Chapter 7

1055 Words
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang cellphone kong tumutunog at sobrang ingay talaga kaya agad ko itong kinuha at bahagyang nakapikit ang isang mata na dinungaw ito upang patayin at matulog ulit. Ala-una pa lang naman at wala namang pasok kaya okay lang at saka medyo napuyat ako kakabasa ng I Fell In Love With My Bestfriend na akda ni Foreveryoung1206, medyo relate kasi ako kaya tuloy-tuloy ang pagbabasa ko. Pero bigla akong napabangon nang mapagtantong may practice nga pala kami ngayon para sa roleplay kaya agad-agad kong kinuha ang tuwalya ko't naligo. Pakiramdam ko wisik-wisik lang ang ginawa kong pagligo dahil sa pagmamadali. Bahala na basta nabasa! Hehe. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay ng mga kolorete sa aking mukha dahil aksayado lang 'yon sa oras, at saka simple lang naman ang suot ko. Naka-black jeans lang ako at saka plain tee na white and rubber shoes. Hayst! Dapat nga magtsi-tsinelas lang ako dahil kila Jace lang naman. Pero nakakahiya naman, kailangan kong maki-belong kila Caila at baka kung ano pa ang masabi ng maarteng si Keila. Baka sabihan na naman ako ng pangit no'n, aahitin ko na talaga kilay no'n. Pagtapos kong mag-ayos ay nilagay ko na sa'king bulsa ang aking cellphone at wallet at saka dali-daling bumaba. Naabutan ko naman sa aming sala si Caila na nagce-cellphone. Nag-text kasi siya sa'kin kagabi na sasabay raw siya sa'kin. Sa sobrang pagmamadali ko kanina nakalimutan ko na siyang itext at sabihing kagigising ko lang. Nakakahiya tuloy at naghintay pa siya. "Uy Caila! Tara na!" Anyaya ko't dire-diretsong tinungo ang daan palabas ng bahay. Hindi na ako magkandaugaga, muntik pa akong madapa. "Talagang tara na. Nandoon na raw sila. Tayong dalawa na lang hinihintay." Nanlaki naman ang mga mata ko. Ang aga naman nila wala pa namang alas-dos, ah. Napatampal naman sa noo si Caila na para bang nabasa niya ang sinabi ko sa aking isipan. "Alas dos na, Cath." "Eh ano pang hinihintay natin? Gora na!" Sabi ko't hinila ko na siya papasok sa van namin. Sumakay na rin sa driver's seat so manong Cardeng. Nagpaalam pa talaga ako kagabi kay daddy no'ng tumawag siya. Tinanong ko kung pu-pwedeng gamitin ang aming van, pumayag naman siya. Buti na lang at madaling mapapayag sila dad, at saka sinabi ko naman na hanggang kanila Jace lang kaya ayos na ayos lang. Hayst! I missed them, sana bumalik na sila dito. After an hour, nakarating na kami ni Caila sa park at tama nga siya, nando'n na sila Landipa at Sebastian na halatang bored na kahihintay sa'min. "You two are so tagal! My skin is sunog na," reklamo ni Keila. Ang arte na, ang conyo pa. Sus! Mabuti nga! Ang landi mo kasi. Bumalik na naman dati mong ugali mas maganda pa kahapon no'ng hindi ka nagsasalita! Kung ako sa kaniya tigil-tigilan niya 'yan dahil medyo nakakairita't ang sarap manapak. "Tsk! Arte," iritableng sambit ni Seb kay Keila. May tama ka diyan Seb! Mukhang may makakasundo ako. Muehehehe! Pero nakakatakot tingnan si Seb kasi mukha siyang seryoso sa buhay, unlike kay Jace na mukhang loko-loko, at mukha ring bakla. Itong si Seb ang manly kung tingnan. "O siya, tara na't sumakay na kayong dalawa at gogora na tayo," sabi ni Caila na agad din namang sinunod ng dalawa. Mga kinse minutos lamang ay nakarating na kami. Medyo malapit lang naman kasi ang bahay nila Jace sa parke, pwede ngang lakarin. Bumaba na kaming dalawa ni Caila, pero 'yong dalawa hindi pa. Hindi ata namalayang huminto na dahil sa pagtatalo nila. Pakiramdam ko may future sa isa't-isa ang dalawang 'to. "Uy! kayong dalawa diyan, nandito na tayo kaya bumaba na kayo't nauubos ang oras natin," sabi ni Caila habang inaayos ang strap ng shoulder bag niya. Nakita ko namang inirapan ni Keila si Seb pagbaba ng sasakyan. Ano bang meron sa dalawang 'to? Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw sila ang nagkatuluyan. Pero imposible rin naman, ano ba ang malay natin? Nag-door bell na ako't agad din namang binuksan ng isa sa kanilang mga katulong, si ate Jess, nang makilala niya ako. "Ah ma'am Cath pasok po kayo nandoon po si sir Jace sa sala," sabi ni ate Jess at mas nilakihan ang awang ng gate para tuluyan na kaming makapasok. "Sige po ate Jess. Thank you po," aniya't nginitian siya. Si ate Jess lang talaga ang halos ka-close ko dito. Minsan nagkukuwentuhan kami ng kung anu-ano. Pag-pasok namin ay naabutan naming naglalaro si Jace ng tekken sa kaniyang X-Box, parang natetempt din tuloy akong maglaro. Pero naalala ko nga pala na nandito kami para mag-practice at hindi para mag-laro. Ang unfair! "Jace, practice na!" Sigaw ni Caila. Si Keila at Seb naman ay panay ang palitan ng sama ng tingin sa isa't-isa. Nakita namin siyang tumayo para patayin na ang kanyang nilalaro at pagtapos ay sinenyasan kaming pumunta sa garden. Sumunod naman kami sa kanya't naglakad na patungo doon. Hindi naman masyadong mainit dito sa garden nila dahil natatakpan ng iilang naglalakihang bahay ang sinag ng araw ngayong dapit hapon. Naupo kami sa damuhan at inilabas na ni Caila ang script at saka in-set niya na kung sino ang mga gaganap sa mga characters. "Okay. Jace, ikaw ang gaganap bilang Hans. Ikaw naman Cath ay gaganap bilang Freeda. Ikaw Landipa ang gaganap bilang Zeara at ikaw sebastian ang gaganap bilang Jester," sabi ni Caila at ibinigay na sa amin ang mga script. "Okay. Umpisahan na natin. " Nagsi-tanguan naman kaming lahat. Bago kami mag-umpisa, sinabi ni Caila na pwede raw muna naming basahin habang naga-act kasi kabibigay niya pa lang naman ng script namin. Pero sa mismong presentasyon na ay kailangang kabisado na namin para smooth ang bawat galaw. "Ang landi mong babae ka inagaw mo siya sa akin!" "Wala akong inaagaw sa'yo, tandaan mo 'yan! Dahil kung may inagaw man ako sa'yo, matagal ko nang ginawa! " "CUT!" Narinig namin ang sigaw ni Caila kaya sabay-sabay kaming bumuntong-hininga. Ang intense kasi, grabeh. Pagtapos ng pahinga ay ipinagpatuloy na namin ang pagpa-practice hanggang sa matapos namin. Si Caila ang narrator, at sa mismong araw ng presentation ay sisiguraduhin naming magiging maayos ang gagawin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD