Ngayong araw ay maaga kaming pumunta sa school para makapagpractice saglit at makapag-ayos na rin habang naghihintay na papuntahin kami sa Auditorium. Gusto ko na ngang pumunta sa Auditorium dahil naiirita na ako dito, panay kasi ang pagtatalo nila Landipa at Sebastian parang mga bata. Napatayo kami ng biglang may lumapit sa'min na isa sa mga miyembro ng student council at sinabi niyang pinapapunta na raw kami sa auditorium kaya aligaga naming tinungo ang daan papunta doon.
Nandito na kami sa auditorium at kasalukuyang hinihintay na mag-umpisa ang aming presentasyon. Medyo kinakabahan pa ako kaya namamawis na ang palad ko at saka pasmado kasi ako.
Naka-plain na damit lang kami base sa istorya namin. May mga suot na rin kaming lapel na binigay kanina. Hindi kasi pwedeng mikropono ang gamitin dahil mahihirapan umakto kaya pinahiram kaming lahat ng mga lapel.
"Mic test. Mic test," rinig sa buong auditorium ang pagsasalita ng teacher namin.
Tumikhim muna bago magsalita ang teacher namin na nakatayo na ngayon sa stage. Hudyat na mag-uumpisa na.
"Good morning parents and teachers. Thank you for attending our school's presentation. It is presented by our students from grade 11 section ABM-A. Today, the students will present a short play about love, fantasies and so on. So, let's start." umalis na sa stage si ma'am at nagsara na ang kurtina.
Ang unang ipre-present ay tungkol sa pamilya at pagtapos niyan ay kami na ang sunod. Hindi kasi sinunod ni ma'am ang groupings at mas ginusto niyang magbunutan na lang para fair. Biglain din ang desisyon ni ma'am kaya kinabahan kaming lahat at medyo okay na rin para sa grupo namin na kami ang pangalawa.
Maganda naman ang presentasyon ng nauna. Tungkol sa pamilyang may isang anak na isinakripisyo ang sarili para lamang maligtas ang kaniyang pamilya at ang ibang tao. Marami silang natamaan sa istorya nila. May mga naririnig pa nga kaming sumisinghot at nakita ang iilan na umiiyak dahil sa lakas ng impact ng kanilang presentasyon.
"Cath tara na magready na tayo!" Excited na sabi ni Caila.
Tumayo na ako't naglakad na kami papuntang backstage. Naabutan kong pinapractice ng mga kagrupo ko ang kanilang mga linya. Samantalang ako ay kinuha ang salamin at tiningnan ang kabadong mukha ko.
Pagtapos kong titigan ang sarili sa harap ng aking salamin ay agad akong tumayo at kinuha ang aking script. Paulit-ulit ko 'tong binasa at at minemorize dahil pakiramdam ko'y sa sobrang kabado babaliktad na ang sikmura ko. Medyo pinagpapawisan na rin ako.
Nang makarinig kami ng masigabong palakpakan ay dali-dali na kaming tumayo. Nakita na naming bumalik na dito ang kaninang nagpre-present at kami na ang tinawag. Hiling ko lang ay sana maging successful ang play na 'to.
"Good luck sa ating lahat," sambit ni Caila at nginitian kami.
Pumunta na kami sa likod ng kurtina at naghanda na. Nang makita ko kung paano 'to unti-unting tumaas doon naman ako nakaramdam ng tambol sa puso na nagsasabing kinakabahan na ako.
"Kyaah! You know beshy I'm so happy!" Sigaw ni Keila sa character na si Zeara.
Kumapit si Keila sa braso ko na ngayon ay sobrang aliwalas ng kaniyang mukha. Napatawa naman ako at saka nagsalita.
"O, bakit naman?" Tanong ko as a character of Freeda.
"Kasi nakita ko si Hans!" Eksayted na sigaw ni Zeara at nagtititili.
Jace as Hans in his character. Agad akong bumaling ng tingin kay Zeara at napataas ng kilay.
"Ano bang nagustuhan mo sa supladong 'yon beshy?" Tanong ko.
Suplado naman kasi talaga si Hans pero halos lahat ng babae sa school ay gustong-gusto siya.
"Zeara really likes Hans and everytime she sees him, she will tell it to her bestfriend Freeda. But, one day..." Ani Caila bilang narrator ng aming grupo.
"Freeda! I love you," Sambit ni Hans at hinila ako sa braso't niyakap ng mahigpit.
It feels awkward for me. Pero para sa grades kakayanin.
"B-but, Hans you know my reasons," sabi ko nang nauutal at nanginginig.
"Alam ko Freeda. Pero mas mahalaga ba siya kaysa sa'kin? Sa'tin?" Sambit ni Hans at kumawala na sa pagkakayakap.
"Hans likes Freeda. But, they doesn't know that Zeara was there and she heard everything that's why she was so angry for what she just saw and heard," sabi ni Caila at pumasok na si Keila as Zeara.
Bigla akong sinampal ni Zeara at bigla kong narinig ang singhapan ng mga taong nanonood. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-acting kahit gusto kong lingunin ang reaksiyon ng mga manonood.
"Ang landi mong babae ka! Inagaw mo siya saakin!" Hawak ang pisngi'y hinarap at tinanggap ko ang galit na sigaw ni Zeara at dinuro-duro ako.
"Wala akong inaagaw sa'yo. Tandaan mo 'yan! Dahil kung may inagaw man ako sayo matagal ko nang ginawa!" Sigaw ko kasabay ng pagpatak ng mga luha.
Unti-unti namang nagsara ang kurtina. Hudyat na kailangan na naming maghanda para sa mas lightly na scene.
"Makalipas ang dalawang taon ay muling naibalik ng dalawang magkaibigan ang kanilang samahan at masayang namumuhay sa kani- kanilang pamilya. Si Freeda ay nagkapamilya kay Hans at si Zeara ay nagkapamilya kay Jester at simula noong araw na nagtalo si Zeara at Freeda ay do'n nakilala ni Zeara si Jester at dahil do'n nalinawan siya na hindi pala dapat siyang magalit dahil wala naman silang relasyon ni Hans at do'n nagtatapos ang kuwento," sambit ni Caila.
Habang ikinekwento 'yon ni Caila ay siya namang pag-acting naming apat. Nang matapos na ang mga sinasabi ni Caila ay nagtabi-tabi na kami upang bumuo ng isang hilera't naghawak-kamay at sabay-sabay na nag-bow. Narinig namin ang magarbong palakpakan at ang pagsipol ng iilan.
Napalingon naman ako sa audience at nakita ang kapatid at mommy ni Jace na ngayon ay may hawak na camera at kinukuhanan kami. Napangiti na lamang ako't bumalik na kami sa backstage.
"Woooh! Success!" Masayang sigaw ko nang makarating dito sa backstage.
Nag-group hug naman kaming lima dahil sa successful ang presentasyon namin. Buti na lang talaga hindi ako nilamon ng kaba dahil sobrang nakakahiya kung nagkataon.
Pinanood pa namin ang iba pang magpre-present ng bigla akong makaramdam ng sakit ng ulo. Kaya nagpaalam na ako sa teacher ko na uuwi na dahil ang sakit na ng aking ulo.
Nagpasundo na lang ako sa driver namin dahil nakakahiya kasi kanila Jace. Nandiyan pa naman ang mommy niya at saka hindi na rin ako nakapagpaalam dahil sobrang sumasakit na ang ulo ko.
Pagdating ng bahay ay agad akong nagulantang ng makakita ng mga maleta sa sala. What the f**k? Sinong dumating? Sabi ko't diretsong tinungo ang dining area kahit na pakiramdam ko'y parang pinupukpok na ang ulo ko.
Shit! They're here!!!