MB 2

1913 Words
Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo at katawan, nababasa din ang mukha ko dahil sa paglapat ng dila ni Miggs sa aking mukha. Bumangon naman ako ng dahan- dahan habang tinitingnan ang paligid. "Nandito ako sa kwarto ko?" bulong ko pa sa aking sarili habang nakatingin sa paligid at kay Miggs na masayang nakatingin sakin. 'Ibigsabihin ay panaginip lang ang lahat, hindi ako nagpunta sa baywalk at walang lalaki na tumulong sakin?' habang nagpapasya nang tumayo at magpunta sa banyo para makapaghilamos ng mukha. Dahil masama ang naging pakiramdam ko dahil sa hangover ay hindi ako nakapasok sa opisina. Kahit masakit ang aking ulo ay hindi mawala sa aking isipan ang naging panaginip ko, kung panaginip nga ba iyon? Pero imposible naman kasi talagang maging totoo ang bagay na iyon dahil paano nya ako maiibalik sa bahay ko kung hindi naman nya alam ito. Ang amoy at boses nya ay malinaw sa aking isipan kaya gustong maniwala na totoo ang lahat. "Ano bhes, tulala ka na lang dyan?" nagising ako sa malalim na pagbabalik tanaw ko sa aking alala dahil sa sinabi ni Mars. "A-Ah wala, may naalala lang ako," saad ko sa kanya at pilit na nagfocus para magawa ko na ng maayos ang aking report, kailangan ko pa itong ipasa mamaya. Lumipas ang mga oras ng kay bilis habang abala ako sa pag eedit ng report ko, napansin ko na lamang na lunch break na ng yayain ako ni Mars na kumain na. "Bhes, halika na lunch na tayo, gutom na ako," sabi pa nito kaya tumango ako at kinuha ang paperbag sa ilalim ng table ko na may laman na pagkain. "Bhes Gino, bibili lang ako," turan pa ni Mars nang makarating kami sa cafeteria at pumila na ito para bumili. "Sige," tipid na sagot ko naman sa kanya at nagpasya na lamang na maghanap ng table. Sa gilid na parte ng cafeteria ako nakahanap ng bakanteng table kaya mabilis na umupo agad ako at habang hinihintay si Mars ay minabuti ko nang iayos ang pagkain ko palabas sa paperbag. Pagkatapos ilabas lahat ng baon kong pagkain ay napatingin ako sa paligid ko para hanapin si Mars pero mukhang nakapila pa rin sya hanggang ngayon. Sa pagmamasid ko sa paligid ay nahagid ng aking peripheral vision ang kambal na sina Eldran at Elvin na nakaupo sa malapit na table kung saan ako nakaupo. Ang lalakas ng boses nila na kung magkwentuhan, parang walang ibang tao na nakakarinig sa kanila. 'Hm, hindi ko din naman sila masisisi dahil asset nila sa pagtatrabajo ang boses, nasa sales department kasi sila.' habang patuloy na nakayuko, baka kasi mapansin nila ako. Trouble ang dalawang yan kaya hindi ko sila pinapansin. Mga bully sila at mahilig nilang pagtripan ang mga newbie ng kumpanya pero pansin ko lang na ang tagal ko na din dito sa kumpanya pero hindi pa rin sila nagsasawang pagtripan ako. Maya-maya pa ay narinig ko ang pag uusap nila. "Uyy Marcy!! halika, dito kana sa table namin maglunch" Rinig ko pa ang matinis na boses ni Elvin na tinatawag ang pangalan ni Mars. "Eh? Sorry guys kasabay ko kasi si Gino" Sagot naman ni Mars sa mga ito, dahil nacurious ako kung anong nangyayari ay sumusulyap ako sa kanila. Base sa nakita ko ay hindi nagustuhan ng kambal ang sagot ni Mars dahil mas pinila nya ako kesa sa kanila. "Ha!? yung loser na yun na naman, ano ka ba, just ditch him already mas bagay na kasama ka namin kesa sa introvert na yun" Mayabang na turan pa ni Eldran kay Mars at nagbigay naman ng tunog ng pag sang ayon ang lahat ng kasama nila sa table pero napailing lamang si Mars sa mga ito. "Sorry talaga guys, baka next time na lang," sagot naman ni Mars sa mga ito at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa aking dereksyon kaya napasunod din ang paningin nila at nakita ko pa ang masamang tingin ng kambal sa akin ng magkasalubong ang mga mata namin. Halos kilabutan pa ako ng gamitin ni Eldran ang kamay nya para mag-sign na patay daw ako sa kanila. Dahil sa takot ay yuyuko na sana muli ako kundi lang bigla namang dating ni Mars sa table namin. "Hayss sorry Bhes Gino, ang haba ng pila," turan pa nito sabay lapag ng tray na kanyang hawak at umupo sa aking tapat. "Alam kong rinig mo ang sinabi nila, wag mo na lang pansinin ha, walang magawang maayos ang mga iyon." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. "Oo naman Mars, ilang taon na rin ba silang binabalewala," natatawa ko pang sagot kaya napangiti ito sakin. "Cute mo talaga bhes, tulungan kita sa report mo mamaya," nangi-gigil pang sabi nito sabay pisil sa aking pisngi. Mabait talaga si Mars, buti na lang dahil nakilala ko sya dahil kung hindi siguro ay mag isa ako sa lahat ng bagay. Nakilala ko lamang si Mars ng magtrabaho ako dito sa kumpanya, sya ang pinaka unang bumati sakin nung first day of work ko dito at mula noon ay naging magkaibigan na kami. Hindi naghihirap ang pamilyang pinanggalingan ni Marcel Tiangco, may mga negosyo ang mga magulang nya pero dahil ayaw nyang maging tagapagmana nito ay mas pinili na lang nyang magtrabaho sa isang kumpanya. 'Naiinggit ako dahil lahat ng meron si Mars ay ang mga bagay na wala naman ako. Masaya at buong pamilya, pera at kayamanan pati na rin ang gwapo at mabait na kasintahan.' Napabuntong hininga naman ako dahil sa mga iniisip ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko ang mga bagay na iyon para pa sa nag iisa kong kaibigan. Napailing na lang ako para maalis ang bagay na yun sa utak ko. "Okay ka lang bhes?" tanong pa nito sakin kaya napatango ako at ipinagpatuloy ang pagkain, ganun din naman ang ginawa nya at nagkukwentuhan din kami tungkol sa iba't ibang bagay. Natapos ang lunch break at bumalik na ulit kami sa aming mga table, tinulungan ako ni Mars sa report ko kaya natapos ko ito bago kami mag out ng araw na ito. Tok!!! Tok!! "Come in!" sabi pa ng boses mula sa loob ng opisina ni sir Yuan kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. "What is it, Mr. Dimapilit?" inis na tanong pa nito ng makalapit ako sa kanya. "A-Ah ipapasa ko lang po ulit ang aking report sir," sagot ko naman sabay patong ng folder sa table nya. Poker face lang naman ito na nakatingin sakin habang nagsasalita ako, at nang maibigay ko na ang folder ay nabaling dun ang kanyang attensyon. "Okay, now leave!" Biglang sabi pa nito sakin kaya halos mapatalon ako sa gulat at saka mabilis na naglakad palabas ng opisina. "Ano bhes, mukha kang aatakihin sa puso ah," sabi pa naman ni Mars sakin nang makabalik ako sa aking table kung saan ay katabi lang ang kanya. Nakahawak kasi ako sa dibdib ko dahil sa lakas pa rin ng kabog nito dahil sa malakas na pagsigaw ni sir. "Napagalitan ka na naman ba?" "H-Hindi naman Mars, nabigla lang ako sa pagsigaw nya," sagot ko naman habang napapakamot sa ulo. "Ganun ba, ibigsabihin ba nyan ay pasado na ang report mo?" "Hindi ko alam, baka nga ibalik na naman bukas eh," nag alala ko pang sabi kaya itinulak nya ang upuan palapit sakin at hinawakan ang kamay ko habang nakangiti. "Think positive lang bhes," turan pa nito at napangiti na lang din ako sa kanya. Pansin ko din na nag aayos na ang karamihan ng mga katrabaho namin ng mga gamit nila. '5:30 pm na pala, mag oout na sila pero ako mukhang mag oover time dahil naipon na ang iba ko pang dapat gawin dahil sa pag gagawa ng report na yun' "Bhes, tayo na," saad ni Mars ng makatayo na ito at hawak na ang maganda nyang handbag. "Mag oovertime ako Mars, mauna ka na" "Sure ka ba?" nag aalala pang sabi nito kaya nginitian ko na lang sya bago magsalita. "Oo naman, atsaka baka hinihintay ka ng loveydabs mo sa baba kaya shoo ka na," natatawa ko pang pagtataboy ko dito. "Kung maka-shoo ka, para akong yung alaga mong aso ah. Haha sige na nga, bye bhes mag ingat ka," pagpapaalam pa nito sabay kaway sakin habang naglalakad na sya papunta sa elevator. Napabuntong hininga naman ako ng mapansin na wala na akong kasama dito, medyo madilim na din ang labas. Hindi na ako natatakot dahil hindi naman ito ang pinaka unang beses na ng overtime ako. 'Buti na lamang dahil, iniwanan ko ng maraming pagkain si Miggs bago ako umalis kanina, hindi na sya magugutom kahit mamaya pa ako makauwi' Makalipas ang isang oras nag pagtatrabaho ay may napansin ko. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko ay kakaiba ang gabing ito. Nagtatayuan ang mga balahibo sa aking braso at batok dahil sa kabang nararamdaman. Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin sa paligid pero wala naman akong nakita. Babalik na sana ulit ako sa aking ginagawa ng biglang may malamig na kamay na humawak sa aking balikat. "AHHHHHHH!!!" sigaw ko pa habang nagtatatakbo dahil sa sobrang takot. 'Goodness!!! tunay nga ata ang mga kwento tungkol sa mga multo dito sa office!' takot na sabi ko pa sa aking sarili. Hindi ko na nagawang lumingon, wala na rin akong ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng aking puso, tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapatigil ako dahil may humigit sakin pabalik at mabilis akong niyakap para di ako makapanlaban. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakayakap nya, at nang lumapat ang mukha ko sa kanyang dibdib ay napatigil ako sa pagpupumiglas dahil pamilyar sakin ang pabango nya. 'Na-amoy ko na iyon dati pero di ko maalala kung kelan,' naguguluhan na sabi ko pa sa aking sarili. Dahil sa pagkalma ko ay unti-unti ko ng nakinig ang sinasabi ng taong nakayakap sakin. "Calm down okay, its just me." Napatingin naman ako sa kanya at namula ang mukha ko dahil sa hiya ng mapagtanto na si Sir pala ang multo… este ang lalaking nakayakap sakin. "S-Sorry po sir" "Its alright, Okay ka lang ba?" tanong pa nito habang sinusuklay palikod ang bangs nya gamit ang mga daliri. 'Goodness, ang gwapo nya sa part na yun' Gusto kong sampalin ang aking pisngi dahil sa kalandian ko kaso baka lalong isipin ni sir na weirdo ako. "O-Okay lang po sir, kala ko po multo kayo," nahihiyang sagot ko pa dito. Napangiti lang naman ito sakin kaya di ko napigilan na mapanganga sa gulat. 'Wow, first time kong nakitang ngumiti si sir' "A-Ah ano pa pong ginagawa nyo dito sir, akala ko naka uwi na kayo," ani ko pa para wala sa isip nya ang pagtitig ko sa gwapo nyang mukha. "I just going to ask you the same thing," sagot naman nito habang naglalakad na kami pabalik. "Ah nag oovertime po," tanging sagot ko naman sa kanya, napatango ito at sinabing parehas kami ng dahilan. "Nakapag dinner ka na ba?" tanong pa nito ng malapit na kami sa aking table. "Hindi pa po." "Ako din, gusto mo bang sumama sakin magdinner sa labas?" cool na pag aaya nito pero ramdam ko ang kaba nya. 'Di ba nag aaya lang naman syang sabay na kumain, bakit sya kinakabahan?' tanong ko pa sa aking isipan habang nakatingin sa pinagpapawisan nyang noo. 'T-Teka, hindi kaya... nope...Imposible na inaalok nya ako ng date'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD