Ilang araw na rin ang nakalipas nang ipinakilala ni Caila ang kaniyang boyfriend at halos hindi ako makapaniwala! Kasi naman, silang dalawa ni Lance ang nagkatuluyan. Masaya ako dahil simula't sapul gustong-gusto na siya ni Caila at sa wakas nagkaaminan na't naging sila pa. Nandito ako sa classroom at ni-announce na per departments ay may kaniya-kaniyang booth at puwede nang umpisahan ang pagplaplano no'n ngayon dahil ang mga teachers and student councils ay naghahanda ng iba pang kailangan para sa foundation day sa lunes. Kaya busy ang araw ng Huwebes at sa susunod na araw para sa aming lahat. "O, guys may naisip na ba kayong booth na pwede nating gawin?" Tanong ni Cai. Ako naman ay napaisip pero wala man lang ni katiting ang naisip ko. Pambihira! Hindi talaga ako magaling mag-isip ng m

