Lumipas ang Biyernes at Sabado, at ngayon ay Linggo na kaya naghahanda na kami ni Rika papuntang simbahan. Kakatext lang ni Cai na nandoon na siya sa simbahan at ni-reserve niya na kami ng upuan para magkakatabi kaming tatlo. "Tara na, Cath!" Tumango na lang ako at nagmadali na kaming lumabas at sumakay sa kotse at saka ito pinaandar ng mabilis. Ilang minuto lamang ay nakadating na kami sa simbahan. Tamang-tama ang pagdating namin dahil mag-uumpisa na. Agad naman naming nahanap si Caila at tahimik na kaming nakinig sa misa hanggang sa matapos ito. "So... Tara na girls?" Tanong ni Rika habang hawak ang binili niyang bracelet sa labas ng simbahan. Natatawa nga ako kasi parang first time lang nakita ni Rika ang bracelet na ganoon, eh tuwing Linggo naman kaming nagsisimba. 'Yong parang ga

