Naging blanko ang utak ko. Nangangatal ang mga tuhod at naninikip ang dibdib habang nakatingin sa taong nanlilisik ang mga matang nakatitig sakin. Halos mawalan ako ng hiningang napagtantong nasa harap ko siya. Nasa harap ko ang taong kinasusuklaman at naging bangungot sa buong buhay ko. Mula kahapon hanggang ngayon ay waring teleseryeng paulit-ulit umaandar sa utak ko. Sa mga gwardya, doctor, bill, mga bantay sa labas at ngayon. Gusto ko ipagkaila ang lahat. Gusto kong ipagkaila na hindi konektado ang lahat. Pero paano? Nasa harap ko na. Lahat ay tugma dahil sa kanya. Ito na ba? Ito na ba ang araw na kinatatakutan ko? Ito na ba ang araw na kukunin niya ang anak ko mula sakin? Ngayon na ba? Bakit ang bilis? Bakit biglaan? Bakit?
Hindi! Hindi ako papayag. Hindi maaari. Ayoko! Ayoko!
Kahit nanginginig ay pilit kong tumayo ng tuwid. Kahit natatakot sa posibleng mangyari ay pilit kong nakipagtitigan sa kanya. Nilabanan ang takot na naramdaman ng buo kong katawan na akala ko'y di ko na mararamdaman. Akala ko'y limot. Akala ko'y baon na sa limot.
Takot.
Na halos ilang taon ko ng hindi naramdaman. Nangangatal ang labi kong pilit na binuka. Lakas-loob kong tinanong kong bakit o anong ginawa niya.
"A-Anong g-ginawa mo dito?" halos matumba ako sa tinatayuan kong bahagya niyang itinaas ang kaliwang kilay sakin.
"I owned this hospital." malamig at delikado na boses nitong sagot. He divert his eye contact and sauntered into the sofa. Umupo siya na parang hari at nakadikwatrong inilapag sa tabi ang hawak nitong folder habang nakipagtitigan sa anak kong babae na may pagtataka sa mukha.
"I'll direct to the point, woman. I want to get what is mine."
Napalunok ako. Ito na ba? Nanginginig ang mga kamay kong nakayukom. Napapikit ako ng mariin at dumilat kasabay ang pagbuga ng hangin. Ang kapal ng mukha niya. Kaya ba binayaran ang bill ng anak ko dahil dito ? Kaya ba may mga gwardya sa labas ng hospital? Kaya ba may nagbabantay sa labas?Kaya ba ganun ang doctor? Lakas-loob akong humarap sa kanya. Hindi ininda ang nangangatog kong tuhod, ang kaba sa dibdib at pagkabahala.
Bahala na.
Para sa anak ko gagawin ko. Alam kung may karapatan siya pero hindi sa ganitong paraan. Ang gamitin ang anak dahil sa position ay nakakasuka at nakakaasar. Masarap manapak at masarap manampal .Sarap gawin sa kanya. Hindi ko ininda ang tingin niyang waring hinahalungkat ang kaluluwa mo papalayo sa katawan mo. Mga matang walang mababakas ng emosiyon kung tumitig pero nakakatakot at nakakasindak.
"Walang sayo, Mr. Smith." maikling sagot ko. Napahakbang ng isang beses ang isa kong paa ng paatras nang ito'y tumayo at nanlilisik ang mga matang tumitig sakin.
"Pretending to be a brave, huh?Nice. Well, sorry your brave is not enough to stop my decision. Now! Name your price to end this f*****g conversation. I'll give you what you want. Just name it!" madiin ang pagkakasabi niya sa bawat salita at madilim ang kanyang mga mata. His jaw clenched and his dangerous presence makes me frightened but I didn't mind.
"I-I don't need your money or anything from you. You don't have a kid from me. Paano mo yun nasabi huh?" pasigaw kong tanong sa kanya. Ngumiti siya bigla. Yung klaseng ngiti waring lahat ng tao ay yuyuko o luluhod sa harap niya. Ngiting nakakatakot at aatras ang sinumang kakalaban sa kanya.
Pinulot niya ang folder nasa sofa at mabilis itong tinapon sa mukha ko. Napapikit ako sa ginawa niya at napakagat ng labi dulot ng sakit sa paraan ng pagbato nito sakin. Dumilat ako at tumambad sakin ang nagkalat ng mga papel sa sahig. Mga papel na may laman ng DNA test.Lahat ng yun ay DNA test.
Pa-paano?
"Name your f*****g price now, woman. Your wasting my f*****g time. What you want, huh? Money? company? cars? Island?Private jet? Cruise ship? Land? What? I can give it all to you. Name it! I have everything."
"Well, wether you f*****g like it or not. I'll take my son away from you. You can have his twin. I don't need her. She is so weak to take my throne. I only want the boy. My son.Where is he?"
Napasulyap ako kay Zebediah na walang imik. Walang mababakas na emosiyon ang mukha niya habang nakatingin sa gago niyang ama na parang bulkan na gustong sumabog.
Anong sabi niya? Putangina niya. Sino siya para sabihin yun sa anak ko? Sino siya para gawin yun sakin? Anong akala niya,ganun-ganun nalang? He will just take my son away from me after what he done to remain his bullshit position? Nakakagago niya. Nawala ang takot sa loob ko dahil sa sinabi at rason niya. Ganun parin pala ang rason niya akala ko magbabago if matagpuan niya ang anak niya. Kumulo ang dugo habang nakipagtagisan ng tingin sa kanya. Akala niya siguro aatras ako. Malaking uod siya.
"Wala kang karapatan na gawin ang gusto mo. Sakin ang anak ko. Ang kapal-kapal ng mukha mo para ilayo ang anak ko sakinPara ano sa position mo? Nasayo na lahat hindi ka pa kuntento? Hindi ko ibibigay ang anak ko dahil dyan sa pisteng yawa mong position. Umalis ka dito hinayupak ka." nanginginig kong sigaw.
Malalaking hakbang ang ginawa niya papalapit sakin at bigla niya akong sinakal gamit ang kanyang isang kamay. Hinawakan ng isa pa niyang kamay ang buhok ko at pabagsak niya akong idiniin sa pader at itinaas. Madilim ang anyo nitong nakatitig sakin. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. Hindi ako makahinga. Ang sakit ng likod ko. Latang gulay na pinalo ng kamay ko ang kamay niyang nasa leeg ko.Papatayin ba niya ako?
"B-Bitawan m-mo a-ako."
"You.fucking.deserve.this.bitch."
"How dare you to shout me, huh? Did you forget who f*****g you are talking with?" he whispered to my ears. Hindi na ako makahinga. Nanghihina na ang katawan ko. Papikit-pikit akong tumingin sa kanya. His eyes. His blue eyes. His icy stare.
Katapusan ko na ba? Hanggang dito nalang ba ako? Bakit nangyari ito sakin? Bakit nangyari ito anak ko at sakin? Masaya naman kaming namumuhay sa probinsiya ng wala siya. Kung alam ko lang na sa kanya itong hospital edi sana hindi na kami tumuloy dito. Naghanap nalang sana ako ng ibang hospital. Hindi sana mangyari ito. Hindi ba tama ang ipaglaban ang anak mo?Bakit ganito? Siya pa ang galit na dapat ako sana. Gusto ko lang naman magamot ang anak ko eh.
Nakakatawa.
Tatlong araw palang kami ng mga anak ko dito pero ganito na ang sinapit namin. Tadhana na ang gumawa ng paraan upang magkita ulit kami. Tadhana na talagang kunin ang anak ko.
Napabitaw lang siya sa kakasakal sakin nang may nagbato sa kanya ng manika. Napasalampak ako sa sahig at napadaing dahil nauna ang braso ko. Nanghihina ako humiga sa sahig habang umuubo. Napapikit ako at nakangangang hinabol ang hininga. Bakit ba ang hina ko? Bakit ganito ang buhay ko?
Wala ba talaga akong karapatan na maging masaya? Lahat ng taong mahal ko ay kinuha. Nawalan ako ng mga magulang tapos kukunin din ang anak ako mula sakin? Ang saklap. Mapakla akong tumawa at nakatitig sa kisame. Uminit ang mga mga mata at nagsimulang dumaloy ang luha ko sa gilid ng mga mata ko.
Tahimik akong umiyak habang taimtim na nagdadasal na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Ayoko na! Ayoko ng masaktan. Ayokong mawalan. Ayaw ko mawalan ng anak. Sila lang ang buhay ko. Sila ang liwanag ko. Ako'y naging biktima ngunit bakit ako parin ang nagdurusa at nasasaktan ng ganito hanggang ngayon? Napahagulgol ako sa sinapit ko.
Ang sakit.
Ang sakit isipin na kukunin niya ang anak ko. Kukunin niya ang isa kong anak at alam kong gagawin niya lahat para matagumpay siya. Wala akong laban. Walang-wala pagdating sa pera at batas. May karapatan ako dahil ako ang ina pero alam kong may gagawin siya. Gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan.
Napapikit ako.
Nanginginig ang buo kong katawan. Nanginginig sa sobrang takot. Pumasok ang eksena sa isipan ko ang gabing yun. Gabi na akala ko makakalimutan ko na ngunit hindi pala. Pasamantala lang pala na kinalimutan ko yun.
Ayoko na. Ayoko na.Tama na please. Hirap na hirap na ako. Ayoko ng bumalik sa nakaraan. Nasasaktan na ako. Natatakot na ako. Takot na takot na ako.
"What did you do to my nanay? Look what have you done. You hurt my nanay.You made my twin and nanay cry, bastard. You devil. How dare you? Get off! Get out, monster. I dont wanna see your ugly face anymore. This will be the first and last that I'll see your face,remember that. Who are you to hurt my nanay, huh? You evil demon monster. You will regret this! You will regret it you hurt my nanay. No one can take us apart. No one. No one even you, Mr. Get out and get lost." galit na galit na boses ang narinig ko mula kay Zephyr habang nakatopless bago ako nawalan ng malay ngunit nahagip parin ng mga mata ko ang mukha ni Dark na kinagulat ko. Emosiyon na akala ko'y hindi niya mararamdaman kailanman.
Takot.