3RD PERSON POV KINABUKASAN, napagdesisyonan na nila ang mga pupuntahan sa araw na ito at iyon ay sa twin lake shopping village, Picnic grove at sky ranch. Mas marami sila ngayon sapagkat naisipan din ng iba nilang trabaho na sumama dahil nalaman ng mga ito na kasama nila ni Sir Yuan. Ayaw daw ng mga ito na hayaang sila lamang ang makapagbonding kasama ang gwapong supervisor nila. Naisip din naman niya na the more the merrier kaya hindi na siya tumutol pa. Para sa first stop nila ay sa isang kilala at kakaibang shopping district dito sa tagaytay. Malaki at maluwag ang paligid. Napakarami din ng mga produkto dito na kakaiba at halatang native na gawa sa lugar na ito lamang. Habang nagtitingin-tingin sa paligid ay may naka-agaw ng kanyang atensyon. Mula sa di kalayuan ay may nakita siyan

