Chapter 2

1773 Words
“Axel Chavez,” sabi nung bouncer at binasa pa yung nasa resibo. “Ahh si pogi, sige pasok ka.” “Di ba to iiwan na lang dito?” tanong ko. “Walang instruction na sinabi Miss eh, pasok mo na lang.” sabi niya sa akin at pinagbuksan ang ibang mga dumadating. Napabuntong-hininga ako. Ni hindi man lang ako tinulungan ni Kuyang Bouncer, magaan lang to oo. Sa sobrang gaan gusto ko na lang ibagsak dito. Well, wala naman akong choice kaya pumasok na rin ako. Pagpasok ko ay mukhang rentado ang lugar dahil may mga bouncers din sa loob na parang nagchecheck ng listahan ng mga guests. Lumapit ako doon sa table nila. “Sir, kilala niyo ho ba si Sir Axel Amari Chavez?” tanong ko. “Eto po kasi yung order niya.” “Nandun yon sa VIP table sa taas,” sabi nung bouncer. “Pag may nakita kang pogi, siya na yun.” “Ah okay,” Napairap ako pagkatalikod ko. Lintek, ang daming gwapo sa mundo noh! Wala na bang mas specific doon? Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number sa resibo. Nagri-ring naman iyon pero hanggang sa mamatay ang call ay walang sumagot. Idinial ko ulit pero ganoon pa din. Nakakainis! Mga ilang beses ko pa iyong idinial pero wala talaga. Inamers, cash on delivery pa naman ito. Mamaya scammer pala yung tumawag, nanggamit lang ng ibang pangalan. Wag naman sana, wala akong pera pampaluwal! Naiinis kong ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko. Papanik na sana ako sa itaas ng may makabunggo ako. “S-sorry!” agad kong sabi. “H-huy! Ikaw yung sa WingsWing Haven diba?!” Naiangat ko ang tingin ko dahil matangkad siya. Naningkit ang mata ko at pilit siyang inaalala. Nginitian niya ako ng sobra. “Ahh-hello po!” nakangiting sabi ko kahit hindi ko maalala kung sino siya. “Hello,” napatingin siya sa bitbit ko. “Kay Axel ba yan?” “Axel Amari Chavez po?” tanong ko. “Oo, akin na nga. Tulungan na kita.” sabi niya sa akin. “Sunod ka na lang sakin, wala kasi akong dalang pera eh. Nasa taas yung wallet ko.” “Sige po Sir,” sabi ko at sumunod sa kaniya. “Ako nga pala si Enzo,” sabi niya, tumango naman ako. “Madalas kami ng mga kaibigan ko dun sa shop niyo, mukhang manok kasi si Axel.” “Ahh,” tanging nasabi ko. Sige kwento ka lang Sir, di ko naman kasi sila maalala dahil sa dami ng pumapasok sa shop namin. Iba-ibang mukha ang nakakaharap ko tuwing papasok ako sa trabaho. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa huminto siya sa isang table. Pumasok siya doon, at ibinaba ang mga bitbit niya sa lamesa. “Asan ba si Axel? Yung mga manok niya dumating na.” sabi nitong si Enzo daw. “Don’t know,” saad naman nung isa na nadatnan namin doon sa VIP section. “Oh you’re with someone? I thought you’re already allergic to love.” Ano? “Gago, siya yung nag deliver nitong manok ni Axel!” singhal nung isa. “Bayaran mo na.” “Bakit ako?” tanong nung lalaki. “Para sa ikabubuti to ng friendship natin,” sabi noong lalaki. Umismid lang yung lalaki at kinuha yung wallet. Inabutan ako nito ng sampung-libo . “7,690 lang po sir,” sabi ko. “Keep it, galante talaga yan si Master Xander.” sabi nitong si Sir Enzo at isinara ang kamay ko na may hawak na pera. “Siya nga pala yung sinasabi ko sayong wallet.” “Pero-“ “It’s okay, sige na.” sabi niya ulit. “Thank you po,” sabi ko at ibinulsa yung pera. Nagpaalam lang ako sa kanila at bumaba na. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti. Sarap naman ng tip ko, dalawang libo mahigit! Sulit din pala paghihintay ko. “Leave me alone Margarette.” Muntik na akong mabangga doon sa nakasalubong ko sa hagdan. Ni hindi man lang ito huminto, kahit natabig yung balikat ko. Umismid na lang ako. Napatingin din ako doon sa sumusunod sa kaniyang babae. Nakita kong pumasok yung lalaki doon sa vip section na pinanggalingan ko. Siya siguro yung Axel. Well, nevermind. Tapos na trabaho ko dito. Nang sumapit ang alas-dose ay nag close na kami ng shop. Mauuna akong umuwi dahil hindi naman ako ang closing ngayon. Nagpaalam lang ako sa mga kasamahan ko at nauna ng umalis. Nag-book lang ako ng angkas dahil baka wala na akong masakyang jeep dahil nga alas-dose medya na. Habang nakasakay sa motor ay nagbasa ako ng mga messages sa cellphone ko para abalahin ang sarili. Wala naman kaming mapag-uusapan nitong driver ko. Binuksan ko ang gc namin ng mga kaibigan ko. dayanughh: @Santino, namoka nakita kita sa Poblacion kanina ah. ToriG: Ano ginagawa?! dayanughh: nako, spg bes! Santino: Taena, di ako nagawing poblacion. Gawa-gawa ka na naman @dayanughh. ToriG: bulbul, umamin ka na Santino: Namimiss niyo lang ako kaya kung saan-saan niyo ko naiimagine dayanughh: ratbu ka ba para mamiss ko? ToriG: Taena mo @dayanughh HAHAHAAHAH dayanughh: kiki Napapailing akong nagrereact sa mga messages nila. Puro kalokohan lang naman ang laman ng gc namin. Habang nagbabasa ay nakita kong may nagta-type. ToriG: Oh ayan na si @AliChu, tapos na ang pagpapayaman today. Me: Sarap talaga pag sa delivery ako naka assign eh, dami tip hehe. dayanughh: mas masarap ka beh, wag ka papatalo me: baliw Santino: Handa na ba matalo school niyo @everyone? me: may ano? ToriG: UAAP na, magpapa-yummy na naman si Santino. I reacted a laughing emoji to Tori’s message. dayanughh: bigyan mo kami ticket, chicheer kita. Santino: wala, sold out na daw eh. Chineck ko kanina. dayanughh removed Santino from the group. ToriG: taena HAHAHAHAHA me: gaga ka dayanughh: alisin sa gc ang walang silbe Nag-usap pa kami ng mahaba sa gc hanggang sa makarating na ako sa apartment. Mag-aala una na din,at mabuti na lang ay tanghali pa ang pasok ko kaya makakabawi ako ng tulog kahit papaano. Kinabukasan ay agad akong dumiretso sa canteen dahil nandoon daw si Tori at Diane, si Santi naman ay sa ibang school nga pala nag-aaral kaya madalas ang kasama ko lang talaga ay itong dalawa. “Grabe ganyan ka talaga kaganda kapag di mo nakikita yung manager mo eh.” sabi ni Diane pagkarating ko. Napailing na lang ako. Washday kasi namin at nagsuot lang ako ng simpleng dress na mahaba at sandals. Hinayaan ko lang rin na nakalugay ang buhok ko. “Huy sarap mo naman!” sabi ni Tori pagkarating na may dalang tray ng pagkain. “baliw,” sabi ko. Tumawa lang ang gaga at inilapag ang mga pagkain sa harap namin. Umorder na pala sila habang wala pa ako. As usual ay naglabas ng tupper ware si Diane at inihain ang mga baon niya. Lagi talaga siyang may baon na pagkain para sa amin at lahat iyon ay niluto niya. Magaling magluto si Diane, bagay na bagay sa course niya na Hospitality Management. Si Tori naman ay Business Administration ang course, samantalang ako ay Fashion Design and Merchandising. “Huy ang sarap!” sabi ko habang kumakain. “Mas masarap ka be,” sabi ni Diane. “Namo,” mura ko dito at saka tumawa. Pagkatapos kumain ay naghiwa-hiwalay rin kami dahil may klase kami pare-pareho ngayong ala-una. Pagkapasok ko sa classroom ay agad akong sinalubong ng kaklase ko na si Sammy. “Ali, tapos mo na yung design mo?” Tumango naman ako. “yung drawing pero yung detailing hindi pa.” “Ang hirap mag detail, maarte pa yung prof natin.” sabi ni Sammy. Natawa ako at nakipag-usap din sa iba naming kaklase. Iilan lang naman kami sa klaseng ito, para mas malaya kami gumalaw. Kaya madami ang sections din namin, pero kaunti kami di gaya ng ibang course. Hindi kasi gaanong priority ang course namin dito sa Pilipinas kaya parang ang hirap pasukin ng course na to. Pagkatapos ng lahat nang klase ay dumiretso ako sa gym dahil nandoon daw si Diane. Hinintay na ako nito matapos para daw sabay na kami at maihatid niya ako sa apartment. Si Tori naman ay may klase pa rin. “Huy Ali yan ka na pala.” sabi ni Diane sa akin pagkalapit ko sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya. “Sino ba pinapanood mo dito? Lagi ka dito tumatambay?” tanong ko at ibinaba ang bag ko sa upuan. “Lahat sila,” nakangising sabi niya. “Sus” asik ko. “Sino diyan?” Nginitian niya muna ako bago lumapit sa akin at pasimpleng itinuro yung “bet” niya. “Ayun oh, 04.” Tinignan ko naman iyon at napasingkit ang mata ko nung makitang pamilyar iyon. “X-Xander? Tama ba?” tanong ko kay Diane. “Oo, paano mo nalaman?” tanong niya. “Ahh, nagdeliver kasi ako ng manok sa kanila kagabi. Siya nagbayad.” sani ko. “Para kasi sana yun dun sa kaibigan niya-“ “AHHHHH SHET!” Nagulat ako ng biglang sumigaw si Diane at nagtatalon dito sa bleachers. Hindi lang siya ang sumisigaw, pati na rin ang iba pang nandito. Ano ba yun? Ang oa ng mga tao. “Shet, ang gwapo ni Axel.” sabi ni Diane. Napatingin naman ako doon sa bagong pasok na nakasuot ng varsity na itim. Siya pala yung Axel. Napatango ako ng makita ang mukha nito, gwapo nga. Ngayon ko lang talaga kasi nakita ang mukha niya sa buong pag-aaral ko dito sa Green Valley. Kasunod niya yung Enzo, ngayon ay naaalala ko na sila. Tama, sila nga yung madalas sa shop namin. Sa pagkakaalala ko ay naka uniporme nga sila ng Green Valley noon. Nakita kong kumaway-kaway yung Enzo na parang artista sa mga nanonood. Sanay na sanay sa atensyon. Natigil ang mata nito ng makita ako. "Huy Ali!" Paano niya nalaman pangalan ko? Wala akong nagawa at kumaway lang din. Siningkitan tuloy ako ni Diane ng mata. "Di mo ko sinasama sa mga gimik mo ah," ani niya. "Sige, sumama ka sa akin mag-deliver." Nabigla ako ng tumakbo papalapit sa gawi namin si Enzo, nakatanaw naman yung Axel pati na rin yung Xander sa kaniya. "Hi," bati niya. "Hi Enzo!" magiliw na sabi ni Diane. "Hi, friend mo pala tong si Ali?" nakangiting tanong niya. "Ikaw lang kasi lagi ko nakikita dito manuod eh." "Oo, bestfriend kami." "Ah- Enzo right?" pagsingit ko sa usapan nila. "Paano mo nga pala nalaman pangalan ko?" "May nagsabi lang sa akin na pogi hehe" ani niya saka tumawa. Si Santi? Close ba sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD