3RD PERSON POV NAWALA ang ngiti sa labi ni Cain matapos marinig ang mga katagang iyon mula kay Gino. Napayuko na siya sa lungkot at pagkadismaya akala niya ay sapat na ang lahat ng kanyang ginawa pero mukhang kulang pa rin. Tatalikod na sana siya paalis ng marinig muli ang boses ni Gino. "---kaya, Oo tinatanggap na kita Cain. Iniwan mo man kami noon, alam ko namang may rason sa ginawa mong iyon." Nanlaki ang kanyang mata sa gulat at mabilis na napatingin kay Gino. "T-Tinanggap mo na ako Ginobabes?" masaya at hindi makapaniwalang tanong niya dito. "Oo naman, sorry din dahil hindi agad kita binigyan ng pagkakataon na magpaliwan--" Halos hindi na pumapasok sa kanyang tenga ang mga sinasabi nito ay bagay na tumatakbo sa kanyang isipan ay kung gaano siya kasaya ngayon. "YES!!! WOAHH

