3RD PERSON POV LUMIPAS ang mga araw matapos ang masaya nilang pagbabakasyon sa ibang bansa. Tanda pa niya ang saya nang maka attend siya sa Supercon na ginanap sa florida ganun din ang naging byahe nila sa Russia at ang pagbisita sa Sinclair palace. Nang makita niya ang lugar na iyon ay saka lamang niya napagtanto ang katunayan na hindi basta basta ang lalaking pinamahal niya. Ngayon ay balik na sa normal ang buhay nila sa penthouse. Tahimik at mapayapa. Balik na muli sa abalang trabaho si Cain habang siya naman ay nakahanap ng bagong mapagkakaabalahan. Bukod sa pakikipag chikahan kayna Mars at Jewel at ang araw-araw na pag exercise nila dito sa bahay. Sabi ng doctor, kailangan daw ng proper exercise at stretching. Dahil doon ay naisipan niya kasama sina Gary at Josh na maglagay ng

