Chapter 45 Sa kailaliman ng gabi ay madilim na kalangitan ang makikita at sa baba nito ay ang teritoryo ng Black Fang Clan na buhay na buhay at sobrang liwanag. Bawat sulok ng Main Hall ay puno ng mga ilaw na kung saan makikita ang mga tao na masayang naguusap. Naghanda sila ng selebrasyon sa pagkapanalo ni Zac. Inimbitahan nila ang ibang malalaking mga mid tier na faction at clan na mabilis nilang pinaunlakan. Kahit na mid tier pa rin ang Black Fang Clan ay siguradong tataas ito sa pwesto sa hinaharap dahil sa presensiya ni Zac. Kailangan lang nilang mag-ingat sa harap ng limang tao na kumokontrol sa lungsod at wala na silang iba pang p-problemahin. Marami sa mga naimbitahan ang dumalo, ngunit sa limang high tier na faction at angkan ay dalawa lang ang dumalo at dalawang representatib

