Chapter 10
Sa loob ng silid ay tahimik na nag-memeditate si Zac sa sahig habang nakahiga sa kama ang walang malay na si Kaito.
Nang maging low ranked evil si Zac ay may mga impormasyon siyang natanggap kung paano namumuhay ang mga evil, kung paano sila lumalakas at iba pa. Pero ang mga nalaman niya lang ay ang mga basic ng mga low ranked evil.
Isa sa mga nalaman niya ay ang evil meditation, kung saan kailangan niyang mag-absorba ng mga mana sa paligid, mabilis at medyo bayolante ang technique na ginagawa niyang pag-absorba kaya hindi ito pwedeng gamitin malapit sa mga adventurer na nag-memeditate rin.
Pero kahit bayolante ay doble ang epekto nito kumpara sa mga ordinaryong pagme-meditate. Mayroon din isa pang nalaman si Zac tungkol sa pag-absorba ng mana ng mga halimaw.
Ang pagkuha sa mga mana core ng mga halimaw at direktang pagkain nito. Isa ito sa mga sikat na paraan sa pagpapalakas ng mga evil dati. Maraming uri ng nilalang ang nahikayat at gumaya sa kanila pero lahat sa mga ito ay hindi nagtagumpay, bagkus ay nawala pa sila sa kanilang mga katinuan.
Kaya ang paraan ng mga evil na pagkain ng mana core ng ibang nilalang ay nabura sa kasaysayan. Ang hindi rin nila alam ay mga nilalang lang na may dugo ng evil ang may kakayahang gumawa nito dahil sa taglay na lakas ng mga katawan nila.
Kahit matataas na ranggong mga tao at ibang uri ay hindi rin nagtagumpay sa paggamit ng paraan na ito.
Palubog na ang araw ng magising si Kaito. Nakita niya ang nakaupo sa sahig na si Zac habang nakapikit ito.
"H-ha?" Napatayo sa gulat si Kaito ng mapansin niyang parang gumaan ang katawan niya. Ang mga kirot na nararamdaman niya rin sa mga sugat ay biglang nawala.
Tinignan niya ang dibdib at nang makitang nawala ang sugat na nilikha ng pagsakasak ni Mister Ru ay hindi siya makapaniwala.
'Totoo nga ang sinabi ni Zac.'
'Kaila, h'wag kang mag-alala. Maipaghihiganti ka na ni kuya.'
Bumukas ang mga mata ni Zac at nagpaliwanag ito.
"Lahat ng mga sasabihin ko ngayon ay hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino." Utos ni Zac dito. Nagliwanag ang kadena sa dibdib ni Kaito na parang nagsasabi na "masusunod at tatapusin ko ang buhay ng binatilyong ito kapag sinuway niya 'to."
"Alam mo ba ang angkan ng Evil? Ang nag-iisang angkan na kayang kumain ng mga mana core ng ibang nilalang."
"Isa ako sa angkan ng mga pinuksang evil. Dahil sa kinain mo ang kamay ko ay may parte na rin sa katawan mo ang evil blood ko. Susubukan natin sa dungeon kung makakaya mo ang kumain ng mana core kahit na kaunting dugo ko lang ang natanggap mo." Paliwanag niya at tumayo sa pagkakaupo.
"Sigurado kaba Zac? Hindi ba't may mga balita na bawat sumusubok na kumain ng mana core ng ibang nilalang ay nawawala sa katinuan?" Pagdududa ng binata. Kung totoo nga na pwede silang kumain ng mana core ay napaka unfair nito para sa iba. Ang ilang taong paghihirap ng iba ay matatapos lang nilang dalawa sa loob lang ng ilang araw. Siguradong mapapasuka ng dugo sa inggit ang iba kapag nalaman nila 'to.
"Malalaman natin kapag sinubukan mo. H'wag kang mag-alala hindi kita hahayaang mamatay ng ganun-ganun nalang."
Lumakad si Zac ng makitang medyo kumbinsido na si Kaito sa balak niyang gawin. Nagpalit ng kasuotan si Kaito pero si Zac ay hindi na nagpalit.
***
Sa loob ng guild ay tahimik na nakatayo si Fae sa pwesto niya. Nagulat siya ng makita niyang pumasok si Kaito. May ikinalat na balita si Mister Ru kailan lang na may nangyaring masama sa magkapatid.
Siya ang nagsabi kay Kaito tungkol sa balitang nasa dungeon si Mister Ru kaya parang responsable siya sa nangyari sa binatilyo. Kung hindi niya sinabi sa kaniya ang balita at hinintay nalang na makarating sa guild si Mister Ru ay baka wala pang nangyaring masama.
Kahit na sinabi ni Mister Ru na sinubukan niyang iligtas ang magkapatid ay hindi naniniwala si Fae. Alam niya kaunti ang background nito at alam niyang hindi ito mabuting tao kagaya ng sa akto niya.
Ang pumasok sa isip niya ay pinatay ni Mister Ru ang walang kalaban-laban na si Kaito at kinuha ang pera nito na ibabayad para sa kalayaan ng kapatid niya.
Nang makita niya ang ekspresyon ni Kaito ay halos maluha si Fae. Ilang taon na niyang kilala ang binata, kahit napakalungkot nito araw-araw noong nagtratrabaho pa siya para makapag-ipon ay hindi siya naglalabas ng matinding pagkapoot.
Ano ang nangyari sa napakabuting bata na'to? Bakit ang maamo at mabait niyang mukha ay napalitan ng matinding galit?
Totoo kaya ang iniisip ko na may ginawa sa kanilang magkapatid si Mister Ru?
Pero ikinalat rin ni Mister Ru na patay na si Kaito. Sigurado akong nakita niya mismo ang pagkamatay nito bago ikalat ang balitang namatay na'to.
Lumapit si Zac sa counter at nagsalita.
"Fae pwede paba akong kumuha ng mga rank 2 na misyon?" Tanong ng binata sa receptionist.
Napansin naman ni Zac ang malungkot na ekspresyon ni Fae habang nakatingin kay Kaito.
"H-ha? May sinabi kaba Mister Zac? Pwedeng pakiulit." Malumanay na sabi niya at halata sa tono ng pananalita niya ang nararamdaman niya ngayon.
"Kung pwede sanang kumuha pa ako ng rank 2 na misyon?"
"Rank 2? Pwedeng-pwede! Nilakad ko na rin sa mga nakatataas kung pwede kang i-promote agad sa rank 2. Tutal ay may taglay kang lakas na kahit mga rank 2 ay kaya mo nang lamangan."
Nagulat si Zac sa sinabi ni Fae. "Kung ganun ay maraming salamat."
"Kaya kahit rank 0 ka pa rin, pwede kanang kumuha ng mga rank 2 na misyon." Nakangiting sambit niya pero halata sa mga ngiti niya na peke ito.
Pumunta sa board si Zac at bago pa makasunod si Kaito ay tinawag ito ni Fae.
"K-kaito." Tawag niya sa binatilyo.
Tumingin si Kaito sa babae at ang mga mata niyang kailan lang ay napakasaya ng marinig ang balitang buhay si Mister Ru ay napalitan ng matinding galit. Galit na hindi mo aasahang makita sa kagaya niyang binatilyo.
"A-ano ang nangyari? Ayos kalang ba?" Tanong niya kay Kaito.
"Ayos lang ako. Bakit mo natanong Ate Fae?" Malamig na sabi niya habang nakangiti pero ang mga ngiti niya ay lalo lang nagpalungkot sa babae.
Mga ngiti na para bang ano mang oras ay mapapaluha siya. Madami nang pinagdaanan ang binata pero kahit kailan ay hindi niya 'to nakitang ngumiti ng ganito kamiserable.
Marami nang kabutihan na nagawa si Fae para kay Kaito. Alam ng binatilyo na maganda ang hangarin nito para sakaniya.
Kaya kung maaari ay ayaw niyang sabihin sa babae na namatay ang kapatid niya ng pinuntahan niya si Mister Ru sa dungeon. Kahit na medyo halata naman ang totoong nangyari.
Habang nag-uusap ang dalawa ay nakakita na ng misyon si Zac. Rank 2 na misyon.
----------------------
Rank 2 Mission
Pumatay ng mga Orc sa ikatlong palapag ng Dungeon. Kailangang buo ang katawan.
Rewards: 1 Gold Coin per head.
-----------------------
"Fae ito pala ang misyon." Sambit ni Zac at inabot kay Fae ang papel. Pagkatapos gawin ang mga kailangang gawin para sa misyon ay lumabas na ang dalawa.
Habang naglalakad palabas ng kalye ang dalawa ay may isang lalaki ang nakasilip kina Zac. Pinagmamasdan niya sila sa malayo at tagong lokasyon.
"Hindi ba't sabi ni Mister Ru ay tinapos niya na si Kaito?" Bulong nito sa kaniyang sarili at mabilis na tumakbo palayo para makahanap pa ng mas tagong lokasyon.
"Kapag nasabi ko agad ang balita kay Mister Ru ay siguradong bibigyan niya ako ng reward hahaha" Masayang sambit nito at tumakbo na siya palayo. Dumaan siya sa likod ng mga nagtataasang building kung saan walang mga dumadaan na tao.
Madilim ang paligid ng dinaanan niya dahil sa nababalutan ito ng naglalakihang mga building. Pero dahil walang tao ang dumadaan dito ay mas naging mabilis ang takbo niya.
Makalipas ang ilang sandali ay napangiti pa lalo ng malaki ang lalaki ng makita niya ang daan palabas sa mga naglalakihang building na nakapaligid. Pakiramdam niya ay ang daan na ito ang magdadaan sa kaniya para sa reward na matatanggap niya.
"Sa susunod ay dito ulit ako dadaan para masulyapan ko ulit ang napakagandang daan na'to haha." Tuwang-tuwang sabi niya pero nang halos sampong metro nalang ang layo niya para makalabas sa nakapalibot na naglalakihang mga building ay may dalawang pigura ang biglang sumulpot sa daanan.
Maluwang ang daanan at kahit sampong tao pa ang sabay-sabay na lumabas ay kakasiya sila dito, kahit na may mga lalagyan pa ng basura sa gilid-gilid.
Napahinto ang lalaking matangkad na halos nasa trenta na ang edad.
"May kailangan ba kayo sa'kin?" Kalmadong tanong ng lalaki at inihanda ang kaniyang sarili laban sa dalawa.
Pero biglang nanlaki ang mga mata ng lalaki ng makita niya na ang pigura ng dalawa. Kanina ay sobrang excited siya kakaisip sa reward na matatanggap niya kaya hindi siya nakapagfocus sa dalawa.
"K-kaito?" Gulat na sabi niya. Kanina ay pinagmamasdan niya lang sila sa malayong lugar. Mabilis din siyang tumakbo palayo at kampante siyang kahit nakita nila siya ay hindi makakahabol ang dalawa.
Pero bakit nandito na sila sa dadaanan ko?
"Bakit pala tayo nandito Zac?" Naguguluhang tanong niya sa kasama.
"Hindi ba't sabi mo ay si Mister Ru ang kailangan mong patayin? Narinig kong nabanggit niya na sasabihin niyang buhay ka kay Mister Ru para makatanggap ng pabuya."
Nang marinig ni Kaito ang pangalan ni Mister Ru ay umukit sa mukha niya ang galit. Napatingin siya sa lalaki at galit na nagsalita.
"Handa ka talagang sabihin kay Ru na buhay pa ako para mapatay niya ulit ako para lang sa pabuyang makukuha mo?" Galit na reklamo niya at sinugod ang lalaki. Hindi siya makapaniwala na parang wala lang sa lalaking ito ang buhay niya, para sa ilang ginto ay handa siyang mamatay ako?
'Nanggaling na tayo sa Guild, Kaito. Malalaman at malalaman rin nilang buhay ka.' isip no Zac ng marinig si Kaito. Nilamon nanaman siya ng galit at hindi makapag-isip ng maayos.
"Huwag mong wawasakin masiyado ang katawan niya. Pwede na rin nating subukan dito ang mga plano natin." Paalala niya sa binatilyo at pinanood ito kung paano sumugod sa lalaki.
Nang marinig ng lalaki ang sinabi ni Zac na para bang hawak nila ang buhay niya ay nanggalaiti rin siya sa galit. "Masiyado niyo 'kong minamaliit. Mas malakas ako sayo Kaito at mas marami akong experience. Isa kalang hamak na inutil na nagpaloko kay Mister Ru!" Galit na sabi nito at binunot ang espada niya. Kahit hindi ganoon kagara ang suot ng lalaki ay may espada siyang silver kaya hindi siya basta-basta hahamakin at mamaliitin ng iba.
Habang tumatakbo pasugod ay kinuha rin ni Kaito ang kutsilyong galing kay Zac. Nang magkasalubong ang dalawa ay inihawi ng lalaki ang kaniyang espada sa direksyon ni Kaito.
'Bumagal siya? Hindi ba't isa siya sa mga tauhan ni Mister Ru? Bawat isa sa kanila ay may taglay na lakas na hindi normal kahit rank 1 lang sila.'
Pakiramdam ni Kaito ay bumagal ang kalaban. Sinalag niya ang espada gamit ang kutsilyo at mabilis na itinapat ang palad sa mukha ng lalaki.
May maliit na apoy ang namuo dito hanggang sa maging kasing laki ito ng kamao. Tumama ito sa mukha ng lalaki at sumabog ito.
Bago sumabog ang fireball ay tumalon paatras si Kaito. Nabalot ng apoy ang buong ulo ng lalaki.
"PAPATAYIN KITA KAITO! ANG LAKAS NG LOOB MO!" Galit na sigaw ng lalaki at ng maglaho ang apoy ay ang sunog na mukha niya ang sumulpot sa harap ng binatilyo.
Ang buong mukha niya ay puno ng peklat. Kahit ang mga mata niya ay hindi nakaligtas. Sunog ang dalawang mata at hirap siyang imulat ito, kapag minumulat niya ay wala na rin siyang nakikita maliban sa walang hanggang kadiliman, ang abilidad niyang makakita ay naglaho na dahil sa isang atake ni Kaito. Senyales na wala ng silbi ang mga mata niya at hinding-hindi na siya makakakita pa.
"Paano mo'ko papatayin? Eh hindi mo na ako makita." Bulong ni Kaito sa tenga ng lalaki kaya bigla nitong inihawi ang espada niya sa likod niya. Pero hangin lamang ang nahawi niya, para bang naglaho ang binata.
"Kaito 'wag mo na patagalin pa. Pupunta pa tayo sa dungeon." Paalala ni Zac sa kasama.
Nang marinig ng lalaki ang sinabi ni Zac ay kinabahan ito at nagsalita. "S-sandali! M-may mga naipon akong ginto! Kung gusto niyo ay ibibigay ko 'to lahat sa inyo. Huwag niyo lang akong patayin! Pakiusap!" Pagmamakaawa niya. Lumuhod ito at idagdag pa ang miserable niyang mukha ay siguradong lahat ng makakakita sa kaniya ay makakaramdam ng awa.
Pero minalas siya dahil sa si Zac na hindi nakakaramdam ng emosyon at Kaito na punong-puno ng galit ang nakakita sa kaniya, imposible na ang makaligtas siya.
"Ginto? Kapag nakuha ko ba ang gintong sinasabi mo ay mawawala ang lumalamong galit sa'kin?" Galit na sabi ni Kaito at sinaksak sa dibdib ang lalaki.
Unang saksak palang ni Kaito ay namatay na agad ang lalaki.
"P-pumatay ako ng tao." Nanginginig na saad ng binata at napaluhod ito.
Biglang nagdilim at tumahimik ang buong paligid. Para bang napunta ulit siya sa walang hangganang kadiliman. Wala ng marinig si Kaito at ang galit na kinikimkim niya ay hindi nabawasan kahit na kaunti, bagkus ay nakaramdam pa siya ng kalungkutan dahil sa kaniyang ginawa.
B-bakit nakokonsensiya ako? Handa siyang mamatay ako para sa pabuyang matatanggap niya kay Mister Ru. Pero bakit ganon? Parang sinasaksak ako ng konsensiya.
Paano kung may kapatid din siya? Paano kung may pamilya rin pala siyang kailangan iligtas at napipilitan lang siyang gumawa ng masama para sa kanila?
Pakiramdam ng binatilyo ay hindi patas sa kaniya ang tadhana. Noong siya ang inaapi at sinasamantala ng iba ay nagtitimpi siya at nag-unawa, dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatang magreklamo.
'Kasalanan ko kung bakit nakuha ng mga bandido ang kapatid ko, kaya dapat lang na magdusa ako.'
Ang mga katagang lagi niyang iniisip para maging mas matibay siya at hindi isipin na pinaglalaruan siya ng tadhana.
'Kaila.. Pasensiya kana, sobrang miserable pa rin ang kuya.'
Namula ang mga mata ni Kaito at tumulo na ang agos ng luhang kanina niya pa pinipigilan. Binatilyo pa si Kaito at kung tutuusin ay medyo inosente siya, kung hindi lang naging mapaglaro ang tadhana sa kaniya ay siguradong lalaki itong isang napakabuting tao.
Habang halos mabingi na sa katahimikan si Kaito ay bigla siyang may naramdaman sa kaniyang balikat.
Ang nagdilim niyang paligid ay biglang nagliwanag ng makita niya si Zac na nakahawak sa balikat niya. Para bang sa napakadilim na mundong ito ay siya nalang ang makakapagligtas sa kaniya at makapagbibigay ng hustisiya na nais niya.
"Kaito, bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa nakaluhod na binatilyo.
"P-pumatay ako. Pakiramdam ko ay kasing sahol ko lang sila." Umiiyak na sabi nito habang nakatingin sa katawan ng lalaking pinatay niya.
"Pero ano ang pinakarason mo kung bakit mo siya pinatay?"
"Para mabawasan ang kinikimkim kong galit. Para mas gumaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay padilim ng padilim ang mundo ko bawa't oras na lumilipas. Hindi ko na kinakaya, akala ko ay may magbabago kapag nakaganti ako kay Mister Ru at sa mga tauhan niya." Lalo pang naiyak ang binatilyo ng banggitin niya ang tunay na nararamdaman niya.
'Maghihiganti ba talaga ako para sa kapatid ko o gagawin ko lang 'yun para mabawasan ang konsensiya at galit na nararamdaman ko? Kahit wala na sila ay sarili ko pa rin ang iniisip ko. Napaka wala ko talagang kwenta!'
"Bakit hindi ka maghiganti para sa sarili mo, h'wag mong lokohin ang 'yong sarili. Malawak ang mundo, marami pang misteryong bagay ang hindi natin alam, hindi natin alam na baka kapag natamo natin ang pinakatuktok ay magkaroon tayo ng abilidad na buhayin ang kapatid mo. Kahit imposibleng pakinggan ay mas maayos na ito dahil lalakas kapa kesa sa sayangin mo ang 'yong oras sa pag-iyak."
"Bakit hindi mo gawing motibasyon ang galit na nararamdaman mo o ang nangyari sa kapatid mo para akyatin ang pinakamataas na pwede nating makamit?"
Natawa ang binatilyo at tinanong si Zac. "Naranasan mo naba ang mawalan ng mga mahal sa buhay? Yung nasa harap mo sila mismo pero pakiramdam mo ay nasa ibang mundo sila at wala kang magawa?"
"Yung mismong kahit na nasa tama ka pero dapat ikaw ang magpakumbaba dahil sa mas malakas sila sa'yo?" Naiinis na tanong niya kay Zac.
'Nawalan na ako ng magulang. At akala ko rin ay mararamdaman ko na ang sinasabi nilang kalungkutan, pero kahit nawala na sila ay hindi ko 'to naramdaman. Lagi ko rin iniisip kung bakit ganito ako?'
'Siguro nga, magkaiba tayo ng sitwasyon, pumanaw ang mga magulang ko sa sobrang tanda at masaya sila bago pumanaw, matanda na sila pero nagkaroon pa ng himala na maipanganak nila ako.'
'Pero ang kawalan ng emosyon ay mas mabuti para sa mundong ito. Siguro ay nakatadhana na talaga ang mapunta ako dito.'
Tumahimik nalang si Zac at hindi na nagsalita. Sinubukan niya lang kumbinsihin si Kaito para hindi ito magkakaroon ng problema sa hinaharap.
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na si Kaito.
"P-pasensiya na sa nasabi ko Zac. Nilamon na naman ako ng galit, tama ka nga. Kung may oras akong umiyak ay mas maganda na ang gamitin ko ang mga oras na 'yon para mas lumakas." Kahit hindi masyadong malaki ang impact ng sinabi ni Zac ay nagkaroon pa rin naman ito ng resulta. Ang galit at kalungkutan sa mga mata ni Kaito ay nadagdagan ng motibasyon, motibasyong lumakas.
****
Habang naglalakad ang dalawa ay dumaan sila sa market kung saan marami ang mga nagtitinda sa tabi-tabi ng mga gulay, prutas at iba pang pagkain.
Habang naglalakad ay nabaling ang atensyon ni Zac sa isang tabi. May isang matandang babae ang may hawak na kahoy na tungkod, nakatayo siya sa harap ng lamesang gawa sa kahoy at may bolang crystal na nakapatong dito.
Tumingin din sa kinaroroonan ni Zac ang matanda at nginitian siya nito. Tumayo ang mga balahibo ng katawan ni Zac pero kahit ganoon ay lumapit pa din siya sa matanda.
"Gusto mo bang magpahula, iho?" Nakangiting tanong niya dito at kahit sinong makakita sa kaniya ay iisipin nilang isang normal na matanda lang ito at baka gusto lang silang lokohin para magkapera.
"Magkano ang pahula?"
"Isang pilak na barya lang at huhulaan kita ng tatlong bagay na mangyayari sa'yo." Kumuha si Zac ng isang silver coin sa kaniyang pouch at inabot ito sa matanda.
Biglang nabalot ng barrier ang paligid nilang dalawa para pigilan ang ibang makakinig sa pag-uusapan nila.
Hinawakan ng matanda gamit ang dalawang kamay niya ang bolang crystal at nagliwanag ito.
"Una ay mawawala lahat." Saad ng matanda habang nakatingin sa itim na bolang crystal sa harap niya.
'Hindi siya nagsisinungaling?' Naalarma siya sa narinig. Kada pag-angat ng ranggo ni Zac ay mas lalong tumatalas ang pagbasa niya sa mga tao. Noong una ay kaya niya lang makita kung may tinatago bang galit ang isang tao sa iba at hirap pa siyang malaman kung nagsisinungaling sila.
Pero noong naging rank 2 siya ay madali niya nang nababasa kung nagsisinungaling ba ang isang tao, at ngayon ay rank 3 na siya. Kaya alam niya na nagsasabi ng totoo ang matanda.
"Pangalawa ay may mamamatay dahil sa kapabayaan mo."
'Mamamatay? Sino ang tinutukoy niya? Hindi kaya si Kaito ang tinutukoy niya?'
"Pangatlo, mamamatay ka." Huling sabi ng matanda na nagparamdam ng emosyon kay Zac. Hindi nagsisinungaling ang babae at ang kamatayan din ang nag-iisang kinatatakutan ng binata, kaya kahit siya ay nakaramdam ng takot.
"Pwede mo bang sabihin kung ano ang eksaktong mangyayari?" Magalang na tanong niya sa matanda.
Umiling ang matanda na ikinamutla ni Zac. "Hindi. Pero pwede kitang bigyan ng mga payo."
"Sa una, mag-ingat ka sa isang tao."
"Sa pangalawa, huwag mong paniniwalaan ang nakikita mo, huwag kang gagawa ng bagay na hindi ka sigurado."
"Sa pangatlo. Hindi. Kalimutan mo na ang pangatlo. Kahit ako ay hindi sigurado kung ano ang dapat mong gawin, halos walang paraan para makaligtas ka." Umiiling na sabi ng matanda at parang nakaramdam siya ng awa sa binata.
Kahit hindi maganda ang nalaman ni Zac ay bumalik agad siya sa normal.
'Kailangan ko lang ay mas lalo pang lumakas, kahit anong problema pa 'yan ay madali rin naman itong mareresolba kung malakas ako.'
Naglaho na ang barrier sa paligid nila at umalis na si Zac para balikan si Kaito.
'Napakabata pa niya pero hawak na agad ng iba ang tadhana niya. Nabubuhay para gawin ang plano ng isang tao.' Bakas sa mukha ng matanda ang lungkot habang pinagmamasdan ang likod ng papalayong si Zac.
'Sana ay makaligtas ka sa sakunang kakaharapin mo.'
(Finished)