Chapter 4

1369 Words
“Sarap ng libre,” Natawa ako ng ilagay ni Tori lahat ng karne sa grill pan at saia humingi ng panibago sa staff. Gaya ng napagpustahan ay eto kami ngayon sa isang samgyupsal restaurant para sa libre ni Santino. Kakamot-kamot si Santino kanina ng hilahin siya nung dalawa papunta sa kotse niya. “Lesson learned, wag mag-yayabang.” ani naman ni Diane habang hawak ang tong. “Sabi niya pa 'asa' ayun, labas ka libo ngayon.” Napailing na lang ako at tinapik-tapik ang balikat ni Santi na parang nagsisisi sa tabi ko sa sinabi niya kanina. “Kumain ka na lang Diana, dami mong ebas.” singhal niya kay Diane. “At dahil diyan, iinom tayo mamaya!” sabi ni Tori at itinaas ang baso niya na may lamang iced tea. Agad na tumanggi si Santi. “Pass ako, may after party.” sabi niya. “Ay bakit may after party kayo eh talo naman kayo?” pang-aasar ni Diane. Napairap si Santino. “Wag ka mununuod sa next game ah.” “Manonood ako be, baka makalibre ulit.” sabi ni Diane. “O sige, pag nanalo kami ikaw naman manlibre?” tanong ni Santi na nakangisi. “No problem,” ani naman ni Diane. “Pero kailangan MVP ka,” “Inang, dalawa kundisyon. Hanep ka talaga.” ani ni Santi. Nagtaas lang ng balikat si Diane at uminom ng juice habang nakatingin kay Santino. “Di mo kaya mag MVP?” tanong niya. “Asa, nalilimutan mo ba kung sino ako?” tanong ni Santi na may pagyayabang. Nagkatinginan na lang kami ni Tori at sabay natawa. Ewan ko ba naman sa dalawang ito. Lagi silang nagtatalo, lagi ding nagpupustahan sa kahit anong bagay. “Tandaan mo, patay na patay sa akin si Tori ning highschool dahil mvp ako lagi.” biglang sabi ni Santino. Napatingin kami kay Tori ng masamid ito. “Tangena mo,” mura ni Tori kay Santi. Napuno kami ng tawanan habang kumakain. Siguro ay mga dalawang oras din kami nanatili doon sa kinainan namin bago kami ihatid ni Santino sa WingsWing Haven. Nag-aya kasi si Tori na tumambay pa, kaya lang may trabaho ako kaya sa shop na lang sila tatambay ni Diane. Si Santino ay gaya ng sabi niya ay aalis para sa after-party daw. “Congratulations mga pogi, napanood ko ang laro ninyo.” Nagkatinginan kaming tatlo ni Tori at Diane ng marinig ang boses ng manager ko na ubod ng lambing. Nakita naming kausap nito sila Enzo. “Huy andito pala kayo.” gulat na sabi ni Diane at nauna ng maglakad papalapit kila Enzo. “Oo, nag-aya mag manok tong si Axel.” sabi ni Enzo. “Asan si Xander my labidabs?” tanong ni Diane at tumabi kay Enzo. “May kinitang chix eh,” sabi ni Enzo. “Sorry Diane, di mo siya mapipigilan.” “Sus,” nakasimangot na sabi ni Diane. “Chix din naman ako, ayaw niya pa sa malapit!” Napailing na lang ako. “Naka order na kayo?” tanong ko kay Enzo. “Oo, kakakuha lang ng manager mo.” sabi niya. “Di na nga kami pumila eh, siya mismo lumapit hehe.” “Iba din talaga ang Manager mo basta may gwapo, bait-baitan.” bulong sa akin ni Tori. “Pumasok ka na dun, mamaya makita ka nun nakikipagchikahan dito.” “Oo nga,” sabi ko. “Maiwan ko muna kayo.” Tumalikod na ako. “Axel tabi tayo ah,” narinig kong sabi ni Tori bago ako makapasok sa staff room. Mabilis akong nagpalit ng damit at nag-in doon sa machine namin. Inayos ko lang rin ang buhok ko at itinaas iyon. Sinuot ko na rin ang apron ko pagkalabas ko ng staff room. “Yana ako na diyan,” sabi ko doon sa kapalitan ko. “Sige Ali,” sabi niya. Pumasok ako doon sa counter at ginawa agad ang trabaho ko. “Yes Ma’am what’s your order po?” tanong ko sa customer na nasa counter. “Uwian na!” sabi ni Enzo at siya pa mismo ang nagbaligtad ng open sign sa pinto ng shop. Nanatili sila dito hanggang ngayong closing na namin. Napasarap ata ang kwentuhan nila base sa nakikita ko kanina habang nagtatrabaho ako. “May masasakyan ba kayo pauwi?” tanong ni Enzo sa amin noong palabas na kami ng shop. “Ay oo nga, si Santi nga pala naghatid sa atin.” sabi ni Tori. “Saan ba kayo? Baka pareho lang tayo ng dadaanan, hatid namin kayo ni Axel.” sabi ni Enzo at kinuha ang jacket nito sa upuan. Si Axel naman ay tahimik lang na nakikinig sa gilid habang nakapamulsa. “Sa may Rosewood ako.” sabi ni Tori. “Montclair Residence,” ani naman ni Enzo. “Along the way kami ni Tori, sabay ko na siya. Ikaw Diane?” “Oh, malapit lang ako diyan. Sabay na rin ako sa inyo.” sabi ni Diane at tumingin sa akin. “Si Ali sa Forb-“ “B-Binondo!” sabi ko. “Malapit sa Binondo apartment ko.” “You can come with me,” sabi ni Axel sa akin at nauna ng lumabas. Shet! Si Axel kasabay ko? Pwede bang mag commute na lang? Ayaw kong mabingi sa katahimikan. Dumikit sa akin si Diane kaya kinurot ko ng pasimple ang bewang niya. “Sa Binondo ako nakatira ah, wag mo kakalimutan.” bulong ko sa kaniya. “Hehe sorry,” natatawang sabi niya. Pagkalabas namin ng shop ay pinagbuksan ni Enzo yung dalawa kong kaibigan ng pinto sa kotse niya. “Huy ingat kayo,” sabi ko. “Ingat din kayo ni Axel,” sabi ni Tori at nag flying kiss sa akin. Nagpaalaman din si Enzo at Axel habang ako ay di na alam ang gagawin. Hindi ba pwedeng si Enzo na rin maghatid sa akin? Kaya lang kabilang daan siya, malayo sa akin. “Let’s go?” ani ni Axel. Tumango ako at pumasok sa kotse niya. Nang sumakay siya ay parang naramdaman ko ng magiging mahaba ang biyaheng to para sa akin. Habang nasa biyahe ay tumingin na lang ako sa bintana. Wala naman nagsasalitang dalawa sa amin dahil wala naman kaming mapag-uusapan. Kung si Enzo o Xander siguro ay hindi ganito ang mararamdaman ko. Matapos ang tingin kong isang oras na biyahe kahit na 15 minutes lang naman ang byahe ko talaga pauwi, nakarating din kami sa barangay ko. “Axel dito na lang ako,” sabi ko. “Pakitigil na lang diyan sa gilid.” “There is no house in here.” sabi niya. “Ah hindi, maglalakad na lang ako papasok.” sabi ko. “Malapit na lang naman, saka malubak daan dun at maputik.” “it’s fine.” sabi niya at diniretso papasok ang kotse niya. Wala naman akong nagawa. “Eto lang Axel,” sabi ko at itinuro yung apartment ko. Iginilid niya ang kotse niya saka iyon inihinto. Marami pa ding tao sa kalsada at mga nag-iinuman. Bumaba na ako ng kotse at ganoon din si Axel na lilinga-linga sa paligid. Halatang di sanay sa ganitong neighbourhood. “Thank you Axel sa paghatid,” sabi ko. Tumango lang siya at tumalikod na ako. Naglakad ako papasok sa gate, hanggang sa makapasok ako sa bahay. Pagkapasok ko ng bahay ay laking ginhawa ang naramdaman ko. Ang hirap pala makulong sa isang lugar kapag hindi mo ka close yung kasama mo. Ibinaba ko ang bag ko sa couch na regalo ni Santi. Papasok na sana ako sa kwarto upang kunuha ng nga damit panligo ng tumunog ang cellphone ko na nasa bag, kaya kinuha ko ito. From Unknown You need to come home Gabriella. Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang message. Dinilete ko iyon at tuluyang pumasok sa kwarto ko upang kunuha ng damit. Sa pagtawag pa lang sa akin nito sa una kong pangalan, alam ko na kung sino agad iyon. Hindi na ako magtataka kung paano niya nakuha ang number ko. Hindi na rin ako mag aabala na magpalit dahil malalaman at malalaman niya rin iyon. Ganon siya. “I don’t want to go back Dad,” I muttered to myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD