3RD PERSON POV "Ginobabes, you should sleep." "Ayoko, gusto ko makita ang mga ulap pagnaandar na tong jet mo," makulit na saad naman niya kay Cain. "It's up to you, pero baka mamaya ay sumama ang pakiramdam mo. Masakit sa ulo ang jetlag," paalala pa nito. Napanguso na lamang siya dahil tunay ang pahayag nito at dahil ayaw niyang sumama ang pakiramdam at ma-enjoy ang florida ay unti-unting ipinikit na niya ang mga mata. Bago makatulog ay naalala pa niya ang mga pangyayari ilang araw na ang nakakaraan. . . MATAPOS ang date nila sa buffet dalawang araw na ang nakakalipas ay sinulit niya ang mga panahon na wala sa trabaho si Cain. Masaya na si Gino sapagkat kasama na niya ito mula umaga hanggang gabi. Medyo kontrolado na rin niya ang emosyon dahil ayaw na niyang maging pasaway at lagi

