3RD PERSON POV KINABUKASAN, malungkot at walang buhay na pumasok sa trabaho si Gino. Dumaan ang umaga hanggang tanghali ay ganun pa rin sya kaya hindi na napigilan ng kanyang mga kaibigang sina Mars at Jewel na itanong kung anong problema nya. Nandito sila ngayon sa Cafeteria at nagtatanghalian. Pasalamat na lamang si Gino dahil hindi sya kinukulit ni Sir Yuan sapagkat laging on the way si Jewel kaya hindi ito makalapit sa kanya. Alam kasi ni Sir Yuan nila na paglumapit ito kay Gino ay kukulitin at di na naman ito titigilan ni Jewel. Malaki kasi talaga ang pagkagusto at paghanga nito sa kanilang supervisor. Habang nakain ay natanong na sa kanya si Mars. "Bhes Gino, anong problema? masaya ka pa kahapon ng makita ko kayo ni Fafa Cain ah." "Whuatt? nakita mo na si Fafa Cain?" gulat na

