Bigla akong natauhan sa bell na narinig. "Okay, class dismissed!"
Niligpit ko muna ang mga gamit ko at lumapit na kay Caila. Nauna nang lumabas si Jace dahil baka raw nandoon na si Lace kaya ito ako't hinihintay ang napakatagal kong new found friend. Naging magkaibigan kami kanina nang magtanong siya sa'kin kung paano sagutan 'yong homework namin sa General Mathematics.
Maski ako rin ay nahirapan sa math kaya nakipag-skype pa ako kay kuya kagabi. Medyo naloka kasi ako at saka magaling din kasi sa math si kuya kaya siya na lang ang hiningan ko ng tulong. Buti nga't hindi siya busy no'n kaya natulungan niya ako.
Excited na akong makita sila ulit. Unting tiis na Lang! Awii!
"Caila tara na! Bakit ang tagal mo? Sa cafeteria lang tayo pupunta kaya 'di mo na kailangang mag-lipstick o kung ano ba 'yan," sabi ko't inirapan siya.
Ang arte naman ng isang 'to. Tinalo pa ang mga teachers. Hiyang-hiya rin ang miss universe sa kaniya. Hayst! Nasa school lang naman kasi.
"Kailangan maging fresh," sabi niya at nag-pulbos na. Napaubo-ubo pa ako nang masinghot ng ilong ko ang powder. Kaloka! Bakit ba kasi kailangan pang mag-ayos, eh magugulo rin naman dahil kakain kami?
"Ang tagal mo! Baka naiinip na si Jace do'n," reklamo ko. Medyo nauubusan na ako ng pasensya, ha. Baka i-unfriend ko 'to agad sa life ko. Ayoko pa namang mainip. Mainipin akong tao, eh.
Napansin ko namang bigla siyang naestatwa sa sinabi ko kaya medyo nagtaka ako at kinabahan.
Anong nangyari? Hala!
Sinundot-sundot ko siya sa tagiliran at nagulat ako nang bigla siyang magtatatalon at niyugyog niya pa ako sa balikat.
Baliw ba 'to? Tatawagin ko na ba ang teacher namin?
"Jace? Clarkson Jace Gracia?" Masaya niyang tanong at niyugyog ako ulit. Parang nakakakita pa ako ng stars sa mata niya o nababaliw na rin ako? O baka naman sinag lang ng araw?
Ay buang! May makapal na kurtina kaya imposible. Hayst! Pati ako nababaliw na rin dahil sa kabaliwan ng isang 'to.
"Uh-oo," alinlangan kong sagot.
Anong meron kay Jace? Superstar ba 'yon? Bakit hindi ako na-inform? Fan niya ata 'tong si Caila. Kaloka!
"Close ba kayo?" Excited niyang tanong at 'di na magkandarapang nagligpit ng kaniyang mga gamit. Halatang nagmamadali at excited ang isang 'to.
Ano bang meron sa bestfriend ko? Habulin ng mga maaarteng babae.
"Yup. We're bestfriends," sabi ko't nabigla nang hilain niya na ako palabas ng classroom at dire-diretsong naglakad papuntang cafeteria. Feeling ko tuloy kasama ko si Flash sa sobrang bilis namin.
But seriously, doesbshe like my bestfriend? Crush? Love? Arghh! Why is it confusing me? Parang bigla akong nainis sa kaniya. What the f**k!
Nang makarating kami sa cafeteria ay hindi na kami nahirapang hanapin sila Jace. Naaninagan ko kasing kumakaway si Lace at ngiting-ngiti pa na akala mo ay ngayon lang kami nagkita't galing ako ng ibang daigdig.
"Ate Cath! We're here!" Sigaw ni Lace na umagaw ng atensiyon ng iba pang estudyanteng nandito. Medyo napayuko tuloy ako dahil sa kahihiyan.
My goodness! Bakit kasi ang lakas ng boses niya't sumigaw pa talaga siya, eh nakita ko naman na siya?
Agad kaming lumapit sa kanila at nakita kong nakahalukipkip si Jace at nakasimangot, mukhang bagot na bagot ang isang 'to kahihintay sa'min. Binaling ko naman ang tingin kay Lace at nginitian siya at saka kami naupo.
"Sino siya ate?" tanong ni Lace nang makaupo na kami sa tapat nilang dalawa ng kuya niya.
"Nga pala si Caila, friend ko. Caila si Lace." Nag-ngitian naman silang dalawa at tinanggap ang kamay ng isa't-isa.
Pagkatapos ko silang ipakilala sa isa't-isa ay tumayo na si Jace para bumili ng pagkain namin. Inulan nga niya kami ng sermon kanina pagkatapos kong ipakilala si Caila. Kesyo ba't ang tagal daw namin, ano raw ba ang nangyari at natagalan kami o baka may nakaaway na raw kami kaya natagalan. Napakamot na lamang kaming dalawa ni Caila sa ulo at sabay na nginitian siya. Sana ayos pa si Jace hehe.
Pagbalik ni Jace ay agad na naming nilamutak ang mga pagkaing binili niya. Gutom na rin kasi ako at sobrang natakam pa sa strawberry cake na binili ni Jace. He actually knows my favorite. Naku! Ilang years ba naman kaming kambal-tuko, eh.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumigil muna ako sa pagkain at binuksan ang aking cellphone. Napakunot ang aking noo ng mapansing walang pangalan ang nag-text, unregistered number siya, pero in-open ko na lang at binasa ang message na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
It's like a threat? Bakit? Sinong magsesend sa'kin ng ganito? Wala naman akong nakabangga na kahit sino sa buong buhay ko. Sino naman kaya 'to? At saka may pinagbigyan ba ako ng number?
Sa sobrang kuryosidad ay in-reply-an ko siya na kung sino ba siya, pero wala na ulit akong text na natanggap. Parang nawalan tuloy ako ng ganang kumain ulit dahil sa kakaisip kung sino ba ang texter o prankster ata 'yon.
Napalingon ako kay Jace at napansin ko ang nakakalunod niyang titig kaya napaiwas ako dahil medyo nakaramdam ako ng ilang. Baka na-wrong send lang 'yon.
Nang marinig na namin ang bell ay bumalik na kami sa klasrum. Napalingon ako kay Jace na ngayon ay malalim ang iniisip. Kasing lalim ata ng balon ang tinatahak ng isip nito. Hehe! Charot lang!
"Sino ang ka-text mo kanina?" Nagulat naman ako nang bigla niya akong tanungin tungkol doon. Napansin niya pala? Tinititigan niya ba ako kanina kaya alam niya? Aha! May hidden desire si fafa.
Charot! Asa ka pa self. Masasaktan ka lang. Hmp! Pero malay niyo may pag-asa kahit malayo pa ang umaga. Hehe!
"I don't know. Unregistered number sa phone ko. Na-wrong send siguro," sabi ko't nakita siyang tumango at dire-diretso nang naglakad hanggang sa makapasok kami ng classroom.
What the f**k! Did he just left us? Hayst! Mang-iiwan naman 'yon. Anong nangyari do'n?
Kainis naman pati siya dagdag sa iisipin ko, pero seryoso, kinakabahan ako sa text. Baka kasi kung anong mangyari, pero sana walang masamang mangyari.
Sana simpleng wrong send o prank lang 'to.