Chapter 3

1554 Words
“Pwede ba tayo dito?” Kinakabahang tanong ko. Hinila kasi ako ni Diane papunta sa backstage nitong arena. Wala naman kaming backstage pass. Ngayon na kasi ang simula ng UAAP at nagawan ng paraan ni Santi na makakuha ng ticket para sa aming tatlo pero ang seat namin ay sa gawi ng school namin. Dahil doon ay ibinalik na rin siya ni Diane sa gc namin. “Aba oo, kay Santi naman galing ticket natin.” sabi niya. "Pag may humarang, say the magic word. Friends po kami ni Cervantes, ganon be." Iba talaga lakas ng loob ng kaibigan kong to. Napapailing na lang akong sumunod sa kaniya. Si Tori ay mahuhuli dahil may pasok siya, hahabol na lang daw siya mamaya. “Bestie!” tawag ni Diane ng makarating kami sa kwarto na naka assign sa school nila Santi. Agad naman itong lumingon sa amin. “May spy oh!” sabi niya kaya natingin din sa amin ang mga teammates niya. Maganda ang ngiti nito na naglakad papunta sa amin, pero nung magbaba ito ng paningin sa amin ay umismid ito. “Talaga namang ipinamukha niyo sa akin na wala akong suportang matatanggap sa inyo,” asik niya. “Green na green ah,” “Kaya nga kami nandito, para ibigay ang goodluck. Di na kasi kita ichi-cheer mamaya lalo at lalaro ang labidabs ko.” ani ni Diane. “Plastik ka talaga,” sabi ni Santi. “Well Santi, goodluck sa game mo.” sabi ko at yumakap sa kaniya. “Galingan mo, i’ll cheer for you quietly.” “Buti ka pa Ali, ikaw lang talaga nagmamahal sa akin sa pamilyang to.” sabi ni Santi. “Di mo sure, minahal ka din ni Tori-“ pagsingit ni Diane. Natawa ako. “Inang, highschool pa yon be!” sabi ni Santi. “Diring-diri nga sakin iyon ngayon, parang di gumawa ng love letter para sa akin.” “Bakit mo naman kasi kinaibigan lang?” natatawang tanong ko. “Di ko siya type, like so eww.” maarteng sabi ni Santi. “Gago ka ah, huli cam ka. Susumbong kita kay Tori.” sabi ni Diane habang nakatapat ang cellphone kay Santi. Kung kailan niya inilabas ang cellphone niya ay hindi ko na alam. “Pumunta ba kayo dito para igoodluck ako o para pasamain loob ko? Lalo ka na Diana.” “Both,” proud na sabi ni Diane. “Aalis na nga kami. See you mamaya, pag natalo ka libre ah.” “Asa,” mayabang na sabi ni Santi. “Goodluck bestie, break a leg.” sabi namin ni Diane at muli siyang niyakap. Ginulo naman ni Santi ang buhok namin. Pagkabalik namin sa bleachers ay madami na ang tao. Kagaya namin mga nakagreen din sila, ang iba ay may dala pang pompoms at mga lobo. May mga nakasupil pa na may mukha ng mga players. Bakit ko ba nakalimutan na sobrang dedicated ng mga studyante sa schools namin sa ganitong mga laro? Well nevermind. Maya-maya pa ay nagsimula na ang programa. Dahil nga opening day, may mga pasiklab pa bago mismo ang pinaka laro. Di rin naman gaanong nagtagal ay tinawag na ang mga players sa school namin. Sobrang lakas ng hiyawan na parang dumadagundong na dito sa arena. Concert yan? “Lastly, buckle up Green Valley fans, because here he comes, the one and only, 00 Axel Chavez!” Isa lang ang masasabi ko. Sofer OA ng mga tao. Mas dumoble pa ata ang ingay nung inintroduce tong captain ng school namin. Napatingin ako sa katabi ko na nagtatatalon pa. Pati sa kabilang team na fans ay nakikisigaw. Ganon ata talaga kapag kilala at sikat ang mga players. “Now let’s call on our defending champion last season, the Everest University’s Team!” the announcer said and called all the players with so much passion just like earlier. “Lastly, our MVP, the captain of Everest University Team, number 10, Santino Cervantes!” Kagaya kanina ay lahat din ay nagsigawan. Minsan ay nakakalimutan kong sikat nga pala itong kaibigan ko na to. Nari-realize ko lang tuwing UAAP season dahil sa dami ng mga pictures niyang nagkalat sa internet. “Bestfriend ko yan!” sigaw ni Diane na nagtatalon din. Maski ako ay nakikisigaw. Nakita kong napatingin sa amin si Santino at kumindat sa amin, nag tulakan tuloy ang mga nasa gawi namin. “Alam mo ang gwapo ni Santino tuwing nasa court,” sabi ko at kinuha ang cellphone ko upang kuhanan siya ng litrato. “Sana sa court na lang siya lagi,” Napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita doon. Si Tori pala na kakarating lang. “Huh, eme ka. Crush mo nga yan noon.” pang-aasar ni Diane. “Noon yon, nakakapangsisi lang talaga pag naiisip ko ngayon. Like why?” tanong ni Tori sa sarili niya. Mga baliw talaga. Nang. pumito ang referee, iyon na ang senyales na simula na ng laro. Lalong nagkagulo sa arena nang magawang tapikin ni Enzo ang bola sa team ng school namin. Ang ingay ng arena, lalo na itong dalawang katabi ko. Napapagitnaan pa ako. Wala pang sampung-minuto nagsisimula ang laro pero mainit na ang laban. Mga palong-palo naman talaga ang mga players. "Hawak ni Cervantes ang bola," sabi noong announcer. Hawak nga ni Santi ang bola at dini-dribble iyon habang tumatakbo sa basket nila. Tumalon ito para ishoot ang bola pero biglang may tumalon sa harap niya at nakuha ang bola, si Axel. Hindi nagtagal ay pumwesto ito mula sa 3 points at naishoot ang bola. "3 points for Chavez!" malakas na sabi ng announcer. "Congratulations!" bumaba kami ng court para batiin ang mga kakilala namin, well nila Diane at Tori. Sila lang naman ang maraming kaibigan at kakilala. Ako naman ay hinanap ng paningin ko si Santino. Nakita ko siya sa kabilang side na nakikipag-usap sa team niya at nakangiting tinatapik ang mga balikat nito. Sa unang laro ay nagwagi ang school namin ng tatlong puntos dahil sa last 30 seconds shoot ng Captain ng team namin. "Sinong tinatanaw mo diyan Ali?" Napaatras ako ng humarang sa harap ko ang nakangiting si Enzo. Pawisan pa ito at nagpupunas ng mukha sa harap ko gamit ang puting towel. Ngumiti ako at binati siya. "Congratulations!" naging medyo close na kami nila Enzo simula nung nanood kami sa gym ni Diane. Masyado kasing friendly ang kaibigan ko at nagkataong ganoon din si Enzo. Agad silang nagkasundo, hanggang sa nagbabatian na kami tuwing nagkakasalubong, mas nadalas din ang pagpunta nila Enzo sa shop namin kaya ayan, medyo close na kami. "Thanks Ali," sabi niya at sinundan ang tinitignan ko. "kahit parang iba ang chini-cheer mo kanina" nakangusong ani niya. "Huy, nagcheer din ako para sa school natin" "Cervantes ba?" nakangising tanong niya. "Boyfriend mo?" "Ha?" si Santi boyfriend ko? "Hindi ah, kaibigan namin yun." Siningkitan niya ako ng mata na parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Enzo," napatingin kaming dalawa sa tumawag sa kaniya. "Oh pre?" tanong ni Enzo sa kaibigang si Axel. "Huy Cap si Ali oh, iba chini-cheer kanina." pagsusumbong ni Enzo. Napairap ako at nginitian si Axel. "Congratulations Axel," "Thanks," sabi niya at tinanguan ako saka hinarap ang kaibigan. Suplado as always. Sa kanilang tatlong magkakaibigan ay si Axel ang di ko alam kung paano pakikisamahan. Para kasi siyang lagi naka poker face at isang tanong isang sagot lagi, dagdag pa na naalala ko kung paano niya ako nabunggo dati sa club noon na nagdeliver ako ng manok sa birthday niya. Napagalaman ko lang rin kailan lang sa mga kaibigan ko na birthday niya pala nung araw na iyon kaya rentado ang club gaya ng hinala ko. Ang mga kaibigan ko naman ay parang walang paki sa ugali niya, kaswal na kaswal din kasi nila batiin si Axel na parang matagal na silang magkakilala. "I'll go ahead muna, puntahan ko lang si Santi." paalam ko sa kanila at tumakbo papunta kung nasaan si Santi. Nang makarating ako doon ay inakbayan ko siya habang nakatalikod siya sa akin. "Congratulations bestie, ikaw pa rin mvp namin." sabi ko. "Thanks Ali, lintek kasi naman si Chavez, ayaw na mag overtime tinapos agad sa 3 points." reklamo niya. " Hehe pero anlupet, lalo at ngayon lang siya bumalik sa court." "Ngayon? Meaning wala siya last season?" tanong ko. Kaya pala hindi ko siya nakita last season. Kahit naman siguro lumaro siya nun di ko matatandaan, si Santi lang naman kasi talaga ang pinupunta ko sa ganitong lugar para panoorin at icheer. "Oo, bukas bukas din ng social media ha." sabi ni Santi sa akin at pin-nat ang ulo ko na para akong tuta. "Kahit naman magbukas ako ng socials ko, ikaw lang ang sikat na dadaan doon. Alam mo namang naka deactivate accounts ko at puro dump lang gamit ko." asik ko. Dalawang taon na rin simula ng ideactivate ko lahat ng social media ko. Ginawa ko iyon para makaiwas sa lahat ng bagay, ayaw kong malaman nila ang pinagkakaabalahan ko. " Saka ngayon ko nga lang sila nakilala sa buong pag-aaral ko sa GVU" "Masyado ka ng huli sa balita," ani niya. "Okay lang, ang tahimik ng buhay ko nung nag deactivate ako.” Ginulo niya ang buhok ko at hinila na ako papunta kila Tori at Diane na kumakaway sa amin sa gilid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD