MB 3

2313 Words
"Miggs!! namiss mo ba ako boy?" masayang sigaw ko pa ng mabuksan ko ang pinto ng bahay at masigla namang sumalubong sakin si Miggs. Pumasok na ako sa loob ng bahay habang nakasunod lamang ito sakin, katulad ng lagi kong ginagawa pag uwi. Nagbibihis ako ng pangbahay na damit bago magluto ng hapunan. Nagtungo na ako sa maliit na kusina dito sa aking apartment para magluto ng aking hapunan. Naisipan kong magluto ng pancit canton at pritong itlog na lamang para sa aking ulam at nagsalang na rin ako ng bigas sa rice cooker. "Come here my stress reliever," natatawa ko pang sabi kay Miggs habang nakaupo ako silya at hinihintay na kumulo ang tubig para sa pancit canton. Masayang masaya naman itong lumapit sakin habang gumagalaw ng pabalik-balik ang buntot nito. Habang hinihaplos ko ang ulo nya at ang malambot nitong malahibo ay bigla kong naalala ang nangyari sa opisina. Dahil marami pang mga bagay ang gumugulo sa aking isipan ay nagawa kong tanggihan ang alok na dinner ni sir Yuan kanina. Hindi naman sa pag aassume dahil di naman ako sure kung date nga ba ang gusto ni sir pero pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin na kung ano. Kung siguro kaharap ko si Mars ngayon, sigurado akong nabatukan na nya ako dahil pagkakataon ko na ito para magkalovelife, pero nang ma-amoy ko ang pabango nya kanina. Bumalik sa saking isipan ang aking panaginip kung saan ay napadpad ako sa baywalk at may tumulong sa aking lalaki. 'Siya kaya ang lalaking yun?' Naguguluhang tanong ko pa sa aking isipan. Medyo malungkot ang mukha ni sir nung tinanggihan ko sya pero tinakpan na lamang nya iyon ng isang ngiti saka nagpaalam sakin, medyo nakaramdam ako ng guilt pero hindi ako confident para magkaroon ng relasyon sa ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako at nang mapansin na mainit na ang tubig ay nagsimula na akong magluto. ------------------------------- Kinabukasan, nagising ako na masaya dahil masarap ang naging tulog ko. Nakangiti akong bumangon, hindi lang mood ko ang maganda sa araw na ito pati na rin ang panahon. Nagtungo na ako sa banyo para maligo, may trabaho pa ako sa araw na ito kaya kailangan kong magsipag. Kahit sabihin na wala akong pamilya dahil maagang namatay ang aking mga magulang at napunta ako sa aking mga kamag anak ay pina-aral pa rin nila ako kahit medyo strikto sila. Pagkatapos makagraduate ng highschool sa tulong nila ay nagtrabaho na ako para mapa aral ang sarili ko sa kolehiyo. Masayang masaya ako dahil pagkatapos ng apat na taong paghihirap sa part time job at pag-aaral ng sabay ay sa wakas nagkahanap na ako ng maayos na trabaho sa isang kumpanya. Tinanggap nila ako kahit fresh graduate ako at wala pang experience, kahit mahirap ang araw araw na pagtatrabaho ay na nanatili pa rin akong masaya dahil doon ko na kilala ang isang taong tinuturing kong pamilya ngayon. Syempre si Mars iyon at pagkalipas din ng ilang taon ay nakaipon na ako para makabili ng maliit na apartment. Pagkaligo ay nagbihis na ako ng formal attaire ko at saka nagtungo sa kusina para magluto at kumain. Habang kumakain ako ay ganun din naman si Miggs sa ilalim ng mesa. "Arff arff!" "Bye din, Miggs," pagpapaalam ko pa sa kanya sabay sara ng pintuan ng bahay. Paglabas ko ng bahay at nang makapunta ako sa tabing kalsada ay sumakay ako ng taxi, makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa kumpanya. "Good morning," magiliw na bati ni Kuyang guard nang makapasok ako sa main door ng building, ngumiti naman ako at saka magalang na bumati pabalik sa kanila. Nagmamadali na rin akong nagtungo sa elevator ng masulyapan ko ang oras. 'Bwisit, late na ako.' Nang makarating ako sa tapat ng elevator ay napangiti ako ng tipid dahil kahit marami na itong laman ay kasya pa naman ako. Sasakay na sana ako ng biglang may brasong humarang sa dadaanan ko. "Sorry, Gino-the-loser, pero hindi ka na pwedeng sumakay," nakangisi turan ni Eldran habang tumatawa naman sa likod nito ang kakambal na si Elvin. Napaatras naman ako nang tiningnan nya ako ng masama bago sumara ang pinto ng elevator. 'Bwisit na Eldran, kala mo naman ang gwapo-gwapo nya,' nakasimangot na turan ko pa sa aking isip habang nakatayo sa labas ng elevator. Napailing na lang ako ng makita ang oras sa aking cellphone. "Late na talaga ako," bulong ko sa aking sarili at saka napatingin sa hagdan. 'Hayss maghahagdan ata ako ngayon, akala ko pa naman maganda ang magiging araw na ito' Pupunta na sana ko doon ng biglang may humatak sa braso ko pabalik. "Hoy! ano b--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong si sir Yuan pala ang taong iyon. "S-Sir saan po tayo pupunta?" nag aalangan na tanong ko pa dito pero hindi manlang ito lumingon at sumagot. Maya-maya pa ay napansin ko na palapit kami sa private elevator nya dito sa kumpanya. Pinindot nya ito para bumukas at nauna ng pumasok sa loob, naiwan naman ako sa labas na nakatulala. Nagising lang ako dahil sa kanyang sinabi. "Are you gonna stand there all day? gusto mo bang malate?" "A-Ah Hindi po sir, sasabay na nga po ako," ani ko sabay pasok sa elevator. 'Wow, Mabait ata si sir ngayon ah, bawal sumakay sa elevator na ito ang simpleng empleyadong tulad ko, pero isinabay pa rin nya ako para di ako malate.' Hindi naman nagsasalita si sir at tahimik lang na nakasandal sa gilid ng elevator habang nagce-cellphone. Ako naman ay pinagmamasdan lamang ang itsura nya gamit ang repleksyon nya sa makintab na pinto ng elevator. Ang tindig nito na matikas at kagalang-galang, ang maputing kulay ng kanyang balat at maitim at makintab nyang buhok ay talaga namang kahanga-hanga. Ang gwapo nitong mukha, na may makapal na kilay at medyo sinkitin na mga mata ang mga labi din nito ay mamula-mula na parang nag lip gloss. May lahing Korean si sir Yuan kaya naman para syang artista ng mga sikat na K-Drama. 'Siguradong maswerte ang magiging asawa nya.' Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumingin pabalik sakin mula sa kanyang repleksyon. "Are you done checking me out?" nakangisi nitong tanong at nang tumunog na ang elevator ay nauna na syang lumabas. Naiwan naman akong nakanga-nga at namumula ang pisngi. 'Bwisit, alam nyang tinitingnan ko sya,' nahihiyang saad ko sa aking sarili. Napailing na lamang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa aming working station. "Good morning, Mars," nanghihina ko bati dito nang makita ko itong umiinom ng kape habang nakaupo sa table nya. "Good morning din bhes Gino," masigla sagot nito pagkatapos ibaba ang iniinom na kape. Tumango naman ako at umupo na din para makapagsimula ng mga bagong gawain para sa araw na ito. Maya-maya pa ay napansin ko na silip ng silip si Mars sakin kaya napalingon ako sa kanya bago magsalita. "Kung may sasabihin ka Mars ay sabihin mo na." "Hehe, may chika kasi ako sayo," anito sabay lapit ng kaunti sa akin. "Ang aga naman ng chika mo, ano ba yun?" "Hindi na ito bago pero may sabi-sabi na may nagugustuhan daw si Sir Yuan dito sa kumpanya," kinikilig na saad nito sakin kaya binigyan ko sya ng bored look bago sumagot. "Ano naman kung meron nga?" "Guess what? feeling ikaw yun," nakangising bulong nito sakin habang pinipigilan na tumili. "Anong ako?" "Ikaw, yung gusto ni si--" anito kaya mabilis kong tinakpan ang bibig nya bago pa makasigaw. "Shhh wag ka ngang maingay baka may makarinig pa sayo" Napatango naman ito kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig nya. "Wala namang masama kung ikaw nga, bagay kayong dalawa yieee," makulit na sabi nito habang sinusundot ang tagiliran ko. 'Ewan ko, pero bakit nya ako gustong yayain mag d--' "Ano!?" Mabilis akong napatingin kay Mars dahil sa biglaang pagsigaw nito, napatayo pa sya kaya nakuha nya ang attensyon pati ng ibang empleyado dito. "Ano bang nangyayari sayo Mars?" Napagtanto naman nya ang ginawa kaya mabilis na napaupo ito at kahit tan ang kulay ng balat nya ay pansin parin ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa hiya. "Hihi ikaw kasi, anong sabi mo kanina, niyaya ka nyang magdate??" "Huh? anong sinasab-- teka, mind reader ka ba? paano mo nalaman ang iniisip ko?" "Hindi mo lang naman kasi iniisip yun, ibinubulong mo din kaya nga narinig ko" Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nya, lumapit ito sakin lalo at ngumisi ng nakakatakot. "Bhes Gino, baka naman gusto mong ishare sakin kung anong nangyari," bulong nito sakin kaya itinulak ko palayo ang mukha nito. "Walang nangyari, Mars" ani ko pero halatang hindi ito naniniwala. 'Bwisit, wala talagang balak tumigil ang Marcel na to' "Tss, sige na nga" Nagliwanag ang mga mata nito dahil sa sinabi ko at masayang napa"YES!" pa. "Sige chika mo na sakin bhes,"excited na saad nito pero umiling ako sa kanya. "Hindi ngayon, mamaya paglunch na." Napasimangot ito dahil sa aking sagot. Napangiti naman ako ng tipid at bumalik na sa aking ginagawa. Akala ko ay matatahimik na ang aking buhay at makakapagfocus na ako sa aking trabaho ng bigla namang lumapit sakin si Donna secretary ni Sir Yuan. "Pinapatawag ka ni Sir," anito sabay tumalikod sa akin. Hindi ko alam agad ang gagawin dahil sa pagkabigla kaya di agad ako nakagalaw. 'Ano kayang kailangan ni Sir?' "Ayiee ano pang hinihintay mo, Go bhes," mapang asar na sabi ni Mars kaya inirapan ko ito. Tumayo na ako at sumunod kay Donna papunta sa office ni sir. Kumatok si Miss secretary at rinig ko na nagbigay na ng permiso si sir para kami makapasok. "Sir, bakit nyo po ako pinatawag?" saad ko habang makatayo sa harap ng table nya. Nakayuko ito at busy sa binabasa nya. Nang marinig nya ang boses ko ay napatigil sya sa ginagawa at tumingin sa akin. "I decided that you are going to be our company's representative for the next meeting with the Z Corporation," poker face na sabi pa nito, ako naman ay napatulala na lang sa kanya. "W-What? but Si--" "No buts, just prepare your self because the meeting will be held a week from now" Napatango na lamang ako dahil alam ko naman na wala akong magagawa kundi sumunod. "Now, leave." anito at bumalik na ulit sa pagbabasa nya. Nagpasalamat naman ako at nagtungo na palabas ng opisina. Napabuntong hininga pa ako habang naglalakad pabalik sa aking table. "Anong nangyari bhes, magde-date na daw ba kayo ulit?" excited na tanong pa ni Mars sakin kaya napatingin pa ang mga katabi namin dito. 'Daldal talaga ng isang to.' "Gaga hindi, bad news nga eh." saad ko sabay upo sa harap ng mesa ko. "Ehh, ganun ba." Napansin siguro nya na bad mood ako kaya di na nangulit pa. Dahil sa nangyari ay nagawa ko ng mas mabilis ang aking mga gawain, nang makatayo ako napainat ako ng aking braso at kamay, nangalay kasi ito dahil sa matagal na pagtatype sa computer. Nang mailibot ko ang aking paningin sa paligid ay napansin ko na nag aalisan na rin sila para maglunch. 'So, on time lang pala ako nakatapos' "Bhes, tapos ka na?" anito kaya nakangisi akong sumagot sa kanya. "Oo naman at nauna ako sayo ngayon haha." habang nakapamaywang. Napanguso naman ito at isinave muna lahat ng ginagawa nya para mabalikan at maituloy mamaya pagkatapos naming kumain. Dala ko na ang paperbag ko habang naglalakad kami ni Mars patungo sa Cafeteria. Nang makapasok kami dito ay ramdam ko na agad ang mga mapanghusgang tingin ng ibang empleyado sa akin, at sa tingin ko din na parang mas malala ata ngayon dahil mukhang pinag uusapan na din nila ako. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagtungo na sa dati naming table. Habang abala ako sa pag aayos ng aking pagkain ay hindi nawawala ang mga tingin ng karamihan dito. 'Para silang mga bata na pagtingin sayo ay biglang babaling sa katabi para bumulong, hayss mga chismosa talaga.' Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Mars sa aming table. "Buti na lang dahil maikli ang pila, go ichika mo na sakin bhes," excited na saad nito nang nakaupo sya sa aking tapat. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon ng mag-overtime ako, at ang pag-aaya ni sir sakin. "Aray!!! bakit ka ba nangbabatok?" "Bakit mo tinanggihan?" stress na sagot naman nito sabay tingin sakin at tiningnan pa ako ng masama. 'Mukhang tama nga ang iniisip ko, babatukan nga nya ako', isip-isip ko habang napapakamot sa ulo. "Eh hindi ko alam ang gagawin ko Mars, PAANO kung tunay yung sinabi mo kanina na ako ang gusto ni sir eh wala naman akong experience sa pagrerelasyon, NBSB ako," pabulong na saad ko kaya napahawak naman sya sa baba nya habang nag-iisip. "Hmm, experience huh?" "Kung experience lang naman , bakit kaya hindi ka maghi--" "Callboy na naman at one night stand?" "Oh alam mo na pala eh, di wala ka ng problema," nakangisi pang turan nito kaya napahampas na lang ako ng dalawang kamay sa aking mukha. "Mars, hindi lang naman experience sa kama ang tinutukoy ko, yung tunay na karanasan sa pagkakaroon ng relasyon at saka, T-Teka--- bakit ko nga ba ito iniisip agad eh hindi naman ako tayo sure na ako ng ang gusto nya" "Ano ka ba, believe me ikaw ang gusto nun," confident na sagot nito kaya napailing na lamang ako. 'Wala nang pag asa ang kaibigan ko, kinain na sya ng pagiging fangirl nya.' habang sinisimulan na ang pagkain. Bigla namang may lumapit sa table namin kaya napatingin kami dito. Lalo namang napataas ang kilay ni Mars ng magsalita na ito. "At sino naman ang magkakagusto sa Boring na yan? baka gusto nyo namang i-share sakin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD