3RD PERSON POV NANG hapon ding iyon ay nakuha nya ang order na egg pie kay stella. Bumili sya ng dalawang box na dessert para sa kanila ni Cain. 'Sana magustuhan din ito ni Cain' masaya nyang isip-isip. Pero ng maalala nyang wala si Cain ay nanlumo ulit sya. Laglag ang kanyang balikat na naglalakad pauwi dala ang pasalubong. Pagdating sa apartment ay napansin nyang bukas ang ilaw sa kabilang bahay. 'Matagal ng walang nakatira dyan e, t-teka baka naman may multo sa loob' Hindi nya napigilang ma-pasign of the cross at mabilis na pumasok sa kanyang bahay dahil sa takot. Nang nakapasok ay medyo nawala ang takot nya dahil kay miggs na masiglang sumalubong sa kanyang pagdating. Ginawa na din nya ang dapat gawin pagkakarating sa bahay. Ngayon ay nagluluto na sya ng hapunan habang naglalaro

