Chapter 46 Mabilis ang takbo ng oras. Parang kahapon lang siya nanalo sa kompetisyon pero ang totoo ay isang buwan na ang lumipas. Nakatuon ang atensiyon ni Zac sa kaniyang pag-absorba ng mana tuwing umaga hanggang tanghali. Pagdating ng hapon ay nagsasanay siya sa mga rank 5 technique at ultimate move na ginawang gantimpala ng Black Fang Clan sa kaniya dahil sa pagtupad sa kaniyang mga pangako. Matagal nang nakatatag ang Black Fang Clan sa lungsod ng Mira kaya malaki ang kanilang mga naipon na ari-arian. Kagaya na nga ng mga nalikom nilang mga rank 5 na Ultimate move at technique ng mga dating miyembrong matagumpay na naging rank 5 sa mga henerasyon nila. Ganoon lang ang naging ruta niya. Absorba hanggang tanghali, at pagsasanay sa hapon hanggang gabi. Minsan naman ay nagbabasa siya ng

