga daliri ko sa mahaba kong buhok. Saan ko kaya ito pupulutin ang ganitong kalaking pera? Masyadong malaki. Pero sino kaya ang nagbayad nito? Jusko! Hindi naman sana. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makarating agad. Ngunit agad din akong napahinto ng makita ko ang apat na nakamen in black sa harap ng room nina Zebediah na waring mga bantay. Napaawang ang labi ko. Sino sila? Bakit nasa harap sila ng pinto ni Zebediah? Anong ginawa nila? Napukaw ang atensiyon ko ng makita ko si Zephyr na sinisipa ang tuhod nila.
"Hey! Get off! Umalis nga kayo dito. Who are you, aliens? Why are you here, huh? Go back to your spaceship. Why you didn't move? Are you a robot? Arrghh! Aliens or robots, I don't care who really you are. Get lost. Hey! This is my sister's room. Get off! Get off!" naiinis niyang usal at pinagsisipa ang apat na pasimpleng ngumiwi ang mga labi sa ginawa ni Zephyr. Sumulyap din sila sa anak kong waring galit na galit sa mundo.
"Zephyr." tawag ko dito. Naiwan naman sa ere ang paa nito na sisipa sana at lumingon sakin. Nanlaki ang mga mata nitong nakita ako. Tumayo siya ng tuwid at umaktong wala siyang ginawa na kahit ano. Kinunutan ko siya ng noo kaya umiwas ng tingin.
"Nanay, dont stare at me like that. I'm just being a hero here. They looks like a bad guys, nanay. Bigla-bigla kasi silang dumating dito. They are like bodyguards. What are they doing here?" masama itong nakatitig sa apat na malayo ang mga titig nito. Lumapit naman ako kay Zephyr and pulled him closely to my side. Nakataas ang kilay kong tumingin sa apat.
"Sino kayo? Anong ginawa niyo? Bakit kayo nandito?" sunod-sunod kong tanong pero ni isa hindi manlang sinagot. Tahimik lang sila na waring mga bingi at pipi.
"I think they are all robots, nanay. Look! Tthey dont move." naiiritang bigkas ni Zephyr. Napatampal naman ako sa noo.
"Anak they are not robots. Men in black ang tawag sa kanila."
"Nyeh! Nyeh! Nyeh! They are still aliens to my eyes." kanina robots ngayon aliens? Ano ba talaga? Di ko nalang pinansin ang anak kong nagtrutrums sa tabi ko.
"Ano na? Bakit kayo nandito? Pwede ba magsalita kayo? Nakakainis na po kayo mga kuya. Tabi nga po. Papasok na po kami."hinawakan ko si Zephyr at akmang papasok na kami ay nagsalita ang isa sa kanila.
"Inutusan lang po kami Ma'am ni Boss na bantayan ang room na toh. Wag po sa kayong magalit."napatingin ako sa kanya. Hindi ito nakatingin sakin kundi ay nakatitig sa kaharap nitong pinto. Nagtataka naman ako dahil sa sinabi niya.
"Huh? Baka nagkamali po kayo ng number na bantayan. Hindi po kami mayaman at hindi ko kilala ang Boss mo, uuyy."sabi ko.
"Basta po. Yun ang totoo."
"Bakit samin lang kayo nakabantay?"
"Secret po yun. Sinunod lang po namin ang utos ni Boss at hindi po kami nagkamali ng room na babantayan. Sabi niya R143 at may dalawang bata kasama nila ang nanay nila." napamewang ako sa paliwanag niya.
"Uuyy! R143 nga kami pero hindi ibig sabihin na porket may dalawang bata at nanay, kami na yun. Baka may iba pa dyan."
"Yeah! Yeah! Yeah! Nanay is right." sang-ayon naman ni Zephyr. Napakamot naman ng ulo ang isa.
"Ah, basta po. Dito lang kami." sumusukong sagot niya. Nagkibit-balikat nalang ako pero hindi ko parin mapigilang mabahala. Sino ba ang boss nila? Nakakainis ah. Pumasok nalang kami ni Zephyr sa loob at nakita ko si Zebediah na naglalaro ng doll niya. Bumitaw sakin si Zephyr at tumakbo tungo sa mini table. Kinuha niya ang dalawang tumbler at lumapit sakin. Nakalahad ang kamay niya habang tinaas-baba ang kilay nitong nakatingala sakin.
"Oh? Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Coins, nanay. Coins. Give me some coins. Wala na po tayong tubig."sabi niya at iniwagayway ang dalawang tumbler.
"Ikaw ang maghuhulog?"
"Yapyap.! So c'mon nanay. I'm thirsty na po." Nakabusangot niyang sabi. Nagdadalawang isip naman akong bigyan siya. Baka mawala tong bata toh. Ang laki-laki pa naman ng hospital na toh. Huminga ako ng malalim at dumukot ng coins sa bulsa ko.
"Oh ito. Sure kang ikaw, Zep? Baka mawala ka .Ako nalang." nag-alala kong sabi. Umiling naman siya. Iniyukom niya ang kamao niyang may laman ng anim na piso.
"No, nanay. Ako nalang. I can handle myself. Don't worry okay? Just wait me here,nanay. Bye." sabi nito at umalis sa harap ko. Napalingon naman ako sa likuran niya hanggang sa nakalabas siya ng pinto. Tinitigan ko muna ng ilang segundo ang pinto bago ko tingnan si Zebediah.
"Hi! nanay. Don't worry about kuya Hades. He is a big boy na kaya. Come here nanay. Let's play Barbie doll.. hehehehe. "masayang bigkas niya. Nakangiti naman akong lumapit sa kanya. Ilang oras din kaming naglaro at hanggang ngayon wala parin ni ano ni Zephyr. Jusko! Saan kaya yun napadpad? Talagang batang yun naman oh.
"Naku, anak. Wala pa ang kuya mo. Nasaan kaya yun? Ang batang yun talaga naman-—haist." sabi ko. Bumingisngis lang si Zebediah sa inakto ko. Akmang tatayo ako kakaupo sa kama ay pabagsak bumukas ang pinto. Lumingon naman kami ni Zebediah at nakita namin si Zephyr nakasandal sa pinto habang pinapahiran ang noo. Naghahabol din ito ng hininga.
"Anong nangyari sayo? Bat ngayon kalang?Sabi ko naman sayo eh, ako nalang. Ayan tuloy pinagpawisan ka. Lapit ka dito anak." tawag pansin ko sa kanya. Lumingon ito sakin habang nakakunot ang noo. Hindi siya lumapit sakin bagkos ay pinagcross ang mga braso niya sa dibdib at lukot-lukot ang mukha. Badtrip ata.
"I hate him."
"Huh?" napatanga ako sa sinabi niya. Kunot na kunot ang noo nito habang nakipagtitigan sa sahig.
"I bump with a random guy ,nanay. Natapon po ang coins. Hinanap ko but I didn't find them. Sinipa ko po siya sa tuhod. He glare at me but he is totally shocked when he saw me.I didn't care anyway about his reaction. Tsk! Wala tayong tubig,.nanay. I hate him about that." mahabang linta nito. Napakurap-kurap naman ako.
"Anak, bad yung ginawa mo. Even your coins throw away, dapat di mo siya sinipa sa tuhod instead apologize to him, anak."
"Siya po ang nauna. He don't saw me."
"Paano ka niya makita eh cute pa ang height mo? Haist. So? Bakit pawisan ka?"
"Tsk! I run away, nanay."
"Why?"
"Because I thought he will angry what I did." balewalang sagot nito at naglakad papuntang sofa. Palundag itong umupo at isinandal ang ulo.
"He looks familiar. Why he looks like—nevermind."
"Anak maligo ka na." sabi ko habang hinihalungkat ang backpack.
"Opo! Maliligo na po." sagot niya. Narinig kong bumukas-sara ang pinto ng C.R. hindi ko nalang yun pansinin bagkos ay pinagpatuloy parin ang naghahalungkat ko sa bag. Nang makita ko ang nais ko ay agad ko itong binuksan. Nakita ko ang ilang mensahe galing kay Lory. Binasa ko naman ito at nireplyan.
"Anak. Gusto mo ng orange? Babalatan kita." usal ko habang nagtitipa parin sa cellphone na hawak ko.
"Yes, nanay. Dalawa po." inangat ko ang tingin ko to see her. Nakangiti itong naglalaro ng kanyang manika. Napangiti akong tumungo sa mini table. Inilapag ko ang cellphone sa tabi ng basket at nagsimulang binalatan ang orange. Pasimple din akong nagreply kay Lory habang nagbabalat ng isang orange.Sa kalagitnaan ng ginawa ko ay bumukas ang pinto. Ang dali naman natapos ni Zephyr. Napailing-iling akong humarap.
"Naku naman anak. Parang peteks lang ah?Bat ang bil—a-anong?" nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa taong nasa pinto. Nahulog din sa sahig ang katatapos ko lang na binalatan na orange.
Nanginginig ang mga labi kong sinalubong ang malalamig niyang mga mata .Isang tingin na parang hinalungkat ang buo mong pagkatao at parang nangangain ng tao. Ang walang emosiyon niyang mukha ay nakakapangilabot titigan. Ang presensiya niya'y nagbigay ng mabigat na atmospera sa aming dalawa. Tindig nitong waring diyos habang suot ang kanyang mamahaling suit. Napadako ang tingin ko sa hawak niyang napakakapal na folder at kita ko kung paano humigpit ang hawak niya dun. Mga ugat na tila ba'y galit na galit manakit. Nanlaki ang mga mata kong nagsimula siyang humakbang papalapit sakin kaya napaatras ako ng bahagya. Napangiwi akong tumama ang bahaging likuran ko sa mesa. Nanginginig ang mga tuhod kong makita siyang huminto. May isang metro ang layo niya sakin. Inangat ko ang aking paningin at nakita kong niluwagan ang necktie niya. Ang pag-igting ng makasalanang panga niya at malalim na pagkunot ng noo niyang nakatingala sa kisame.
"Finally."
His voice is cold. Domineering and husky. My knees became weak. My heart bound fast and my sweat drilling unto my neck.
H-He's here.