Today is Monday kaya maaga kaming umalis ni Rika upang makapag-ayos na rin sa garden. Ni-message kasi ni Jelica kahapon ang professor namin at sinabing doon na lang sa garden ang setting namin at buti na lang pumayag. "Beh! Pakilagay nga itong mga bulaklak sa vase tapos lagay mo sa gitna ng table," sabi ni Jelica at iniabot sa'kin ang bungkos ng puti at pulang mga rosas. Agad ko naman siyang sinunod at inilagay doon ang mga bulaklak at inayos ito sa mini round table. Sa totoo lang kanina pa kaming alas sais nag-aayos dito at halos complete na rin kaming mga mag- kakaklase. 'Yong iba naggugupit ng mga pang-design at 'yong iba naman ay nag-aayos ng speaker kasi habang nagkakausap o kumakain sila ay magp-play ang romantic song as their background music. "Okay guys, ayos na ba ang lahat?"

