3RD PERSON POV HINDI napigilan ni Gino na di mapangiwi dahil sa sinabi nito. 'Walang duda, kaibigan nga ito ni Cain, baliw din eh' "H-Hind--" Sasagot na sana siya nang biglang makarinig ng tahol mula sa kabilang linya, napatawa naman siya dahil alam niyang kay Miggs iyon. Nagpasalamat at nagpaalam na siya sa lalaki nang makumperma niyang maayos naman ang alaga doon. Makalipas ang isang oras ay tumawag si Mars at sinabing magdidinner na daw sila kaya maghanda na. "Are you sure you want to bring me along with you, I'm fine to stay here." "Oo sasama ka sakin, kakain lang naman tayo dun tapos babalik na rin kaagad," pangungumbinsi pa niya dito habang hinahanap ang damit na ipapasuot niya dito. Nang mahanao ay sabik na ibinigay niya dito ang gray na polo shirt na binili kanina lamang.

