Kinabukasan ay nagising ako ng alas-kuwatro ng madaling araw dahil sa bumabagabag sa'kin. Kahit napaka-aga pa at gusto kong matulog ulit ay hindi ko naman magawa.
Seriously? Did I actually think of falling in to him? It is actually wrong, right? We're bestfriend, bawal talo-talo. Kaya maling-mali talaga ang naisip ko't nararamdaman.
Napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil sa frustration. This is really, really bad.
Mamayang alas-syete ay narito na si Jace para sunduin ako't medyo nakararamdam na ako ng pagka-ilang, pero dapat stay normal tayo mamaya. At saka alas-otso kasi ang umpisa ng aming klase at 'di na rin naman dito mamamalagi si Jace kasi this week uuwi na sila mom. Kaya no need na bantayan ako ni Jace dito, nakakahiya na rin sa kaniya at parang naging bodyguard ko siya without getting an income.
Nang mag-alas-sais na ay agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili. Inayos ko na rin ang mga gamit ko't pagkatapos ay binitbit ko na ang bag ko pababa. Ilang ulit ko pang sinuklay ang buhok ko gamit ang aking daliri. Pagbaba, inilapag ko muna ang bag ko sa sofa sa sala at saka dumiretso na sa kitchen para mag-almusal.
"O ang aga mo ngayon, ah? Maupo ka na riyan at nang makakain ka na. Ihahanda lang namin ang almusal mo," ani ate Railey at inabala na ang sarili.
Nang mag-alas syete na ay tinext ko na si Jace kung nasaan na siya. Nag-reply naman siya agad na papunta na siya.
Nakaupo lang ako dito sa sofa habang nanonood ng cartoon network. Katatapos ko lang din kanina kumain kasi medyo natagalan sila ate Railey na maghanda ng pagkain. Aniya'y naubos ang gas kaya kinailangan pa nilang hanapin ang aming electric stove. Nakakabagot pala maghintay, ngayon ay alam ko na ang nararamdaman ni Jace.
Mga ilang minuto lang ay dumating na si Jace kaya nagpaalam na ako kay ate Railey na aalis. Binilinan naman niya akong mag-ingat daw kami.
Pumasok na ako sa backseat at nadatnan ang nakabusangot na si Jace.
O, anong nangyari sa isang 'to?
Pero 'di ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa labas. Kasi kung tititig lang ako sa kaniya ay baka 'di ko na alam ang gagawin ko sa puso kong grabeh kung maka-react sa t'wing nakikita ang maamong mukha ng aking kaibigan.
Ouch! Friend zone ka na heart! Kaya tumigil ka na, please?
Nang makarating kami sa campus ay agad kaming bumaba ng sasakyan. Saktong pagbaba naman namin ay ang pagsalubong ni Keila.
Ano na namang gagawin ng isang 'to? Kay aga-aga manghaharot na naman. Hay naku!
"Hi Jace," sabi niya gamit ang malambing na tono.
Natuwa ako ng hindi siya pinansin ni Jace, pero ang maharot na 'to... Aba! Kumapit pa sa braso ni Jace na nagpairap sa aking mga mata.
Kainis! Ano ako chaperone? No way on earth I could be like that!
"Ate Cath!" Sigaw ng papalapit na si Lace. Nanlaki naman ang mga mata ni Jace at agad tinulak si Keila na napadaing sa sakit ng matapilok siya.
Hmp! Buti nga.
"O, Lace! Bakit ka nandito sa school?" Tanong ko kay Lace ng makalapit siya.
Aba! Ngayon ko lang napansin na gumanda itong babaeng 'to. Ako kaya, kailan?
Kumapit naman siya sa braso ko. "Ah... Dito na ako mag-aaral ng grade 8, Ate! Lagi na tayong magkasama tuwing recess!"
Grabeh. Kailangan ba talagang sumigaw? No offense, pero masakit sa tainga ang matinis niyang boses.
"Tsk!" Nandyan na naman si antagonist ng buhay ko. Laging nakikisawsaw sa pamamagitan ng pag-'tsk'.
"Sige! Mamaya na lang ate at baka ma-late pa ako. Hahanapin ko pa kasi 'yong classroom ko! Bye, see you later." Tumango lang ako habang pinapanood siyang naglalakad palayo sa'min.
Napansin ko namang nakakapit na ulit si Keila sa braso ni Jace kaya tumikhim muna ako bago magsalita. Hiyang-hiya naman daw ako sa kanilang dalawa ano?
"Sige, una na ako sa room baka nakaka-istorbo na 'ko sa inyo," sabi ko't nag-umpisa nang maglakad palayo.
"Yeah, umalis ka na! kaya hindi ako pinapansin ni Jace dahil nanditi ka!" Iritado niyang sabi with matching irap ng mata.
Wow kapal!
Sa sobrang inis ko ay tuluyan na akong umalis. Baka mabugbog ko pa ang bruha ng buhay ko!
Habang naglalakad ako patungong classroom ay biglang bumalik ang mga alaalang masakit balikan at masakit isiping ako ang may kasalanan ng lahat.
Pero... Ako nga ba?
Kasalukuyan akong naglalakad sa parke no'ng nakita ko sila Jace at Farra. Lalapit na sana ako, pero napatigil din nang mapagtantong seryoso silang nag-uusap. Kaya nagtago na lang ako sa malaking halaman at pinakinggan sila.
I know, eavesdropping is so wrong but I can't help but to know what are they talking about.
"Farra mahal kita, 'wag mo naman akong iwan!"
Labis akong nasaktan nang makita ko ang mga luha ni Jace. Hindi ko alam... Pero dahil bestfriend niya ako, ay nararapat lang siguro na maramdaman ko 'to.
"Clark! Kailangan ko 'tong gawin! Kailangan kong pumunta sa America para matupad ang pangarap ko! Para sa'kin at sa'yo na rin! Don't be so selfish! Hindi lang ikaw ang pangarap ko!" Sigaw ni Farra.
"No! Ganyan na ba kadali sa'yong kalimutan ang lahat at iwan ako? At saka hindi ko pa malalaman na aalis ka, kung hindi sinabi ni Cath! And, you know that I am not selfish. If I am, sana matagal na kitang hiniwalayan noong mga panahong kapag kailangan kita'y lagi kang abala."
Bigla akong nanginig dahil sa narinig ko ang pangalan ko. Ako ang may kasalanan. Yeah, inaamin ko 'yon dahil alam kong 'di ko dapat sinabi kay Jace at wala akong karapatang makisawsaw sa relasyon nila. Pero 'di ko kaya dahil siya na 'yong kasama ko mula bata pa kami kaya nararapat lamang na malaman niya dahil pangako namin ay walang sekreto sa isa't-isa.
"Tsk! That b***h!" Nakita kong umalis si Farra dala ang kaniyang maleta at iniwang nakatayo at luhaan si Jace.
That was the day I saw my Jace cried a lot because of pain. He loves Farra Rhaine Wenderson so much, he loves her more than he loves me because in his life, I'm just his bestfriend who's always there to help him out.
But now, I feel something strange. Alam kong babalik siya. Kung babalik siya, babalikan niya rin ba si Jace? Pero kung gugustuhin ni Jace ay ayos lang sa'kin kahit alam kong sobrang masasaktan ako kapag nangyari iyon.
Well, kasalanan ko naman. I just let myself falling in love with my bestfriend.