Chapter 3

1032 Words
"I miss you too, dear. Tara na nga't kumain muna tayo bago magkuwentuhan," sabi ni tita at naglakad na papuntang dining area. Sumunod na rin kaming tatlo sa kaniya. Nakakapanlumo't nakapaglalaway ang dami ng pagkain na nakahain, at halatang masasarap pa ang mga ito. Mukhang tataba talaga ako dahil dito. Bakit naman kasi ang bongga nila? Kakaloka! Muntik nang humaba ang aking bangs. Sumandok lang ako ng kaunting kanin, pero dinagdagan pa 'yon ni Jace. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Parang kanina lang sinabihan akong tabachoy, eh siya naman ang may kasalanan kung bakit tumataba ako. Kainis! Dapat talaga binubugbog ko 'to kapag inaasar ako. Nang matapos na kaming kumain ay umupo na kami sa couch dito sa sala. Nagpaalam kasi munang aakyat sa taas sila tita at Lace para kuhanin ang pasalubong sa'kin. Taray talaga! May pasalubong talaga ako lagi kay tita. Ang bait pa, at love na love ako. Kaya talagang tinuturing ko na siyang second mother ko sa mundong ito. "Hay, thank you, G! Nabusog ako," sabi ko matapos dumighay at napahawak sa aking tiyan habang nakasandal sa couch at saka nag-dekwatrong panlalaki. Babae ba talaga ako? O lalaki talaga tapos napadpad lamang ako sa katawang pambabae? Kapag siguro may nakakita sa'kin sa ganitong sitwasyon ay mandidiri. Like duh! Ang aarte na ng iba ngayon, 'no. May pa-dekwantrong pambabaeng-pambabae talaga. Hiyang-hiya ang sambayanan. Napasimangot naman ako nang biglang tumawa ang baliw kong katabi. Alam ko, at gets na gets ko ang ganiyang tawa niya. Nang-aasar lang naman siya't halata sa tono ng tawa niya dahil bugang-buga ito na para bang mamamatay na siya dahil dito. Pero kakaibang pakiramdam ang bumalot sa'kin nang marinig ko siyang tumawa, o talagang iba lang ang pakiramdam ko dahil sa kabusugan? Ay ewan! Hindi na lang ako umimik at Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ng maaninagan ko na sila tita na pababa bitbit ang mga pasalubong. Mahal na mahal talaga ako. Ang dami kasi! I can see my eyes shining brightly like a diamond. Ano raw? Basta 'yon, nagningning aking not so beautiful eyes. "Here darling. Hope you like it," sabi niya at binigay ang dalawang plastic sa'kin. Sinilip ko naman ang laman at nagulantang sa sobrang ganda ng mga pasalubong like shoes, dress at marami pang iba. "Hala ang dami po tita! Thank you!" Sabi ko't hinalikan siya sa pisngi. Nagkuwentuhan lang kami ni tita tungkol sa kung anu-ano at saka tinanong rin niya kung kumusta raw kami sa eskwelahan. Kung pasaway raw ba si Jace at binibigyan ako ng sakit sa ulo. Nagkuwento rin naman ako ng kaunti kay tita, pero halos siya lang ang maraming naikuwento sa'kin. Minsan pa nga'y sumisingit si Lace sa usapan, minsan naman ay nagsusungit si Jace kapag sinasabi ko 'yong mga ginagawa niya sa school. Napuno ang buong sala nila ng tawanan namin. Nang mag-alas-tres na ay nagpaalam na ako dahil gusto ko na ring magpahinga at matulog. Medyo inaantok na rin kasi ako, at saka gustong-gusto ko na rin maligo dahil nga 'di ba... Galing ako ng school at feeling ko'y haggard na haggard na ang aking mukha. My goodness gracious! "Tita, uuwi na po 'ko. May mga school works pa po kasing dapat tapusin. Salamat po sa mga pasalubong." Pero syempre matutulog muna ako bago gawin ang schoolworks. Sipag ko ba? Easy, ako lang 'to... The beautiful Catherine Grace Belancy. "Okay, darling. Clark ihatid mo muna si Cath sa kanila," sabi ni tita kay Jace na ngayon ay nakatayo na't handa nang umalis. Halatang kahit hindi sabihin ni tita ay ihahatid niya pa rin ako. Ang sweet naman ng bestfriend ko. Sana lahat! Nagpaalam na rin ako kay Lace at medyo nalungkot pa siya dahil gusto niya sanang magpasama sa mall, pero okay lang daw. Pupunta na lang daw siya sa bahay, pero wala siyang sinabi kung kailan. Sumakay na kami ni Jace sa backseat. Sa kalagitnaan ng biyahe ay sobra akong na-boring kaya kinulit ko na lang si Jace kahit na busy siya kaka-cellphone. Puros cellphone. Dapat ako na lang ang kinakausap niya. Nakababaliw kaya 'pag wala kang makausap tapos gusto mong makipag-usap. Hay naku! "Jace your so hand... Sama!" Humagikgik ako't nilingon siya. Wala lang trip ko lang sabihin iyon, at nabasa ko kasi 'yan sa isang libro, eh. In-try ko lang kung effective ba, dala na rin ng ka-boring-an. "I'm just truly handsome. Not bad," mayabang niyang sabi at saka tinuon muli ang atensiyon sa kaniyang cellphone. Sino kayang kausap niya't 'di niya magawang makipagkulitan sa'kin? Well, I don't care anyway. Pero medyo nakakainis, ha. After an hour, nakarating na kami sa bahay. Agad akong lumabas ng kotse bitbit ang mga pasalubong na bigay ni tita sa'kin. "Thank you, love you. Bye!" "Tsk!" Iyan na naman siya sa kaka-'tsk' niya. Wala na bang iba? Kainis 'to. Pero bakit ba kasi ako naiinis sa kaka-'tsk' niya? Pumasok na lang ako sa loob at dire-diretsong tinungo ang ang aking kuwarto. Inilapag ko ang bag ko sa tabi ng study table at nagbihis muna. Kinuha ko ang bluetooth speaker ko at in-connect ang cellphone ko't in-play ang aking playlist. Saktong tadhana naman ang na-play, sakto sa nararamdaman kong kakaiba. At dahil dito ay unti-unti kong naalala ang mga alaalang kay sarap balikan. Now playing: Tadhana by Up Dharma Down Nang mag-umpisa ang kanta ay bugso ng damdamin ang aking nadama. Naalala ko na kapag kasama ko siya masaya ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Iyong tipong kaming dalawa lang ang nasa paningin ko't wala nang iba pa. Hayaan mo sanang mahalin pa kita ng higit sa kaibigan, pangakong hindi kita iiwan at patuloy kang mamahalin. Kahit na kaibigan lamang ang iyong tingin. Kahit na masakit para sa'kin. Pero bakit ganito na ang nararamdaman ko para sa'yo? Is it possible to fell in love with him? Or this is just an infatuation? Baka kasi nagkakamali lang ang puso ko. Baka kasi dala lang 'to ng antok ko, kaya kung anu-ano na ang naiisip ko. Sana hindi, dahil kung totoo mang tuluyan nang nahulog ang puso ko. Sa pagkakataong ito, walang ibang sasalo nito kundi ang sarili ko lamang. Nang matapos ang kanta'y unti-unti na ring bumigay ang talukap ng aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD