Kasalukuyan kaming lumalamon ni Jace nang biglang may tumabi sa kaniya. Ang bastos naman nito, 'di man lang nagtanong kung pwedeng maki-upo. Basta-bastang umuupo na lang agad.
Kainis, sarap tusukin ng tinidor. Mukha bang close namin siya? Feeling close 'to.
"Hi, Jace," malandi niyang sambit at mas inilapit ang kaniyang katawan sa kumakain kong bestfriend.
Argh! Dito pa talaga sa harap ko? Nakakasuka bwesit! Pasintabi naman sa kumakain. Tsk! Minsan talaga hindi maiiwasan ang ganitong mga tao. Mahaharot! Hindi na lang i-pokus ang sarili sa pag-aaral, inuuna pa ang kaharutan.
"Hello," bati rin ni Jace.
Aba! Ang harot din naman pala nitong kaibigan ko, eh.
Napansin ko namang tumingin sa'kin 'yong maharot na katabi ni Jace. Binigyan niya lang ako ng pekeng ngiti at pinagtaasan ng kilay.
Sus! Ahitin ko kilay mo diyan, eh. Tingnan na lang natin kong mapagtaasan mo pa ako 'pag nawala 'yan. Ang taray, mukha namang bakla.
Kilala ko naman 'to. Kaklase namin 'to ni Jace. Pero 'di ko alam ang pangalan niya at wala akong pakialam kung sino ba siya, hindi ko naman kasi ikayayaman 'yon.
"I'm Keila Landipa, you future wife," sabi niya. Kaya bigla akong napalingon kay Jace na ngayon ay hindi na napigilan ang pagtawa.
"Miss sa pagkakaalam ko wala pa akong girlfriend, pero future wife? You're just dreaming. So wake up, girl." Sumimangot naman si Landipa sa sinabi ng tumatawang si Jace.
Napahagalpak naman ako ng tawa ng 'di ko na mapigilan. Ang tayog ng pangarap nito. Sa bestfriend ko pa talaga, pero sorry siya dahil mukhang itataas na ni Jace ang pink na bandera.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan babaeng pangit?"
Napahinto naman ako't kusang napaturo sa aking sarili. Ako? Pangit? Ako pa sinabihan ng clown na 'to.
"Hoy Landipa, hiyang-hiya ako sa itsura mo. Oh well, okay lang maging pangit kaysa naman maging maharot. Aral muna bago harot, uy!" Bulyaw ko dahilan nang pagtingin sa'min ng ibang mga estudyante.
Lakas ding mang-api nitong isang 'to, akala mo naman siya na ang pinaka-magandang nilalang dito sa mundo hiyang-hiya ang nakoronahan sa Miss Universe. Hmp!
"You, bitch... Argh!" Inis niyang usal at Umalis matapos niyang guluhin ang kaniyang buhok.
Nagmukha tuloy siyang baliw sa ginawa niya.
Napatingin naman ako sa kaibigan kong nakangiti at parang tangang pumapalakpak na akala mo'y nanood ng teleserye na napakaganda.
Oras na ba para ipatapon ko na 'to sa mental?
"Galing talaga ng bestfriend ko!"
Sus! Kutusan ko 'to, eh. Ang landi rin kasi. Charot lang!
"Masaya ka na nyan?"
Maldita mode on muna ang ateng niyo. Bakit? Syempre, trip ko lang.
"Bahala ka. By the way dumating na si mommy galing Los Angeles at gusto ka niyang papuntahin sa bahay. Sabay ka na lang sa'kin mamaya 'pag uwian na para diretso na tayo sa bahay. Napaalam ko naman na rin kay tita na didiretso tayo sa bahay namin."
O, si tita Carol? close ko ang mom niya, kaya tuwing umuuwi siya dito sa pinas ay lagi akong may pasalubong. Excited na akong makakuwentuhan si tita. Na-miss ko na rin kasi ang chika minute namin ni tita.
Nang mag-uwian na ay agad-agad kong pinagsasalpak sa loob ng bag ko ang aking mga gamit at dali-daling hinila si Jace na katatapos lang magligpit ng gamit. Excited na ako't iniisip ko na baka kabogera na ang beauty ni tita.
"Hindi ka naman mukhang excited 'no? Tsk!" Inis niyang sabi at medyo umirap pa talaga. Pero hayaan niyo na siya dahil balik beast mode na naman ata 'yan. May buwanang daloy nga talaga 'to.
Habang nasa biyahe kami'y binuksan ko muna ang phone ko para mag-Fisiebook habang nakapikit si jace na katabi ko dito sa backseat. Inaantok na siguro kaya rin siguro wala na sa mood makipag-usap.
Wow! 600 friend request, 1002 notifications and 456 messages. Grabeh! Parang famous lang ang peg ng ateng niyo. Pero amag-amag talaga sa real life mga teh. Hay! Ewan ko ba sa life.
Nag-post na lang ako na ang nakasulat ay: OTW on Clarkson's mansion. Excited na akong makita si tita Carol!
Wala pang 2 minutes ay naka-20 likes na ako't 50 comments. Binasa ko lang ang mga comment ng ilan sa mga kakilala ko.
Keila Landipa: Tsk! Sipsip ka gurl?
Sheren Lace Garcia: Ako rin, ate Cath!Excited na akong makita ka ulit.
Hala! Kasama si Lace dito? Bakit 'di sinabi ni Jace kanina? Grabeh 'di man lang ako in-inform.
Nagbasa-basa pa ako ng comments ng bigla akong natawa sa isa sa mga nabasa ko.
Zaren Frank Luiz: Grabeh ka, babe! Pwede namang si mom na lang ang i-meet mo.
Zaren Frank Luiz, siya nga pala ang may gusto sa'kin at ayun ang sabi niya, at saka gusto niya nga akong ligawan pero ayaw ko. Study first muna, bago makipag-relasyon, 'no. Charot! Talagang ayaw ko lang dahil baka umasa siyang sagutin ko siya. Alam niyo namang ayaw kong paasahin 'yong tao kung alam ko namang wala akong ni-katiting na nararamdaman sa kaniya. Well, ang bait ko diba?
"Hoy! Babae, nandito na tayo."
Napalingon naman ako sa labas at nakita ang kanilang mansyon.
Grabeh talaga 'tong mansyon nila. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Kasi naman, do'n nag-stay si Jace sa mansyon namin at iyon ang utos ni tita at mom. Kaya no choice kami kundi ang sumunod. Para tuloy kaming live-in ng kumag na 'to.
"Ate Cath!" Napalingon ako kay Lace.
Grabeh 'tong batang 'to, parang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses. Nahiya ang speaker na naka-max ang volume.
"Hi, Lace! Kumusta?"
"I'm okay, ate. How about you? Did my brother already courting you?" Excited niyang tanong na nagpagulantang sa buong sanlibutan.
Jusko dai! Nakakakilabot na katanungan.
"Ako liligawan? And you mean your brother? Hindi kami bagay dahil pangit siya at maganda ako," confident kong sabi at mas lalong natawa. Si Lace naman ay mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Tsk!"
Grabeh talaga si Jace. Iyon lang alam niya, ang mag-tsk.
"Huwag ka ngang mag 'tsk' d'yan lalaki!" Inis kong sabi. Ewan ko ba, pero naiirita ako.
"Tsk!"
Ay talagang iniinis mo 'ko, ha.
"What the hell!" Galit niyang sigaw at binalingan ako ng masamang tingin.
Nakakainis kasi. Kaya 'di ko na napigilan ang sarili ko na ibato sa kaniya ang bag ko. Hindi ko ma-explain kung nasaktan ba siya o ewan? Basta! Pero mukhang 'di naman siya nasaktan kaya okay lang. Batuhin ko pa kaya ulit para masaya?
"Oh! Nandito na pala kayo mga babies ko."
Napalingon ako ng biglang may magsalita. Nakita ko agad si tita na naglalakad pababa ng hagdan.
"Hi, tita! I miss you po," sabi ko't niyakap siya ng tuluyan siyang makalapit sa'min.
Taray ni tita mukhang umulan ng kagandahan sa pinuntahan niya't nasalo niya lahat. Punta rin kaya ako sa Los Angeles, at baka sakaling may i-improve pa ang pagmumukha ko?