Kinabukasan ay naalimpungatan ako sa sobrang lakas ng music na narinig ko. s**t! Ang ingay! Nananadya talaga si Rika. Inaantok pa nga ako! Pero no choice dahil may pasok ngayon. Tamad na lang akong bumangon at inihanda na ang mga susuotin at saka kinuha ang tuwalya't dumiretso na sa bathroom. "Cathy! Tara na!" Salubong ni rika paglabas na paglabas ko sa kuwarto dala ang aking bag. "Oo, saglit lang naman. Masyadong nagmamadali." Ni-pony tail ko muna ang buhok ko at saka nagpatiuna na sa paglabas. "Ang tagal mo! 7:15 na kaya!" Pagmamaktol niya't nanlalaki ang mga matang hinila na siya hanggang sa tuluyan na kaming makalabas. Nagmadali na kaming sumakay sa kotse at mabilis itong pinaandar. Saglit lang naman ang biyahe namin dahil maluwag naman ang daloy sa kalsada kaya medyo kumalma kami

