Chapter 21

2104 Words
Chapter 21 Sa ika-anim na palapag ay kaparehas lang ng ika-apat at ika-limang palapag. Ngunit ang ika-anim na palapag ay puno ng mga naglalakihang buhawi na kapag nadikitan kahit ang mga rank 3 ay siguradong hindi makakaligtas. Dalawang pigura ang naglalakad sa palapag na 'to. Ang isa ay si Zac na tahimik na naglalakad at ang pangalawa naman ay ang bandidong nanginginig ang katawan sa takot na naging guide niya. Marami silang kinaharap sa ika-limang palapag at nakita niya kung gaano kadaling tapusin ni Zac ang mga halimaw doon. Kaya ang takot na nararamdaman niya sa binata ay lalo lang lumaki. Ngunit ang ika-anim na palapag ang limitasyon niya, kahit na matagal na siyang rank 3 at naninirahan sa ika-apat na palapag ay hindi siya naglalakas loob na umakyat dito dahil sa mga naranasan niya noong unang beses. "M-master didiretsuhin mo lang naman 'to para makarating sa isang maliit na village ng mga bandido. M-magiging pabigat lang ako sa biyahe hehe." Pagmamaka-awa niya sa binata ngunit halos maiyak ang bandido ng makita niya ang ekspresyon ni Zac na kagaya pa rin ng kanina at walang pinagbago. 'Wala kamanlang bang pakiramdam? Hindi mo ako kasing lakas, baka ang sobrang takot pa ang pumatay sa'kin dito.' Tinuloy lang nila ang kanilang paglalakbay. Makalipas ang ilang oras ay may nakasalubong silang ilang bandido sa kanilang dadaanan. Nakatingin ang mga ito sa kanila at bakas sa mga mukha nila na hindi maganda ang kanilang hangarin. "Hehe. Kaibigan, may ilang ginto kaba sa'yo? Kailangan ko lang talaga ng ilan ngayon." Nagpapaawang tanong ng bandido. Sa likod niya ay may tatlo pang bandido ang naglalakihan ang mga katawan. Imbis na sumagot ay itinaas ni Zac ang kamay niya at ang daliri niya ay tumuro sa likod ng mga bandidong nakaharang. Nagulat ang mga bandido sa ginawa ni Zac kaya naman tinignan nila ang itinuturo ng binata. Pagtalikod nila ay napalunok ang tatlo at sinubukang tumakbo pero sa kasamaang palad ay hindi na sila makakaligtas pa. "AAAAAAAHHHH!" Ang mapangwasak na buhawing biglang sumulpot sa likod nila ay lalamunin na sila. Saktong lilipad na rin sila pataas sa ipo-ipo ay biglang lumamig ang napaka-init na paligid. Ang kaninang buhawi na kayang wasakin ang lahat ay biglang huminto at naging yelo. Ang nasa harap ng buhawi na mga bandido ay nakatulala pa rin sa naging yelong buhawi. "H-ha? Buhay pa ako?" Hindi makapaniwalang sabi ng bandido na nagtanong kay Zac kanina. "Bakit biglang nabalot ng yelo ang buhawi? Wala namang may kakayahang gumamit ng elementong yelo sa'tin." Tanong ng isa pang bandido. Nakatulala pa rin sila sa harap ng buhawi at wala sa sariling nag-usap. "Sandali! Kaya ba talagang balutin ng yelo ang hangin?" Tanong naman ng isa pa at parang hindi makapaniwala na posible pala ito. Ang bandido naman na kasama ni Zac ay na simpatya sa mga kapwa bandido. Kanina niya pa nararamdaman ang matinding takot at ilang ulit na muntikang kamatayan, kung hindi dahil sa lakas ng mentalidad niya ay baka nagaya na siya sa apat na nawala sa katinuan dahil sa matinding takot. "O-oo nga pala! Ang dalawang 'to!" Bigkas ng bandido at humarap kay Zac. Tatakutin niya na sana ulit sila para hingian ng ginto. Ngunit nang makita niyang may yelo-yelo pa ang palad ni Zac at ang kinatatayuan niya ay bigla siyang nanginig ulit sa takot. Ginaya siya ng mga kasama niya at kagaya nito ay ganun din ang naging reaksyon nila. "Akina ang mga ginto ninyo at hahayaan ko kayong mabuhay." Mahinahong banta ng binata. Ngunit sa likod ng mahinang banta na 'yon ay ang malamig niyang mga mata na lumikha ng presyur sa mga bandido. "S-siyempre! Ibigay niyo ang mga ginto natin!" Utos niya sa mga kasama. "P-pero boss ilang araw na tayong nandito para lang magnakaw." Kontra ng isang bandido. "Sige, huwag mong ibigay ang parte mo! Tignan natin kung paano ka tatapusin ng binatang 'yon!" Mahina niyang sabi sa kasama, takot na baka marinig ito ni Zac at magalit pa sa kanila. Nang marinig ng kasama ang sinabi ng boss niya ay nanginig siya sa takot at agad kinuha ang pouch niya na puno ng mga gintong naipon niya. Natapos na sa pagkuha ng mga ginto nilang naipon ang mga bandido at pinagsama-sama nila ito tiyaka ibinigay kay Zac. "Ito lang ang lahat ng naipon namin." Pawisan sa kabang iniabot ng bandido ang pouch kay Zac. Tinanggap ni Zac ang pouch at binilang ang laman nito. Makalipas ang ilang minutong pagbibilang ay nagulat siya ng malaman ang lahat ng halaga nito. '680 na gintong barya? Kasama pa ang 120 ko ay may walong daang gintong barya na ako.' Tumango si Zac at hinayaan na ang mga bandido. Kahit alam niyang posibleng hindi ito ang lahat ng kanilang mga ginto ay hinayaan niya na pa rin sila. Mayaman ba talaga ang mga bandido? Sana ay may makasalubong pa kaming mga bandido. Kung alam siguro ng mga bandido ang iniisip ni Zac ay siguradong maiiyak sila sa galit. .... Ilang oras na ang nakalipas ng makasalubong nila ang mga bandido. Mapayapa na at wala ng masiyadong mga halimaw ang umaatake sa kanila kaya mas bumilis ang biyahe nila. Nanghinayang nga lang ang binata dahil sa wala silang nakasalubong na kahit isang bandido na pwede niyang pagkuhanan ng mga ginto. Kagaya ng maliit na village ng mga bandido sa ika-apat na palapag ay may pader din na mataas at sementong sahig ang nasa harapan nila. Ang tarangkahan ay walang bantay kaya pwedeng pumasok at lumabas ang kahit na sino dito. Pumasok ang dalawa sa village. Tahimik ang village at walang masiyadong mga bandido na nasa labas ng mga tahanan nila, bawat tahanan din na nakatayo ay nababalot ng mga barrier na pumoprotekta sa kanila. Kahit na nakatira sila sa i-isang village ay hindi pa rin nila binababa ang mga depensa nila sa  isa't-isa. "Maganda siguro kung dumiretso tayo sa Chief ng village na 'to. Rank 4 ka naman na at siguradong hindi ka niya tatanggihan sa mga ano mang hingin mong tulong." Paliwanag ng bandido. Hindi nila alam ang daan paakyat sa ika-pitong palapag kaya napagdesisyunan nilang pumunta sa village at tanungin ang pinakamalakas na bandido. Naglibot ang dalawa at hinanap ang pinakamalaking bahay na nakatayo sa village. Maliit lang naman ang village kaya mabilis din nila itong nahanap. Nakatayo ang dalawa ngayon sa harap ng isang dalawang palapag na bahay. Gawa lang ito sa kahoy pero ang barrier na bumabalot dito ay mas makapal ng ilang beses kumpara sa mga barrier ng mga normal na bahay. Lumapit si Zac sa pinto at mahinang kinatok ito ng ilang beses. Kahit nababalot ng barrier ang pinto ay nakabalot pa rin naman ito para posibleng katukin ng iba ang pinto. Matiwasay siyang naghintay sa tapat ng pinto. Makalipas ang ilang sandali ay naririnig na ni Zac ang ilang hakbang sa loob ng bahay na papalapit sa kanila. Bumukas ang pinto at bumungad sa harap ng dalawa ang pigura ng isang matanda. May ilang puti na rin ang buhok nito.  "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting tanong ng matanda. Marami ang siguradong mahuhulog sa mabait na ekspresyon ng matanda at hindi aakalain na isa siyang masamang bandido. At ang aura niya ay hindi masiyadong nararamdaman ni Zac, patunay na tinatago niya ang aura niya ngunit hindi ganoon kalayo anga agwat ng antas ng lakas nila kaya nagawa pa rin itong mapakiramdaman ng kaunti ng binata. 'Rank 4?' Sabagay. Kung kaya niyang manatili bilang pinuno ng village na ito na puno ng mga bandido ay kakailanganing may taglay na lakas siya para pigilang magkagulo ang paligid at maghasik ng lagim ang mga bandido. "Gusto ko sanang malaman kung paano makaka-akyat sa ika-pitong palapag." Direktang ani ni Zac sa nakangiting matanda.  "Bakit hindi muna kayo tumuloy?" Imbis na sagutin ang tanong ay binuksan ng matanda ang pinto at sinenyasan silang pumasok sa kaniyang bahay. Bumungad sa harap ng dalawang binata ang sahig na gawa sa kahoy pero may disenyo ito na kagaya ng sa tiles kaya naman medyo kakaiba ang pakiramdam nila sa sahig. Ang pader naman ay puno ng mga painting sa bawat paligid. Mapapaisip ka nalang kung bahay ba talaga ito ng isang bandido. "H-hintayin ko nalang kayo sa labas, Master." Wika ng bandido. Hindi niya nararamdaman ang aura ng matanda sa harap nila, kaya siguradong rank 4 din ito kagaya ng binatang kasama niya. Kapag rank 4 nga siya at may hindi sila napag-unawaan sa kanilang pinag-u-usapan ay hindi siya makakaligtas kapag naglaban sila at nadamay siya. Tahimik ang buong bahay. Walang ibang presensiyang nararamdaman si Zac maliban sa matanda. Umakyat sila sa hagdan para magtungo sa ikalawang palapag. Bawat hakbang nila sa hagdan ay dinig na dinig dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Tahimik lang na sinundan ni Zac ang matanda at huminto sila sa tapat ng isang silid. Pumasok ang matanda at ganoon din naman ang ginawa ng binata. Pagpasok nila ay may isang mesa at upuan sa tabi nito. Umupo ang matanda doon at nagsalita. "Balak mong umakyat sa ika-pitong palapag?" Nakangiti pa rin niyang tanong sa binata. "Tama! Kung pwede sana ay tulungan mo akong hanapin ang daan para makaakyat." Sagot ng binata habang pinagmamasdan ang paligid. "Hehe! Ang ika-pitong palapag ay hindi kagaya dito o ng mga nasa mas mababang palapag. Ang ika-pitong palapag ang pugad ng mga bandido! May siyudad sa taas at bawat isang mamamayang bandido ay may mga antas ng lakas na kagaya ng sa'yo." Huminto saglit ang matanda at may kinuha sa kaniyang pouch "Kung gusto mong maka-akyat ay kakailanganin mo ang card na'to" at ipinakita niya ang isang card na may nakasulat na mga salitang hindi niya maintindihan, ngunit may marka ito ng dugo sa pinakababa. "Paano naman ako makakaakyat kung meron na ako niyan?" Tanong ni Zac na ikinagulat ng matanda. "hehe. Imposibleng magkaroon ka nito! Ilang taon na ng i-atas sa'kin ng pinuno ang trabaho na'to. Kaya pamilyar ako sa mga nasa ika-pitong palapag. Pero kung sakaling meron ka nga ay kailangan mo lang pumasok sa tabi ng room na'to at makikita mo doon ang portal paakyat sa ika-pitong palapag." Nang marinig ni Zac ang sinabi ng bandido ay inihaya niya ang palad niya sa harap ng matanda. "Kung ganoon ay bakit hindi mo ibigay sa'kin ang card na hawak mo?" Malamig na sabi ni Zac at inilabas niya ang aura niya para ma-presyur ang matanda. "Haha! Ang bata mo pa pero nakatungtong kana agad sa rank 4! Hindi na masama! Pero hindi ka makakakuha ng card na 'to hanggat hindi ka nagbabayad ng limang daang gold coins! Maliban nalang kung kaya mo akong pwersahin na ibigay sa'yo ito" "Kung iyan ang kahilingan mo." Sambit ni Zac at itinapat niya pang lalo ang palad niya sa matanda.  Ang mapayapa at mainit ng kaunting silid ay biglang lumamig, parang napunta sila sa lugar na puno ng yelo. Maraming patalim na yelo ang nagsimuo sa likod ni Zac, bawat isa sa mga ito ay may kakayahang tumapos ng rank 2 ng walang kahirap-hirap. Kahit ang mga rank 3 ay mabilis mamamatay kapag tinamaan nito. "Hahaha! Ang mga bata talaga ngayon masiyadong mainitin. Nagbiro lang ang matandang ito at gusto mo na agad saktan, hindi kaba naaawa sa kagaya ko?" Tumatawang inabot ng matanda ang hawak niyang card kay Zac. Ngunit sa likod ng mga ngiti na iyon ay ang panlalamig niya. Ang pakiramdam na mismo ng katawan niya ang nagsasabi ng namuong matinding panganib ng buuin ni Zac ang mga atake niya.  Kahit na parehas silang rank 4, kung tutuusin ay pwede pang maging lamang ang matanda sa laban dahil sa dami ng karanasan niya at dahil na rin sa dami ng mga kagamitan na pwede niyang gamitin laban sa binata. Ngunit hindi siya kagaya ng iba na gugustuhing sayangin ang kayamanan nila at itaya ang kanilang buhay dahil lang sa galit at dignidad.  Kung ganon siya ay siguradong hindi siya tatagal sa mundo ng mga bandido kagaya ng pagtagal niya ngayon. "Dahil aakyat kana rin ay gusto mo bang malaman ang mga impormasyon sa ika-pitong palapag?" Alok ng matanda. Kahit na hindi naging maganda ang pag-uusap nila ngayon ay gusto niya pa rin na maging maganda ang kaugnayan sa binata, kapag naging kaibigan niya ang binata ay malaki ang magiging benepisyo nito sa kaniya sa hinaharap. Binata palang si Zac pero rank 4 na agad siya, paano pa kaya sa hinaharap kapag lumipas na ang ilan pang mga taon? Anong ranggo ang makakamit niya? Tumango ang binata bilang tugon nang makita niyang sinsero ang matanda at hindi nagsisinungaling. Ipinaliwanag ng matanda ang mga bagay-bagay na dapat niyang malaman sa taas sa loob ng dalawang oras. (Finished)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD