Chapter 9

3643 Words
Chapter 9 Sa loob ng Inn na tinutuluyan ay matiwasay na kumakain si Zac ng kaniyang umagahan kasabay ang ibang nagrerenta ng Inn. 'Paano kaya kung bigyan ko ng dugo ng undying body ko ang ibang tao? Lalakas din kaya ang katawan nila at magkakaroon din sila ng abilidad na regeneration?' Ito rin ang pumasok sa kaniyang isipan kagabi. May natanggap siyang skill ng maging isa siyang low ranked evil. Kahit ang mababang uri ng mga Evil ay may abilidad na maikukumpara sa mga namumuno. Ang abilidad na natanggap niya ay [Ruler]. Kapag binigyan niya ng kaniyang dugo ang ibang nilalang at pumayag ang mga ito na tanggapin ito ng kanilang katawan ay magiging loyal sila. Pwede rin naman niyang pwersahin ang iba na tanggapin ito gamit ang kaniyang lakas, kaso magiging mas mahirap ito at pwede pa siyang magkaroon ng mga problema. Pero ang nasabi lang sa skill ay magiging loyal sila, kahit magkaroon siya ng tauhan kung mahina naman sila ay wala rin itong magiging gaanong silbi sa kaniya. Ngunit ang dugo niya ay kakaiba. Ang dugo niya ay parte ng undying body. Magkakaroon din kaya sila ng abilidad na regeneration kapag natanggap nila ng may permiso ang dugo ko? Hindi sigurado si Zac sa dahilan pero kaya niyang kontrolin ang dugo niya kaya kahit malaman ng iba ang tungkol sa abilidad niyang regeneration at pinilit siyang kuhanan ng dugo para pag-eksperementuhan ay hindi rin ito magiging matagumpay sa huli. Kahit isang alipin lang muna ang kuhanin ko. Tutal wala pa naman akong masiyadong gold coins. Pagkatapos kumain ni Zac ay bumalik siya sa taas at nagpalit ng susuutin. Kahapon ay gumastos siya ng kaunti para sa mga damit na susuutin niya. Pinili niya ang isang itim na tuxedo, itim na pantalon at itim rin na sapatos. Kailangan ay magmukhang magarbo siya para hindi siya magkaproblema sa mga pupuntahan ngayon. "Sapat na siguro to." Habang sinusuklay niya patagilid ang kaniyang magulong buhok. Dahil sa pag-evolve niya ay napakaganda na ng panglabas na anyo niya kahit na magulo ang buhok, pero ngayong sinuklay niya ito ay lalo pa siyang nag-improve. Itinago niya sa ilalim ng kama niya ang kaniyang pouch. Ang sampong gold coins ay ibinulsa niya at naglakad na ito pababa. Paglabas ni Zac ay ang nakakasinag na araw ang bumungad sa kaniya. Lumakad na siya papunta sa direksiyon ng guild. Ang destinasyon niya ngayon ay ang Slave Shop na malapit lang sa Guild. Ang mga importanteng tindahan sa Edo ay kahilera lang ng adventurer's guild o nasa kaparehas na kalye lang nito. Marami ang mga nakatambay sa kalsada ng kalyeng inuupahan niyang Inn. Karamihan sa mga ito ay hindi makapaniwala na nagpunta sa lugar nila si Zac na nakasuot ng magarbo at mukhang mayaman kahit na madumi at magulo ang lugar nila. Ang pagiging madumi rin ang dahilan kaya walang kahit na sinong noble o adventurer ang bumibisita dito. Paglabas ni Zac sa street nila ay dumiretso na siya sa Slave Shop. Ilang minuto lang itong lalakarin kaya pinagmasdan na rin ng binata ang paligid at in-enjoy ito, parang kagaya ng sa medieval ang mga building kaya kahit ilang beses na niyang nakita ang mga ito ay namamangha pa rin siya. Nang huminto siya sa paglalakad ay nasa harap siya ng dalawang palapag na building. Gawa ito sa bato pero pininturahan ito ng kulay puti, magarbo rin ang design ng building kaya napakaganda nito at talagang maaakit na mapatingin ang mga dumadaan dito. May malaking sign rin sa taas nito kung saan nakasulat ang mga katagang "Slave Shop". Pumasok siya sa loob ng building. Pagpasok niya ay sinalubong siya ng isang matabang may magarbong kasuotan. "Ano ang kailangan natin Ginoo?" Nakangiting bati nito sa binata. Pagpasok ni Zac ay nagulri siya ng kaunti ng makita ang mga maliliit na kulungan sa paligid. Kahit inaasahan niyang hindi magiging maganda ang paligid ay hindi niya pa rin inasahan na ganito kalala ang slave shop. Sa bawat kulungang gawa sa bakal ay may makikitang mga tao ang may mga kadena sa leeg. Bakas sa mukha ng mga nakakulong ang kawalan ng pag-asa, ang iba naman ay umiiyak pa. "Kailangan ko sana ng lalaking alipin, kung maaari ay may antas na lakas na maihahalintulad sa rank 1." Hindi naman nagulat ang mataba sa sinabi ni Zac na gusto nitong bumili ng mataas na dekalidad na alipin. Mukhang mayaman ang binata at nakasuot pa siya ng maayos kaya madaling pagkakamalan ng iba na mayaman siya. "Sumunod ka sa'kin at dadalhin kita sa mga rank 1 para makapili ka ng magugustuhan mo." Lumakad ang mataba paakyat sa ikalawang palag. Tahimik namang sumunod si Zac habang pinagmamasdan ang mga alipin na nakakulong. Kahit na nakakaawa at hindi makatao ang sitwasyon ng mga alipin ay hindi nakaramdam ng awa ang binata. Kahit ang ibang tao sa dati niyang mundo na nakakakilala sa kaniya ay naguguluhan at hindi makapaniwala sa kaniyang kawalan ng emosyon, kung tutuusin ay napakabait at emosyonal na tao ng mga magulang niya sa Earth, kaya bakit ganiyan siya? Huminto ang mataba at binuksan ang isa sa mga kulungan kung saan nakakulong ang limang alipin. Bawat isa rin sa kanila ay may antas ng lakas ng rank 1. Apat sa mga ito ay nasa trenta anyos pataas na at ang isa naman ay nasa kabataan pa. Ang katawan ng apat ay malalaki at naglalabas rin sila ng mas malakas na aura kumpara sa nakababata. Makikita rin sa mga sugat ng katawan nila na marami na silang mga experience sa pakikipaglaban. "Ito ang limang rank 1 na meron kami ngayon, bawat isa sa kanila ay mga bihasa sa pakikipaglaban." Sambit ng mataba at mabilis na nagsitayuan ang apat para magpakitang gilas ng katawan at aura nila kay Zac. Kahit na nakakulong sila at magiging alipin ng ibang tao ay mas gugustuhin naman na nila ito kesa sa habang buhay silang makulong dito. Pinagmasdan ni Zac ang apat, pagkatapos niyang suriin ang mga ito ay napunta sa binatang nakaupo na nakasandal ang likod sa pader. May malaking tela ito na nakatali sa dibdib niya para takpan ang kaniyang sugat. Ang mga mata ng binata ay walang kabuhay-buhay, para bang wala na itong pakialam kahit na mamatay siya ano mang oras. Kahit ang katawan niya ay sobrang payat rin, halatang hindi ito nakakakain ng maayos. Nang makita ng matabang nagbabantay sa Slave Shop na napunta ang tingin ni Zac sa binata ay bigla itong nagsalita. "Mas maganda kung isa sa apat na ito ang pipiliin mo Ginoo. Kailan lang napunta saamin ang binatang 'yan na halos wala ng buhay. Kahit ano ring gawin namin ay ayaw niyang kumain. Ilang araw lang ay baka mamatay na 'yan." Kahit ganoon ang sinabi ng mataba ay nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa binata. Kung normal na mga tao lang ang titingin sa binata ay matinding kawalan ng pag-asa lang ang mapapansin nila. Pero iba si Zac, magaling mag-obserba ng tao si Zac at bawat pag-angat pa ng antas ng lakas niya ay lalong nag-i-improve ang pag-o-obserba niya sa mga bagay, kaya kahit punong-puno ng kawalan ng pag-asa ang mga mata ng binata at parang wala na itong buhay ay nakita niya pa rin ang pagkapoot nito. Marami nang nakita si Zac na mga taong nagalit o nagtatanim ng galit pero kahit kailan ay hindi pa siya nakakita ng kasing tindi ng galit na nararamdaman ng kaharap niya ngayon. Para bang kahit tapusin ng binatang ito ang lahat ng gumawa ng masama o problema sa kaniya ay hindi pa rin siya matatahimik. Ang mas nakakagulat pa ay nagawa niyang itago sa iba ang galit na kinikimkim niya. 'Hindi kaya ako magkakaproblema kapag ito ang kinuha ko? Ang galit ay pwedeng maging motibasyon ng tao, at kapag nakamit na nila ang mga nais nilang gawin ay makakaramdam sila ng malaking utang na loob sa tumulong sa kanila. At kapag nangyari 'yon ay susunod na siya sa kahit na ano pang utos ko ng walang alinlangan.' "Oo nga pala. Magkano ang isang alipin?" "Ang isang alipin na may taglay na lakas ng rank 1 ay nagkakahalaga lang ng limampong gintong barya." Mabilis na sagot ng mataba. 'limampong gintong barya!?' Sampo lang ang meron ako, at plano ko pang bumisita sa Pill Shop. Kahit na nagulat ang binata ay mabilis niya pa ring ibinalik sa dati ang kaniyang ekspresyon kaya hindi napansin ng mataba ang pagbago ng ekspresyon niya. "Pero kung talagang interesado ka sa binatang 'yan ay ibibigay ko siya sayo sa halagang limang gintong barya. Iniwan lang ng isang commoner ang alipin na 'yan sa harap namin ilang araw lang ang nakalipas kaya wala naman kaming ginastos sa kaniya maliban sa paggamot. Pero sa kasalukuyang kalagayan niya ay siguradong ilang araw nalang ang itatagal niya." Sambit ng mataba. Inakala niya na mayaman ang binata at plano niya sanang gawing bonus ni Zac ang binata kapag may napili na siya sa apat na matatanda. "Sige ito nalang muna ang kukunin ko. Titignan ko muna kung ano ang magagawa ko sa kaniya at kapag namatay nga siya ay babalik nalang ulit ako para pumili ng bago." Sambit ni Zac at naglabas ito ng limang gintong barya. Nagulat ang mataba sa sinabi ni Zac pero tumango rin siya agad at ngumiti. Inabot ni Zac sa mataba ang limang gintong barya. Nang matanggap ng mataba ang bayad ay lumapit siya sa binata at ginamitan ito ng mahika. Nagliwanag ang dibdib ng binata at may marka ang namuo dito, isang kadenang marka na mga alipin lamang ang meron. "Kailangan mo nalang ay lagyan ng mana mo ang kaniyang dibdib."  Bawat rank 1 na adventurer ay may kakayahang manipulahin ang kanilang mga mana kaya rank 1 pataas lang rin ang mga pwedeng bumili ng mga alipin para hindi sila makalaban sa kanilang mga amo. Lumabas ng tindahan si Zac kasama ang walang kagana-gana sa buhay na binata. Dumiretso na rin sila sa ikalawang destinasyon ng binata. "Ano pala ang pangalan mo?" Hindi nagsalita ang alipin ng tanungin siya ni Zac. Makalipas ang ilang sandali ay nagliwanag ang kadenang marka sa katawan ng binata at gumuhit sa mukha niya ang matinding sakit. Kahit ayaw sumagot ng binata ay napilitan rin siyang magsalita sa huli. "Kaito." Walang kabuhay-buhay na sagot nito at ang liwanag sa kadenang marka ay biglang naglaho. "Kaito." Sambit niya at tumango-tango ito. "Bakit ka nga pala galit na galit?" Nang marinig ni Kaito ang tanong ni Zac ay biglang nagdilim ang paningin niya. Tuwing naaalala niya ang sinapit ng kapatid niya ay hindi niya kinakaya ang sobrang pagkapoot at bigla siyang nawawalan ng malay. Pero ngayon ay imbis na mawalan ng malay, gulat ang naramdaman nito. 'Paano niya nalamang galit ako? Kahit ang matabang gahaman sa perang alam ang lahat ay hindi 'to napansin.' "Gusto mo bang maghiganti?" Tanong ulit ng binata. Bawat araw ay iniisip niya kung paano siya maghihiganti kay Ru at sa mga bandido, pero kahit anong isip niya sa pagplano nito ay wala rin siyang magawa dahil sa malayo ang agwat ng antas ng lakas nila kumpara sa kaniya, kahit ang mga experience nila ay higit na mas mahaba. 'Kahit buong buhay akong magplano ay hindi ako magtatagumpay laban sa napakataas na antas ng lakas nila. Ni hindi ko nga alam kung paano ako makakaalis sa slave shop na'to.' Ito ang laging naiisip ng binata na nagdadala sa kaniya sa matinding kawalan ng pag-asa. Napahinto sa paglalakad si Kaito at nagsalita ito. "Tutulungan mo ako?" Tanong niya sa binata. Maganda ang pigura ng binata at mukhang hindi siya normal kaya posibleng isa siyang anak ng makapangyarihang noble. Kung tutulungan nga siya ng isang noble ay baka makamit niya pa ang paghihiganting inaasam niya. "Tutulungan kita. Pero may gagawin akong hindi maganda sa hinaharap at siguradong ha-hunt-ingin ako ng mga magiging kaaway ko. Handa ka pa rin bang sumunod sa'kin?" "Pero 'wag kang mag-alala. Bibigyan kita ng kapangyarihan para sa mga kamay mo mismo manggagaling ang paghihiganting inaasam mo." Kahit na sobrang nakakaakit na ang mga sinabi niya ay napansin niya pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Kaito. 'Mukhang trinaydor o niloko nga talaga siya. Magtitiwala ka rin naman sa'kin kapag nasimulan mo nang maramdaman ang kapangyarihang pinangako ko.' 'At sa matinding pagkapoot ay siguradong gagawin mo ang kahit na ano para makamit ang paghihiganti mo.' "Kung makakapaghiganti ako sa mga tumarantado sa'kin, kahit na ano pang mangyari sa susunod ay wala na akong pakialam. Susunod ako sayo kahit nasan kapa at kahit ano pa ang ipagawa mo, pero sa oras na malaman kong niloloko mo lang ako at ginagamit ang galit ko para paikutin ako ay tatapusin kita." Pagbabanta niya kay Zac. "Normal lang na 'yan ang gawin mo kapag niloko kita." Pagsang-ayon naman niya sa binata. Pero ang totoo ay kahit ano pang gawin ni Kaito ay imposibleng mapatay siya nito. **** Nang makarating sila sa destinasyon ay napatingala si Zac sa nasa harapang building. Tatlong palapag ang building na ito at gawa ito sa matibay na bato, pero ang kulay ng building ay medyo emerald at mararamdaman mo talaga sa building na hindi normal ang tindahan na ito. May malaking sign rin ito na may nakasulat na "Royal's Shop". Pangalan pa lang ay nakaka-intimida na sa mga nagbabalak na magbigay ng problema sa tindahan. Sa harapan ng building ay may dalawang guwardiya, nakasuot sila ng gintong armor at espada. Nilalabas rin nila ang kanilang aura na nagtataglay ng antas na lakas na rank 2. Kahit ang mga guwardiya ay may kakaibang aura sa paligid na mapapahanga ka talaga. 'Limang gintong barya nalang ang meron ako. Meron kaya akong mabibili ditong maayos na pill.' Pumasok sa tindahan ang dalawa. Pagpasok nila ay nakita nila ang halos kumikinang sa kintab na sahig na gawa sa tiles. Malawak ang paligid at may mga nakahilerang parihabang mga lalagyan ang nakatayo sa bawat paligid. Ang mga parihabang gawa sa simento ay ang lagayan ng mga tinitindang pill. Sa kana ng pinto ng tindahan ay makikita ang babaeng nakaupo sa kaniyang desk, ito ang nagbabantay sa tindahan at bawat mamimili ay dapat dumaan sa kaniya upang magbayad. Dumiretso si Zac sa mga parihabang lalagyan at tahimik namang sumunod sa kaniya si Kaito. Pinagmasdan niya ang mga pill at sa bawat isang parihabang lalagyan ay nakasulat ang pangalan ng mga pill. [1* Body Strengthening] 5 Gold Coins. Hindi pwede ang body strengthening. Malakas na ang katawan ko at bawat level ko ay lalo pa itong lumalakas. Lumipat sa kabila ang binata at naghanap pa ng pill na pwede sa kaniya. [1* Healing Potion], [1* Calm Potion] at madami pa siyang nakitang potion pero halos lahat ng ito ay wala ng masiyadong magiging resulta sa kaniya. Nang marating niya ang huling hilera ng mga pill ay nagkaroon na rin siya ng interest. "1* Mana Core Potion? At 3 gold coins lang?" Napaisip saglit si Zac ng mapansin niyang mas marami ng ilang beses ang [1* Mana Core Potion] kumpara sa ibang pills. Hindi ba't dapat ay mas malakas ang tinda ng mana core potion? Lalo na sa mga faction, magiging malaking tulong ang mana core potion na ito sa pagpapalakas ng mga miyembro nila. Naguluhan siya kaya binasa muli ang deskripsyon ng 1* mana core potion. [Ang 1* mana core Potion ay makatutulong para sa pagpaparami ng mana ng unang mana core ng bawat adventurer.] Nang basahin ulit ni Zac ang nota ay doon niya lang napansin ang isa pang maliit na papel sa tabi nito. [Babala: Ang Pill na ito ay gawa lamang ng isang Rank 1 Alchemist at maaaring magresulta ng pagkawasak ng mana core kapag mababa ang talento ng gagamit nito.] May ilan na siguro ang sumubok gumamit nito kahit na may babala pero karamihan sa kanila ay hindi naging matagumpay, kaya siguro halos wala na ang bumibili nito, dahil sa takot na baka magaya lang sila sa mga naunang sumubok. Sino ba naman ang gugusto na itaya ang kinabukasan nila bilang isang adventurer para lang magkaroon ng kaunting improvement sa mana core? Alipin na ni Zac si Kaito at kanina ay nakita niya ang mana core nito. Isa palang ang mana core na nabuksan niya pero kaunti nalang at mapupuno na agad ito, senyales na kahit bata pa si Kaito ay malapit na agad niyang mabuksan ang ikalawang mana core niya. Mas bata pa si Kaito kay Zac, ang iba ay nasa trenta pataas na pero dahil sa baba ng potential nila ay hindi sila makaangat-angat sa rank 1. Samantalang si Kaito ay labing pitong taon pa lamang at malapit na agad siyang maging rank 2. Patunay na mataas ang potential niya at may malaking tiyansa na pwedeng matagumpay ang pag-inom niya ng [1* Mana Core Potion]. 'Tutal ay wala namang mga pill ang magiging malaking tulong sa'kin ay susubukan ko nalang kay Kaito ang pill na 'to.' Kumuha si Zac ng isa at dumiretso sa babaeng may mahabang buhok na nagbabantay. "Sigurado kaba ginoo na gusto mong bilhin ang 1* Mana Core Potion?" Medyo gulat na tanong ng babae. Dahil sa hindi magandang resulta ng mana core potion ay marami ang nagreklamong nasira ang kinabukasan bilang adventurer pero sa huli ay wala rin silang nagawa dahil sa malaking pamilya ang nasa likod ng tindahan. "Sigurado ako." "Tatlong gintong barya ang presyo ng isa." Saad ng babae at hindi na pinigilan pa si Zac sa pagbili nito ng makita niyang seryoso ang binata sa pagbili. Iniabot ni Zac ang tatlong gintong barya. Pagkaabot ay lumabas sila at bumisita pa sa ilang tindahan. Ang dalawang gintong barya na natira ni Zac ay malaking halaga, kaya marami pa silang nabiling mga gamit na kakailanganin ni Kaito, gaya ng mga damit at short. Tanghali na ng makauwi sa Inn si Zac kasama si Kaito. Dumiretso sila sa silid niya at agad inihanda ang mga kailangan ihanda para sa gagawin niyang eksperimento. Rank 3 na si Zac at mas marami na ng lubusan ang mana niya. Binalot niya ng mana ang buong silid para hindi makita ng iba ang magiging eksperimento niya. "Gusto mong lumakas, 'diba?" Tanong niya kay Kaito. Tumango agad si Kaito bilang tugon. Kinuha ni Zac sa ilalim ng kama niya ang pouch niya. Pagkakuha niya nito ay agad siyang dumukot dito ng isang gamit. Paglabas niya ng kamay niya ay makikita ang isang kutsilyo na gawa sa silver. Nagulat si Kaito sa mga sumunod na pangyayari. Ang binatang inakala niyang isang noble na isa palang nangungupahan lang sa Inn ay biglang pinutol ang kaniyang kaliwang kamay, kahit na pinutol niya ito ay ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Wala pa ring ka-emo-emosyon ang mga mata niya. Kahit na mataas ang ranggo ng isang adventurer ay nakakaramdam pa rin sila ng physical na sakit, lalo na kung may parte ng katawan nila ang nahiwa. Pero bakit parang wala lang ito sa kaniya? "Kainin mo ang kamay na'to. Hindi ako normal na tao at sa oras na makain mo'to ay magkakaroon ka ng abilidad na gumaling sa mga sugat kahit na wala kang inuming mga healing potions. Pero kailangan ay pilitin mong mabuhay, kapag nakaligtas ka ay doon mo lang mauumpisahan ang nais mong paghihiganti." Nang marinig ni Kaito ang sinabi ni Zac ay bigla siyang ginanahan bigla. 'Kapangyarihan! Kung totoo ngang magkakaroon ako ng kapangyarihan 'pag kinain ko ang kamay niya ay magiging posible ang paghihiganti ko! Eh ano kung demon ka Zac? Kahit isakripisyo ko ang buhay ko sa demon para lang makapaghiganti ay gagawin ko!' 'Maghintay kalang Mister Ru! Sisiguraduhin kong mas malala ang gagawin ko sa inyo.' Kinuha ni Kaito ang kamay at sinimulang kainin ang mga daliri nito. Pagkalunok niya ay parang nakaramdam siya ng napaka-init na bagay sa loob ng katawan niya, para bang nasusunog ang mga lamang loob niya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay hindi niya ito kinaya at nawalan siya ng malay. Pinagmasdan ni Zac ang katawan ni Kaito. Hawak niya ang kutsilyo at hiniwa-hiwa sa mas maliit pa ang kamay na kaninang pinutol niya. Kahit walang malay si Kaito ay ipinakain niya pa rin ang hiwa-hiwang kamay sa binata. Nang matapos sa pagpapakain si Zac ay minanipula niya ang mga dugo na galing sa kamay na kinain at dinala ito sa bandang tiyan ni Kaito malapit sa mana core niya. Mayroon naman ng permiso ni Kaito si Zac kaya hindi na nagkaproblema pa ang pagsasalo ng dugo ng undying body niya at ng dugo ng binata. Nang matapos ang proseso ay nakaramdam ng kaunting panghihina si Zac, pakiramdam niya ay nabawasan ang kapangyarihan niyang gumaling sa kahit na anong sugat. Tinanggal ni Zac ang damit ni Kaito at nang makita niyang gumaling ang malaking sugat sa dibdib nito ay bigla siyang napangiti. "Tagumpay nga. At pakiramdam ko rin ay kaya kong kuhanin ang mana ng mana core niya kapag tuluyan ng nasakop ng dugo ko ang buong katawan niya, kaya lalong hindi mo ako mata-traydor kahit na gustuhin mo pa." Kapag pwinersa ni Zac na kunin ang mana ni Kaito sa mana core niya ay may malaking tiyansa na mawawasak ang mana core ng binatilyo na magreresulta ng pagkawala ng kapangyarihan niya. Brutal ang ginawa ni Zac dahil sa oras na magtraydor si Kaito ay ang oras rin na mawawala sa kaniya ang lahat, kung para sa kaniyang sarili ay handa siyang gawin ang mga bagay na kagaya nito. "Oh. Oo nga pala, may diyamante akong nakita sa dungeon." Biglang sambit ng binata at kinuha ito sa kaniyang pouch. Nagliwanag ang itim na diyamanteng nasa palad niya. Ginamitan niya ito ng mana at nanlaki sa gulat ang mga mata niya. "Ang makakuha ng isang gamit na kagaya nito." Nakangiting sambit ni Zac habang nanginginig pa sa pagkasabik ang mga kamay niya. Kung makikita ng mga nakakakilala kay Zac ang ekspresyon niya ngayon ay siguradong hindi sila maniniwala, ang walang ka-emo-emosyong binata sa halos lahat ng bagay ay naging sobrang excited sa isang gamit? (Finished)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD