Chapter 1

1521 Words
“Allison, wala na bang ibibilis yan?!" Nagmamadali kong inilagay sa mga paper bag ang bucket ng mga manok. Lintek na, galit na galit na naman sakin ang manager ko. Ewan ko ba, ako napagdidiskitahan niya lagi. "Eto na po!" sabi ko. "Baks, tulungan na nga kita." sabi ni Diane kaibigan ko at ipinasok ang ibang manok sa mga paper bags. "Kaimbyerna yang manager mo na yan ah, sasamain na sa akin yan.” Napailing na lang ako. “Hayaan mo na, di ka pa nasanay.” Umismid lang ang kaibigan ko. Sa loob kasi ng halos dalawang taon ko dito sa WingsWing Haven, ganiyan na talaga ang Manager ko sa akin. Ayaw ko na lang rin patulan, dahil puro lang naman siya bunganga. Bukod doon ay wala naman siyang ginagawa sa akin. Mabuti na lang din talaga ay laging pumupunta dito ang mga kaibigan ko kaya naman hindi ako gaanong nahihirapan, madalas din ay tinutulungan nila ako sa paglilinis ko tuwing ako ang naiiwan sa shop. Lalo na noong baguhan pa ako rito. Sa totoo lang ay pwede na silang swelduhan sa mga ginagawa nilang tulong dito sa shop. “Oh Madam, eto na hah.” sabi ni Diane sa Manager ko habang bitbit ang mga paperbags. “Kuya, karga mo na re.” sabi niya doon sa delivery rider. Napailing ako sa kaibigan ko. Sanay din naman kasi siyang makipagbardagul sa Manager ko. Pilosopo kasi itong kaibigan ko. “Bakit kaya di mo na lang palitan yang kaibigan mo tutal mas magiliw ka magtrabaho?” nakataas ang kilay na tanong ni Manager. “Mayaman na ko te,” maarteng sabi ni Diane. “at saka pano naman magiging magiliw tong kaibigan ko kung ikaw kasama lagi?” Palihim kong siniko si Diane dahil sa sinabi niya. Nginitian lang ako ng gaga. Tinaasan tuloy kami ng kilay ng Manager ko. “Joke!” pahabol ni Diane ng makitang uusok na ang tenga ng manager ko. “Tse!” sabi nito at nag walk out. Nagkatinginan kami ni Diane. “Inangyan, kala niya ah.” tatawa-tawang sabi nito sa akin. “Hay nako, pag iinitan na naman ako niyan.” “Ay sus, papuntahin mo lang si Santino, babait iyan.” Natawa ako sa pagbanggit ng isa pa naming kaibigan, si Santi. Totoo nga namang nagiging mabait ang Manager ko tuwing nanidyan ang kolokoy kong kaibigan. Lintik, gwapo din kasi ang bugok. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Diane na aalis dahil may klase siya. Ako naman ay bumalik na sa trabaho, baka talakan na naman ako ng manager ko. Wala akong klase ngayon, kaya naman nandito ako sa shop. Dipende din ang pasok ko sa schedule ng klase ko bilang part time lang naman ako. “Welcome to WingsWing Haven,” I said through the counter. “Huy pre ano sayo?” Napaangat ang tingin ko sa customers. Nakita kong kapareho sila ng uniporme ng mga lalaki sa school ko. Mga taga University of Green Valley din. Madalas talaga ay tambayan ito ng mga estudyante doon dahil malapit lang ito sa school. “The usual,” ani ng isang lalaki doon sa nagtanong. Umupo ito sa may bakanteng table, at doon nag cellphone pagkatapos sabihin ang kaniyang order. “Kingina, walang sawa sa manok, walang sawa din dun sa flavor.” bulong nung customer sa harap ko. “Isang tray nga nung chicken bites, garlic parmesan. Tas ako rice meal, buffalo flavor ning chicken.” “Noted sir, anything else?” Tumingin ito sa akin ng nakangiti. “Wala na,” “Okay, that would be 610 pesos sir.” I said and clicked on the computer. “Here,” sabi niya at nag abot ng isang libo. Matapos mabigay ang sukli ay umupo na din ito. Ako naman ay sinend na ang order nila sa kitchen. Maaga pa kaya wala pa gaanong tao kaya siguradong mabilis lang ang order nila. Ako naman ay inabala ang sarili sa paglilinis ng ibang tables na kagagamit lang, para dire-diretso. “Asan na ba si Xander?” narinig kong tanong nung lalaking umorder kanina. “Probably sleeping,” the other man said. “Tawagan mo na Axel, binlock nun number ko eh.” “Why?” “Napikon, tinawagan ko kasi nung pasko tas tinanong ko ano size ng brief niya. Gusto ko lang naman mag magandang loob.” Muntik na akong masamid sa narinig ko. Dali-dali akong lumayo dahil baka hindi ko mapigilan ang tawa ko. Nagpokus na lang ako sa pag-aayos ng mga upuan at pagpupunas ng mga lamesa. Kalaunan din ay dumami na ang tao kaya naging abala na talaga ako ng tuluyan. Napatingin ako sa kalendaryo at naaalala ang papalapit kong mga due date ng bills. Napapikit ako dahil bayaran na naman. Panibagong buwan, panibagong gastos. Pagkauwi ko ay dali-dali kong kinuha ng karton na pinaglalagyan ko ng pera. May kaunti naman akong ipon, kaya lang sa dami ng bayarin ko ay nauubos din ito agad. Para akong nag iipon sa wala, dahil kada buwan ay balik ako sa umpisa.. “eleven thousand eight hundred.” bilang ko doon sa mga naitabi kong pera. Napabunting-hininga ako. Itinabi ko ang ang pambayad ko sa apartment, kuryente, at tubig. Laking ginhawa rin talaga na pumasa ako sa scholar ng school at gold scholarship ang nakuha ko kaya wala akong binabayarang kahit ano pwera na lang sa mga projects na kailangang gastusan. “May 3,500 pa ko.” sabi ko at inilagay iyon sa wallet ko. “Tipid-tipid Gabriella.” sabi ko sa sarili ko. Itinabi ko na ang kahon sa drawer ko at kumuha na ng damit para makaligo. Papasok na sana ako sa banyo ng mag ring ang cellphone ko. Sinilip ko iyon at nang makita ang caller ay dinecline ko ito. Iwas stress muna. “Huy Ali, ano na naman yang mga bitbit mo?” Napahinto ako sa paglalakad ng may tumapik sa balikat ko. Nakita ko si Tori, isa sa mga kaibigan ko na nakapewang sa harap ko. “Oh eto,” I glanced at the papers I am holding. “Dadalin ko sa CIT department, dun ako naassign na student assistant eh.” “Ang layo, tara tulungan na kita.” sabi niya at kinuha yung kalahati ng bitbit ko. “Thankies,” nakangiting sabi ko pero inirapan niya lang ako. “Talagang pati pagiging student assistant pinatos mo na ah? Ni hindi ka nga mautusan sa in-oh well nevermind.” pagpipigil niya sa sarili niya. Napangiti ako “Extra income noh! Sayang din,” sabi ko at kinindatan siya. “Alam mo naman ang dami kong bayarin.” “Yeah whatever.” sabi niya. “Well, if you need money, just tell us. Kahit alam kong di mo gagawin.” “Thanks for the offer,” natatawa kong sabi. Matapos ko sa school ay dumiretso na agad ako sa WingsWing Haven. May shift kasi ako ngayong gabi. Mabilis akong nagpalit ng uniporme. Sinilip ko din sa kusina kung nandoon ang Manager kong masungit pero mabuti ay wala. Iba ang naka shift ngayon. Sa delivery ako naka assign ngayon. Hindi kasi kami gaano nag-rerely sa mga delivery app dahil masyadong mataas ang kaltas nila sa kita namin, kaya naman napagdesisyonan ng mga boss ko na pag kaya naman ideliver ay kami na lang. “Will that be all Sir?” I heard my coworker Yana asked through the telephone. “The total of your order is 7,690 pesos Sir.” Napatingin ako kay Yana. Mukhang marami iyon ah. Sakto ring binaba na niya ang telepono. Ipinasa na niya sa kitchen ang order at nakita kong puro set meal iyon. 15 boxes of chicken bites, assorted flavor 20 set meals 10 large fries “Dami ah,” sabi ko. “Kaya nga eh,” sabi niya. “Well, eto muna ang deliver mo.” sabi niya at iniabot sa akin ang tatlong paper bag. Tinignan ko ang resibo para sa address. Tumango ako at isinakaya na iyon sa mini scooter ng shop. Mabuti talaga ay may lisensya din ako, kaya isa talaga ako sa nagdedeliver pamimsan. Pagkadeliver ko ay bumalik na ako sa shop. Nakita kong unti-unti nang natatapos yung sa malaking order. Dinouble check lang din iyon ni Yanna, para siguradong walang kulang. Pagkatapos noon ay tinulungan na niya ako ilagay iyon sa delivery hox. “Saan to?” tanong ko. “Oh,” iniabot niya sa akin ung address. “BGC, dun sa may bagong bukas na club” “Ahh yung Echo,” Matapos noon ay nag drive na rin ako. Bente minutos din ang itatagal ko sa byahe dahil sa traffic. Napakabagal ng usad ng mga sasakyan. Alas siyete na kasi at rush hour, well lagi naman rush hour dito sa Pilipinas, di nawawala ang traffic. Matapos ang halos 20 minutes ay nakarating din ako sa pupuntahan ko. Tinanggal ko ang helmet ko at kinuha yung mga delivery ko. “Miss san ka po?” tanong nung bouncer na humarang sa akin. “Ahh delivery po for,” sabi ko na huminto pa para basahin ang receiver sa resibo,” Axel Chavez po,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD