Chapter 11

2763 Words
Chapter 11 Palubog na ang araw nang makarating sa harap ng dungeon ang dalawa. Pagpasok nila sa dungeon ay huminto si Zac sa unang palapag at may dinukot na gamit sa kaniyang pouch. Isang makintab na diyamante ang inilabas ni Zac.'[Dungeon Control 3*] hindi ko alam pero napakabait ng tadhana para sa'kin kapa ibigay.'" Tama. Isang napakahalagang gamit ng dungeon ang nakita niyang nagliliwanag na diyamante sa kweba ng unang palapag ng dungeon. Maraming malalaking faction ang kumonsulta ng mga ekspertong adventurer sa iba't ibang lungsod para magpatulong na makontrol ang dungeon upang lalong lumaki ang awtoridad na hawak nila sa siyudad, pero sa kasamaang palad ay wala ni-isa sa kanila ang nagtagumpay. Ito ang gamit na daan-daang taon nang hinahanap ng mga adventurer para makontrol ang Edo dungeon pero sa kasamaang palad ay hindi nila ito mahanap-hanap kahit anong paghihirap na gawin nila.  Nang lagyan ni Zac ng mana ang diyamante ay lumabas ang lahat ng impormasyon na pwede niyang malaman sa una hanggang ikatlong palapag, kahit ang kuta ng mga nagtatagong bandido na matagal nang hinahanap ng mga adventurer ay natuklasan niya na. Pero hindi lang 'yon ang nagpagulat sa binata. Pinakanagulat siya sa sistemang natanggap niya ng maging siya ang may-ari ng diyamante. Nakikita niya na ang bilang ng mga halimaw na nasa dungeon, pwede pa siyang bumili sa tinatawag na [Dungeon Shop] ng mga halimaw na gusto niyang bilhin. May Skeleton, Goblins, Orc, Ogre at iba pa pero bawat paglakas ng mga halimaw ay pamahal rin ng pamahal ang presyo nito. Ngunit may requirements ang bawat pagbili ng mga halimaw, ang pinakamalakas na halimaw na pwede niya lang bilhin sa dungeon shop ay ang mga Orc. Ang currency na ginagamit sa [Dungeon Shop] ay [Dungeon Credits] ang kasalukuyang Dungeon Credits ni Zac ay 30,000. Ito ang nalikom na Credits ng dungeon sa napakahabang panahon na nakatayo na ito. Bawat Dungeon Credits ay nadadagdagan tuwing nakakapatay ang mga halimaw ng adventurer o iba pang nilalang na pumapasok sa dungeon. Mayroon din mabibiling mga gamit sa Dungeon Shop na pwedeng gamitin para akitin ang mga adventurer na pumasok sa dungeon at maglibot para maghanap ng mga kayamanan. Ang bawat armas o armor ay mayroon ring mga grado kagaya ng sa mga adventurer. Ang pinakamababa ay rank 0 at ang pinakamataas ay rank 2. Rank 2 ang pinakamataas dahil ang una hanggang ikatlong palapag ay para lamang sa mga rank 2 adventurer. Walang laban ang mga halimaw sa rank 3 na adventurer at lalong hindi magiging interesado ang mga ito sa mga rank 2 na gamit kaya mas pipiliin nila ang umakyat sa ikaapat na palapag kung saan mga rank 3 na gamit ang makukuha nila. Hinawakan ni Zac sa balikat si Kaito at nagsalita ito. "Teleport." Wala pang isang segundo ang lumipas ay biglang nagdilim ang paligid nila, tumagal pa ng kaunti at napunta na sila sa silid na halos kasing laki lang ng isang silid na para lang sa isang tao. Gawa rin ito sa bato. Kahit ang mga pader ay kagaya lamang ng pader sa dungeon at mapapaisip ka nalang na hindi posibleng tao ang dating may hawak ng silid na ito dahil sa disenyo. May lamesa na gawa sa bato at isang upuan. Meron ring kamang maliit na halos hindi kasya ang isang tao kapag humiga. Patunay na maliit pa sa tao ang dating namuhay dito. Ang pinaka-kapansin-pasin sa silid na ito ay may tatlong malalaking screen na nakalutang sa taas ang makikita. Bawat makikita sa loob ng screen ay madaling marerecognize kung nakapasok kana sa dungeon. Ang mga ito ay ang una hanggang ikatlong palapag ng dungeon. Gabi na at iilan na lamang ang natitira sa ikalawang palapag. Sa ikatlong palapag naman ay wala na ang mga bandido at adventurer, karamihan sa bandido ay nasa kani-kanilang mga lungga dahil sa mas delikado ang paligid kapag madilim. Dahil hawak na ni Zac ang dungeon control ay kaya niya na ang magteleport sa kahit na anong lugar basta hanggang ikatlong palapag lang ito. Pero ang teleportation niya ay may limitasyon. Kaya niya lang magteleport ng tatlong beses sa isang araw. "Dungeon Shop." ------------------------- [Dungeon Shop] 1.Low level goblins = 100DC 2.Mid level goblins = 1,000DC 3.High level goblin = 10,000DC 4.Low level Orc = 15,000DC ------------------------- "Ano ang lugar na'to? At bakit tayo napunta dito Zac?" Gulat na tanong ni Kaito. Hindi niya inaasahan na bigla silang maglalaho at mapupunta sa ibang lokasyon sa napaka-ikling panahon. Tahimik lang na nakatulala si Zac habang nakahawak sa baba niya na parang malalim ang iniisip nito. Hindi pala ganoon kalaki ang 30,000 credits na naipon ng nakaraang owner. Pero siguro ay mas malaki pa 'to sa 30,000 dati. Awtomatiko lang sigurong bumibili ng mga goblins ang systema ng dungeon dahil sa wala 'tong owner. "Marami ang bandido sa ikatlong palapag. Pero may ilan sa kanila ang nagtatago sa mga lungga nila ng mag-isa." Kailangan muna pala naming subukan ang pagkain ni Kaito ng mana core. Inihawi ni Zac ang kamay niya at biglang lumitaw sa sahig ang isang duguang katawan. May saksak ito at medyo mapula pa ang dugo nito na tumulo galing sa bandang puso. Ang katawan na 'to ay ang kaninang pinatay ni Kaito na tauhan ni Mister Ru. "Kaito subukan mong kunin ang Mana Core niya tiyaka ito kainin." Utos niya sa binatilyo. Alam na niya ang plano ni Zac kaya hindi na siya nagulat ng ipagawa niya ang bagay na halos imposibleng magtagumpay. Umupo si Kaito sa tabi at idinikit niya ang palad niya sa tiyan ng bangkay. Pinakiramdaman niya kung saan ang pinaka lokasyon ng kaniyang mana core. Ang mga walang mana na mana core na nakakadena ng mga namatay na adventurer ay maglalaho agad sapagkat wala itong laman. Pero ang pinaka mana core na ginagamit ng mga adventurer para wasakin ang iba pang mana core ay hindi dahil sa may mga nalikap itong mana at pwede itong tumagal ng ilang araw bago tuluyang maglaho. Mahirap pakiramdaman ang mana core ng mga adventurer kapag buhay sila dahil sa iba-iba ang lokasyon ng mana core ng bawat tao at pwede nila itong itago, pero kung patay na ang pag-uusapan ay magiging madali ito dahil sa hindi nila matatakpan ng mana nila ang mana core para mas maitago pa ito. Ang mana core ay sobrang malambot at madaling mawasak kaya kailangan magdoble ingat upang hindi ito masira. Naglabas ng kutsilyo si Kaito ng mahanap niya na ang lokasyon ng mana core ng bangkay. Dahan-dahan niyang hiniwa ang tiyan nito ng parisukat. Nang matapos siya sa paghiwa ay tinanggal niya ang balat ng tiyan nito na nakaharang, pagtanggal niya ay napatalikod si Kaito at nasuka ng makita niya ang mga lamang loob nito. Pinapanood ni Zac si Kaito at nang makita niya rin ang lamang loob ay parang wala lang ito sa kaniya. Wala pa rin siyang emosyon. Isang maliit na kulay asul na diyamanteng kasing liit ng daliri ang makikita sa tabi ng mga lamang loob ng tiyan ng bangkay. Kinuha ito ni Zac at ng mahawakan niya ito ay parang hindi pa rin siya makapaniwala. "Malambot nga talaga ang mana core, kahit mukhang napakatibay nito ay kaya itong wasakin ng kahit na sanggol." "Kaito, subukan mo muna ang mana core na'to." Napatingin si Kaito at nang makita niya ang diyamante ay medyo napahanga siya. Maganda ang mana core at kahit kailan ay hindi niya pa nakita ang totoong anyo nito. Mahirap lang sila kaya hindi rin nila kayang bumili ng mga libro para sa mga ganitong impormasyon. Maingat na iniabot ng binata ang mana core kay Kaito. Nang mahawakan niya ito ay nagulat siya sa lambot nito, sobrang kaaya-aya ang hawakan ito at kahit sino ay mahihikayat na pisilin ito. "Kakainin ko ba talaga 'to?" Paniniguro niya sa binata. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang kainin ang ganito kagandang bagay. "Oo. Kung hahayaan mo lang 'yan ay mag-iiba rin naman ang anyo ng mana core. Mawawala rin ang gandang nakikita mo." Paliwanag niya sa binatilyo. Bakas sa mukha ni Kaito ang pagkadismaya ng malaman niyang mawawala rin ang kasalukuyang taglay nitong ganda. Kahit hindi siya mahilig sa mga magagandang gamit ay hindi niya mapigilang maakit at gustuhing gawin itong display. Tumango ang binatilyo at itinaas ang mana core. Binuksan niya ang kaniyang bibig at nilamon ito. Pagkalunok ni Kaito ay biglang bumigat ang katawan niya. Medyo dumilim din ang paligid at napahakbang siya ng kaunti para may mahanap na mahahawakan upang hindi siya mawalan ng balanse. Ika-apat na hakbang niya ay lalong bumigat ang katawan niya at lalo rin dumilim ang paligid. Hindi niya na makita ng maayos ang paligid, nasa harapan niya na ang lamesa pero bago siya makahawak dito ay tuluyan nang bumigay ang katawan niya. Bumagsak siya pahiga sa sahig. Habang padilim pa ng padilim ang paningin niya ay nakita niya sa gilid si Zac na nakatitig sa kaniya ng walang ka-emo-emosyon. Para bang nakatingin ito sa isang gamit na  pinag-eksperementuhan niya at naghihintay ng resulta. "Kung hindi gumana ay gagawin ko nalang ang lahat. Limang gintong barya lang naman ang nagastos ko sa kaniya." Umiiling na saad ni Zac habang nakatingin sa walang malay na si Kaito. Kung maging matagumpay ang eksperimento niya ay magiging malaking tulong 'to sa hinaharap, lalo na't magiging loyal pa ang binatilyo sa kaniya. Makalipas ang hindi malamang oras ay biglang gumalaw ang walang malay na si Kaito. Dahan-dahan siyang bumangon, pagkatayo niya ay biglang sumulpot sa tabi niya ang nakangiting si Zac. "Ha. Nakaligtas ka nga at mas lumakas ang aura mo." Tinignan ni Kaito ang mana core niya at lalo nga 'tong lumakas kumpara sa kanina. Napangiti ang binatilyo sa naging resulta, pero ng makita niya ang mga nasa paligid ay nanlumo siya. Ang kaninang karanasan niya ay ayaw niya nang mangyari ulit, para bang naranasan niya ang mamatay pero nabuhay lang siya ulit. Sa paligid niya ay may limang low at high level na goblin, pero ang mas kinalumo niya ay ang limang orc. Bawat orc ay maikukumpara sa isang rank 2 adventurer. Hindi matalino si Kaito pero hindi rin siya mangmang. Nakuha niya agad kung bakit nasa paligid ang mga halimaw, pero kung kakainin nga niya ang mana core ng limang Orc ay baka tuluyan na siyang mamatay dahil sa ang mana core nila ay maikukumpara sa mga rank 2. Kapag nagkataon ay maaaring mawasak ang mana core niya dahil dito. "Z-zac. Hindi ba pwedeng normal na paraan nalang ang gawin natin para mas lumakas ako?" Pagtutol niya sa plano ni Zac. Ngunit umiling lang si Zac at binigyan ng tingin ang limang low level goblin. Hindi nagsalita si Zac pero lumapit na ang mga goblin na para bang alam nila ang nais ng kanilang master kahit hindi 'to magsalita. Bawat isa sa mga goblin ay may mga kutsilyo na gawa sa kahoy, maingat nilang sinaksak ang parte ng tiyan nila at dinukot ang mga mana core. Bago mamatay ang mga goblin ay mabilis na kinuha ni Zac ang mga mana core nila. Ang mga mana core ng mga goblin ay mas maliit pa sa mana core ng mga tao. "Z-zac." "Kaito. Kapag nagreklamo kapa ay wala na akong magagawa. Pwedeng-pwede akong bumili ng bagong alipin." Mahinahong sabi ni Zac at kahit hindi ganoon kasama ang mga sinabi niya tulad ng pagbabanta ng iba ay nanlaki pa rin ang mga mata ni Kaito at nakaramdam siya ng matinding takot. Ngayon lang rin siya sinabihan ni Zac ng ganito. Ang totoo ay labis na nagustuhan ni Zac ang resulta ng eksperimento niya. Kung puro reklamo ang gagawin ni Kaito ay hindi magdadalawang isip si Zac na tapusin ito at bumili nalang ng bagong alipin na susunod ng walang pag-aalinlangan, kahit hindi rank 1 ang bilin niya at normal na tao lang ay mabilis rin itong lalakas dahil sa evil blood niya. Nakatingin si Kaito sa mga mata ni Zac. At alam niya sa mga tingin palang nito na siya ang tipo na hindi magdadalawang isip na tapusin siya kahit na alipin siya nito at magiging malaking tulong. Alam niya na hindi mabuting tao si Zac at gagamitin lang siya nito, pero hindi niya inakala na ita-trato siya nito na parang isang dagang pinag-e-eksperementuhan lang. Bumalik na sa dati ang ekspresyon ni Kaito na para bang handa na ulit ito sa pagkain ng mana core. Inabot ni Zac ang isa at nagsalita. "Subukan mong kainin ang isa muna." Ginawa ni Kaito ang sinabi ni Zac at nang kainin niya ito ay bumigat at dumilim ulit ang katawan niya. Bumagsak ang katawan niya at naramdaman niya sa pangatlong pagkakataon ang parang mamatay. Makalipas ang ilang minuto ay bumangon na ulit si Kaito. 'Mas mabilis na siyang nagkamalay.' Nagustuhan ni Zac ang resulta at inabot agad kay Kaito ang dalawang mana core. Labag sa kalooban niya pero kinuha pa rin ni Kaito ang dalawang mana core. Hindi niya alam pero tuwing iniisip niya na magtraydor o magrebelde kay Zac ay parang nasasaktan siya. Pakiramdam niya ay lalo siyang babagsak sa walang hanggang kawalan ng pag-asa 'pag gumawa siya ng hindi maganda kay Zac. Kinain niya ang dalawa at kagaya ng kanina ay bumigat at nandilim ang paningin niya. Pero ngayon ay doble ang epekto nito at mas lalo siyang nahirapan. Bumagsak ang katawan at ang mga mata niyang parang walang buhay ay nakatingin sa mga paa ni Zac. 'Siguro 'to nga talaga ang tadhana ko, ang mahirapan. Pero kung makakapaghiganti ako ay titiisin ko 'to.' Nawalan ng malay at ilang segundo palang ang nakalipas ay bumukas ulit ang mga mata niya at bumangon. Kada bangon niya ay mas lalo ring gumagaan at lumalakas ang katawan ni Kaito. Hindi na nagsalita ang dalawa at kinuha nalang ni Kaito ang natirang dalawang mana core ng low level na goblin at kinain ito. Pagkalunok niya ay ganoon pa rin ang resulta kagaya ng kanina. Bumigat ang katawan at dumilim ang paningin pero hindi na ganon kalala ngayon kumpara kanina. Nanginginig ang katawan ni Kaito habang nakatayo. Ibinaling niya sa paligid ang atensyon niya para lalong hindi mawalan ng malay. Makalipas ang tatlumpong segundo ay bumalik na sa dati ang paningin niya at nawala na rin ang bigat ng katawan niya habang nakatayo. "H-hindi ako nawalan ng malay?" Halos mapatalon sa tuwa ang binatilyo. Ininat-inat niya rin ang katawan niya at sinubukang gumalaw-galaw. Ang kaninang takot na naramdaman niya sa pagkain ng mana core ay naglaho na parang bula nang maramdaman niya sa katawan ang maganda nitong resulta. "Mas bumilis na ako at lumakas."  Tumatalon siya ng mataas at sumusuntok rin sa hangin. "Mas lalakas kapa kapag nagawa mong kainin ang mga mana core ng iba." At tumingin ito sa limang high level goblin at mga Orc. Masaya at energetikong tumango si Kaito bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Zac. Malayong-malayo ang reaksyon niya kanina kumpara noong una. Kagaya nang kanina ay lumapit kay Zac ang limang high level goblins. Sinaksak nila ang kanilang mga tiyan at maingat na dinukot ang kanilang mga mana core, bago mamatay ay nakuha na ni Zac ang mga 'to. Lumapit si Kaito kay Zac at kinuha ang isa sa mga mana core. Mas malaki ito ng kaunti kumpara sa mana core ng low level goblin kanina. Energetiko at ganado si Kaito dahil sa napakabilis na resulta. Ang kaninang mga kinain niyang mana core kanina ay maihahalintulad sa isang linggong normal na paraan ng pagpapalakas, ang pag-absorba ng mga mana sa halimaw. Ang normal na paraan ng pag-absorba ng mana ng mga halimaw ay awtomatiko rin. Kapag napatay ng adventurer ang halimaw ay kailangan lang na wasakin ang mana core nito, pagkawasak ay may kaunting mana nito ang awtomatikong ma-a-absorba ng katawan ng bawat adventurer. Ang resulta dapat ng isang linggong pagpatay ng mga halimaw at pagtaya niya ng buhay niya ay nakamit niya ngayon sa loob lamang ng ilang minuto dahil sa pagkain ng mana core. At ang pinaka dahilan kung bakit niya nagawa ito ay ang dugo ni Zac. Kapag nalaman ito ng malalaking faction ay siguradong magkakaroon ng malaking gulo sa Edo para pag-agawan si Zac. Gagamitan din nila ng dahas si Zac mapag-eksperementihuan ito. Kagaya ng kanina ay nakaramdam ng pagbigat sa katawan at pagdilim ng paningin si Kaito nang kainin niya ang Mana core ng high level goblin, pero kahit ganoon ay tiniis niya ito ng tiniis hanggang sa maubos niya na lahat kahit ang mana core ng mga Orc. Nang matapos niyang kainin ang huling mana core ng Orc ay tuluyan nang napuno ang mana core niya. Senyales na pwede niya na masubukang atakihin ang ikalawang nakakadenang mana core para ma-absorba ito. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD