Chapter 24

2359 Words
Chapter 24 Napahinto si Zac ng marinig niya ang boses. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansing parang kahit ang katawan niya ay gustong gumalaw ng kusa para sundin ang ini-u-utos sa kaniya. "Humanap muna tayo ng matutuluyang Inn." Hindi na niya tinuloy ang pagpasok sa gusali. Naglibot na ang dalawa kanina kaya mabilis nilang napuntahan ang Inn at nakarenta ng isang silid na may dalawang kama. Kasalukuyang nakaupo sa kama si Zac ngayon at nakapikit na tila may pinipilit alalahaning bagay. "Master anong meron?" Kinakabahan sa mga kakaibang kilos ng Master niya ay hindi na napigilan ni Shi ang magtanong. "Wala kabang narinig kanina?" Tanong ni Zac sa bandido. Bakit biglang tumigil ang mensahe niya? At pakiramdam ko ay sa isang malakas na pigura galing ang boses. Hindi ko rin narinig ang huli niyang sinabi tungkol sa tutulungan. Anong klaseng tulong naman kaya ang ibibigay niya kapag napakawalan ko siya? Pakiramdam ko ay magiging sobrang importante sa'kin ng taong nagpadala ng mensahe sa'kin. Ilang oras na ang nakalipas simula ng dumating sila sa Inn. Napatayo sa pagkakaupo ang binata ng marinig niya ulit ang mensahe sa kaniyang isip. 'Pumunta ka sa library ng gusali ng mga bandido, may makikita kang maliit na sikretong daan doon kapag itinulak mo ang pang labing isang bookshelf' "Pumunta sa library?" "Kailangan nating pumunta sa library ng gusali ng mga bandido." Hindi nakaramdam ng delikado si Zac sa pinanggalingan ng boses. Kahit hindi siya sigurado ay hindi siya nakaramdam ng pagdududa at panganib kagaya ng naramdaman niya sa matandang mayor na nagsabing gusto lang siyang tulungan. .... Bumalik ang dalawa sa bandit's building. Ang building na ito ay parang adventurer's guild ngunit walang mga lamesa dito na pwedeng pag-inuman at kwentuhan ng mga bandido. Isang maluwang na espasiyo, dalawang room sa likod ng lalaking receptionist na nasa harap ng desk. Ang ikalawang palapag naman ay hindi basta-basta nalang pwedeng akyatin, may matataas na ranggo lang o ang may mga pahintulot ang pwedeng umakyat. Kasalukuyang nasa harap si Zac ng isang malahiganting bandido. Ang mga mata niya ay nagbibigay ng matalas na tingin na magbibigay presyur sa mga nakakakita nito. "Ano ang kailangan niyo?" Kahit hindi galit ang tono ng receptionist ay hindi maiwasang matakot ng nasa likod na si Shi. "Maaari ko bang malaman kung pwede kaming pumasok sa library?" Tanong ng binata sa receptionist. "May sulat ba kayo na nagsasabing may pahintulot kayo ng Master?" Tanong niya sa binata. Kahit na mukang mahina ang kaharap niya ay hindi niya ito minaliit ng kahit na kaunti. "Kailangan pa ng pahintulot ng Master?" Gulat na tanong ni Zac sa receptionist. "Bago ba kayo sa siyudad?" Agad naisip ng bandido na bago lang sila dahil sa naging reaksyon ni Zac. Kung matagal na siyang naninirahan dito ay siguradong alam na niya ang mga patakaran dito. "Bago nga kami. Paano ako makakakuha ng letter sa master?" Kamot ulong nakangiti si Zac habang nagtatanong. "Umalis ang master kahapon para asikasuhin ang isang problema. Isang linggong mawawala ang master kaya bumalik ka nalang sa susunod. O kaya ay." Paliwanag ng bandido sa binata. Hindi sikreto ang pag-alis ng master kaya kahit bago lang ang binata sa siyudad ay ayos lang na sabihin niya ito. "O kaya?" "O kaya ay kumuha ka ng dalawang rank 4 na misyon na may kasama o kaya ay mag-isa kang tumapos ng misyon para magkaroon ka ng sapat na ginto para rentahan ang library." Saad ng bandido. Dalawang rank 4 mission? "Huwag kang mag-alala. Pwede ka namang humanap ng isa mong makakasama para sa misyon na pipiliin mo. Ayun ay kung may magiging interesado rin sa misyon na pipiliin mo." "Nasa board ang mga misyon. Makikita mo rin naman kung anong misyon ang nakuha na at may naghihintay ng kasama." Dagdag pa ng bandido at itinuro ang board na gawa sa kahoy na nasa tabi nila. Tumango si Zac bilang tugon at lumapit sa board. Tinignan niya ang mga misyon at humanap ng misyon na nakatoka na sa isa na naghihintay nalang ng kasama. "250 gold coins ang reward bawat mission? At 500 gold coins naman kapag solo?" Gulat na sambit ni Zac. Hindi pa siya nakakakuha kahit isang beses ng rank 4 na misyon sa adventurer's guild kaya hindi siya pamilyar sa halaga ng mga rewards. Ngunit sigurado siya na hindi kasing laki ng rewards dito ang mga reward na natatanggap ng mga rank 4 adventurer sa Edo. Siguro ay dahil sa napakadaling magkapera ng mga bandido dahil sa masasama nilang gawain kaya medyo malaki ang kanilang naipon na resources. "Pugsain ang blood snake na naninirahan sa black river." Kinuha ni Zac ang papel at binasa pa ang mga impormasyon nito. "Mak?" Ang pangalan ng kumuha ng misyon na ito ay nagngangalang Mak at ito rin ang makakasama niya. "Pwede ko bang malaman kung nasaan ang makakasama ko sa misyon?" Tanong niya sa receptionist at inabot ang papel na kinuha sa board. "Mm? Mak? Magpapadala ako ng mensahe kay Mak mamaya. Papapuntahin ko siya dito bukas kung gusto mong simulan agad ang misyon bukas." Sambit ng receptionist. "Kung maaari sana'y masimulan agad namin bukas ang misyon." Sagot ng binata. Tumawag ng bandido ang receptionist, ngunit ang bandido ay isang rank 2 lang. Dinala siya dito para maging utusan o tugunan ang mga gawain ng isang katulong. Kagaya ni Shi ang bandidong ito. "Sige. Bumalik ka nalang bukas at maghanda para sa inyong misyon." "Salamat." Ani ng binata at lumakad na ito palabas ng building. 'Sa dami ng pwede niyang makakasama ay si Mak pa talaga ang napili niya.' Umi-iling pa ang receptionist habang pinagmamasdan ang palayong si Zac. .... Madaling araw palang ay gumising na si Zac. (Zac's POV) Nagpadala ng mensahe ang receptionist kanina gamit ang alipin niya. Madaling araw daw gustong umalis ng makakasama kong si Mak. "Napaaga yata ang gising ko." Sinilip ko ang binata at medyo malalim pa nga ang gabi. Mas madilim ang paligid at mas lalo pa itong nagmukhang mapayapa. Mukha naman nang tahimik kahapon dahil sa halos walang tao ang mga naglalakad sa paligid. Ngayong literal na mga walang tao ay mas lalo pa itong naging tahimik. Tinignan ko ang bandido sa gilid at nakita ang pigura nitong mahimbing pang natutulog. Siguradong napagod siya kahapon. Hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya. Tatanungin ko nalang siguro sa kaniya pagbalik. Bumangon ako at kumuha ng damit sa storage space ko na singsing. Ang suot ko ngayon ay normal na mga damit at short lang dahil magsusuot pa naman ako ng itim na roba. Wala rin namang punto ang pag-aayos ko dahil sa makikipaglaban ako. Ang roba na suot ko ay hindi lang basta roba, isa itong grade 2 at kaya ako nitong protektahan sa mga lason. Lumakad na ako palabas ng Inn. Saktong paglabas ko sa pinto ay malamig na hangin ang agad tumama sa'kin. Iba talaga ang pakiramdam kapag walang masiyadong tao sa paligid. Kahit mahilig akong mag-obserba ay na-a-appreciate ko pa rin naman ang tahimik na kapaligiran. Bakit kaya ganito ako. Kapag tungkol sa tao ay wala akong nararamdaman na kahit na ano. Ngunit kung sa mga ganitong bagay ay agad nahahatak ang atensiyon ko. Tahimik ang daan kaya kahit mahina ang tunog ng bawat hakbang ko ay rinig na rinig pa rin sa paligid. Ilang minuto ang lumipas ay narating ko na ang destinasyon. Sa harap ng gusali ng mga bandido. "Maaga pa nga. Tatlumpong minuto pa siguro ang aabutin bago dumating ang makakasama ko." Pinagmasdan ko nalang ang paligid dahil wala naman akong gagawin. Makalipas ang ilang sandali ay may itim na pusa ang sumulpot sa harap ko. Nakatingin ito sa mga mata ko na parang nagtataka. Umupo ako para himasin ang ulo ng pusa. Hindi naman natakot ang pusa at hinayaan niya akong himasin ang ulo niya. Iginalaw-galaw pa ng pusa ang ulo niya para lalo ko siyang mahimas. Nakaukit sa mukha ng pusa ang saya. Parang bata na kapag binigyan mo ng laruan ay magtatatalon na sa tuwa. Sabagay, kahit mababaw ang kaligayahan ng pusa ay maikli naman ang kanilang buhay. At ang mga tao naman na nabubuhay lang para magtrabaho at kumita ng pera ay siya pang may mas matagal na buhay. Kung papipiliin ako ay mas gugustuhin ko nalang maging pusa. Kahit maikli ang buhay ay mararanasan ko naman ang maging maligaya. Hindi kagaya dito sa'kin. Tumayo ako bigla ng may marinig akong mga yapak ng paa sa 'di kalayuan. Nang tignan ko ang pinanggalingan ay isang payat na may mahabang itim na buhok ang naglalakad papalapit sa'kin. Nakasuot siya ng itim na sando, sa sobrang payat niya ay mapapaisip ka nalang kung liliparin ba siya kapag tinamaan siya ng malakas na hangin. "Meow!" Bigla namang tumakbo ang pusa palayo kaya hindi ko na ito pinansin. "Zac, tama ba?" Nakangiting bati ng payat na lalaki sa'kin. Delikadong aura ang nararamdaman ko sa lalaking ito. Mas delikado pa ang nararamdaman ko sa kaniya kumpara sa nakaharap ko na bandidong rank 4 mid stage kahit na mas mahina ang aura na inilalabas niya. Mukhang madami pa talaga akong dapat malaman sa mundong ito. Akala ko ngayong rank 4 na ako ay kaya ko na ang mamuhay ng walang masiyadong magbibigay ng banta sa'kin na kaparehas ko ng ranggo. "Ako nga. Ikaw ba si ginoong Mak?" Lumapit ako at yumuko sa harap niya ng kaunti bilang pagbigay galang. "Ako nga. Gusto mo nabang dumiretso agad sa Black River o pag-usapan muna natin ang ilan sa ating mga abilidad para may impormasyon tayo sa isa't-isa?" Tanong niya at naglabas ng ilang itim na maliliit na bagay sa kaniyang pouch. "Gawin natin ang suhestiyon mo na pag-usapan ang ilan sa ating mga abilidad." "Eksperto ako sa paggamit ng lason. Ang totoo ay gusto kong pag-aralan ang katawan ng Blood Snake para mas mapalawak pa ang aking kaalaman." Magk-kwentk na sana si Mak nang bigla siyang napatigil at nagsalita, "Oh. Pasensiya na. Tuwing nababanggit ko ang lason ay hindi ko mapigilang magsalita tungkol sa propesyon ko." Tumango nalang ako bilang tugon at hinintay pa ang kaniyang paliwanag sa abilidad niya. "May dalawa akong lason na matagal kong inihanda at itinabi sa aking pouch. Kaya nitong pumatay ng mga rank 4 na halimaw, pero ang blood snake ay malakas ang resistensiya sa lason kaya kakailanganin ko ang tulong mo para tapusin ang Blood Snake." Hindi na nagsalita si Mak at nginitian ako bilang senyas na tapos na siya. "Kaya kong gumamit ng elementong yelo." Maikling sagot ko sa kaniya. Iyan lang din naman ang kaya kong gamitin, kung hindi babanggitin ang mga skill na natanggap ko sa pag-evolve. "Magaling! Kung kaya mong pigilan ang paggalaw ng bunganga ng blood snake gamit ang yelo ay mai-a-atake ko ang lason sa loob ng katawan niya at mas mapapadali ang pagpatay natin sa halimaw." Umukit sa mukha niya ang saya nang marinig na kaya kong gumamit ng yelo. Mas lalo rin siyang ginanahan na wari'y may ininom siyang bagay na mas nagpataas ng enerhiya niya. "Kung gusto mo ay sa'kin ang katawan ng blood snake at ibibigay ko na sa'yo ang reward na gintong matatanggap ko. Ang kailangan lang naman nila para makumpirmang tapos ang misyon natin ay ang ulo ng blood snake." "Mn. Sige kung 'yan ang gusto mo." Mas kailangan ko ang ginto kaya pabor sa'kin ang alok niya. Sigurado rin ako na hindi normal ang nagpapadala ng mensahe sa'kin. Kahit ako na rank 4 na ay walang ganoong abilidad. (3rd Person's POV) Pagkatapos nilang pag-usapan ang mga gagawin sa misyon ay pasikat na ang araw. Lumabas sila ng siyudad at pumasok sa loob ng gubat. Ang Black River ay nasa kalagitnaan ng gubat kaya sobrang delikado ng misyon. Ito rin ang pinakadahilan kaya walang kumukuha ng misyon sa pagpugsa ng Blood Snake. Bago makapasok sa gitna ng kagubatan ay maraming rank 4 na halimaw ang maaaring umatake. Kaya ang karamihan sa mga dating bandido na naglakas loob na kuhanin ang misyon ay namatay ng hindi manlang nakakapunta sa Black River. "Medyo malalim na tayo sa kagubatan. Kailangan na nating gamitin ang [Invisible Potion] para hindi maramdaman o maamoy ng mga halimaw ang presensiya natin. Sensitibo pa naman sila pagdating sa mga tao." Saad ni Mak tiyaka kumuha ng boteng kasing laki ng daliri niya na may lamang puting tubig. Ininom niya ito sa harap ni Zac at biglang nawala ang presensiya niya ngunit hindi kagaya ng pangalan ay hindi naging invisible ang katawan niya. 'Huh? Hindi ko na maramdaman ang presensiya niya?' Hindi makapaniwala si Zac. Kung hindi niya nakikita ang pigura ni Mak sa harap niya ay siguradong a-akalain niyang wala siyang kasama. "Ano pang ginagawa mo? Uminom kana. Delikado na ang parte na'to." Paalala niya sa kasama at binigyan ng tingin na parang hindi siya makapaniwala na hindi pa rin umiinom si Zac ng [Invisible Potion]. Normal na kaalaman ang pagdadala ng [Invisible Potion] para tapusin ang misyon na kakailanganing pumasok sa mas malalim na parte ng gubat. Ngunit bawat bandidong kumukuha ng misyon sa mas malalim na parte ng gubat ay yaong may mas malaking reward kumpara sa normal. Dahil sa mahal ang [Invisible Potion] at halos mauubos nito ang reward na makukuha mo sa mga normal na misyon, maliban nalang kung matapang ang bandido at kayang tumapos ng misyon nang mag-isa. Ngunit sino ang magtataya ng buhay nila para sa mas malaki lang na halaga ng ginto kung pwede namang magsama ka ng isa para mas tumaas ang porsiyento ng pagbalik mo ng ligtas. "Wala akong [Invisible Potion]" Sagot ni Zac at nanlaki sa gulat ang mga mata ni Mak. "Hindi ka nagdala?" Tanong niya ulit sa binata para masiguro kung tama ba talaga ang narinig niya. Tumango si Zac bilang sagot. "Buti nalang at mayroon pa akong dalang ekstra." Kumuha pa ng isang [Invisible Potion] ang bandido at iniabot ito kay Zac. "200 gold coins ang isa niyan." Dagdag pa ng bandido at tinuloy na ang paglalakad. Iniwan niya si Zac para magkaroon ito ng oras sa pag-inom. Ilang metro ang layo sa binata ay biglang napangiti ng malaki ang bandido nang maramdaman niyang naglaho ang presensiya ni Zac, senyales na ininom ng binata ang [Invisible Potion]. (Finished)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD