Rafael
Hindi ako naging captain dahil gusto ko.
Naging captain ako dahil may isang hindi marunong tumigil.
At lahat sila alam kung sino ‘yon.
Practice day.
Mainit ang court. Mabigat ang hangin. Amoy pawis at kahoy. Rinig yung sneakers na kumikiskis sa sahig, yung bola na tumatama sa ring, yung sigaw ni Coach na parang laging galit kahit hindi naman.
Normal na araw.
Hanggang sa pumasok si Marco na may kakaibang ngisi.
Yung ngising may alam.
“Pre,” bulong nung isa habang nag s-stretch kami sa gilid, “kinausap niya si Serena kanina sa cafeteria.”
Hindi ako tumingin.
Inaayos ko lang wrist tape ko. Mahigpit. Isa isa.
“Diretso daw,” dagdag pa nung isa. “Hatid sundo agad.”
May sumipol.
“Varsity captain eh. Easy mode,” sabi nung isa.
Si Marco? Hindi nag deny.
Ngumisi pa lalo habang pinupunasan ang pawis sa leeg niya.
“Madali lang yan,” sabi niya. “Hindi naman siya mahirap kausap.”
Madali?
Hindi pa rin ako nagsasalita.
Nagpatuloy ang practice pero ramdam ko yung yabang niya sa bawat galaw. Mas malakas tumawa. Mas maingay magsalita.
Locker room pagkatapos.
Basang tiles. Amoy pawis at sabon. May nagbukas ng shower. May sumipa ng sapatos sa ilalim ng bench. May naka towel na nagkukwento.
Typical.
Hanggang sa nagsimula ang usapan.
“Pre seryoso,” sabi nung isa habang naghuhubad ng jersey, “iba na si Serena ngayon.”
“Glow up malala.”
“Dati parang tropa lang ng kapitbahay, ngayon parang pang viva max na,” sabat nung isa.
Malakas ang kanilang mga tawanan.
“Grabe yung katawan,” dagdag pa nung isa. “Kung mag shorts yun sa court naku baka hindi na ako makakafocus.”
“Pre baka magka foul ka sa sarili mo,” hirit nung isa.
Mas malakas ang tawanan.
Nakaupo si Marco sa gitna. Nakasandal sa locker. Hawak ang tuwalya. Parang hari.
“Hindi naman siya complicated,” sabi niya. “Konting effort lang.”
“Anong effort?” tanong nung isa.
“Hatid. Coffee. Konting lambing.” Ngumisi siya. “Pag comfortable na, alam niyo na.”
May sumipol. May pumalakpak.
“Pre dahan dahan lang,” biro nung isa. “Baka ma fall ka.”
“Mas mauna siyang ma fall,” sagot ni Marco. “Mukhang hindi naman siya marunong tumanggi.”
May tumawa.
May biglang tumahimik.
May boses sa gilid.
“Pre, ingat ka kay Aragon.”
Sandaling katahimikan.
Tapos tumawa si Marco.
“Anong Aragon? Ex best friend lang yun. Hindi naman siya boyfriend.”
May ilang tumingin sa’kin.
Hindi ko sila binalikan.
“Tsaka college na kami,” dagdag niya. “Ano ba akala niyo, bawal hawakan?”
Talagang bawal.
Tumayo ako.
Hindi mabilis.
Hindi dramatic.
Tumayo lang ako.
Tumigil ang tawanan.
Lumakad ako papunta sa kanya.
Rinig yung tsinelas na kumakaladkad. May locker na hindi naituloy isara.
Magkaharap kami.
Malapit.
“Anong sabi mo?” tanong ko.
Hindi malakas.
Ngumisi siya pero may konting kaba na sa mata.
“Relax ka lang, Raf.”
“Ulitin mo.”
Tumayo siya para pantay kami.
“Sinabi ko lang na manliligaw ako. May problema ba?”
“Ganun ka manligaw?”
“Ano bang pake mo? Pagmamay ari mo ba?”
May napalunok sa likod namin.
Hinablot ko siya sa harap ng jersey niya.
Diretso sa dibdib ng tela.
Mahigpit.
Narinig ko yung stretch ng fabric habang hinihila ko siya palapit.
Napayuko siya.
“Bitaw,” sabi niya sabay tulak sa braso ko.
Hindi sapat.
Tinulak ko siya sa balikat.
Malakas.
Tumama likod niya sa locker.
Clang.
Umalingawngaw sa locker room.
May napasigaw ng “Pre!”
Lumapit pa ako.
Hinawakan ko strap ng jersey niya sa balikat at hinila pababa para mawalan siya ng balance.
“Hindi niyo siya pag uusapan,” sabi ko. “Lalo na hindi ganyan.”
“Baliw ka ba?” sagot niya sabay tulak sa dibdib ko.
Sumugod siya.
Doon ako sumuntok.
Isang diretso sa gilid ng mukha niya.
Walang warning.
Tumama.
Ramdam ko hanggang buto ng kamao ko.
Napaatras siya. Nadapa sa bench. May nahulog na tumbler. May tumilapon na tsinelas.
Tumayo siya agad, galit.
Sumugod ulit.
Hinawakan ko braso niya, inikot palabas, sabay tulak ulit sa locker.
Mas malakas ngayon.
Umingit yung bakal.
Hinawakan ko batok niya.
Mahigpit.
“Hindi mo siya hahawakan,” sabi ko.
Humihingal siya. May dugo sa gilid ng labi niya.
“Manliligaw lang ako!”
“Hindi mo siya liligawan.”
Hinampas ko siya ulit sa locker. Hindi sobra. Pero sapat.
Tahimik ang buong team.
May isa na naka towel pa sa balikat, hindi makagalaw.
May isa na literal napaupo.
Walang pumapagitna.
Hindi dahil ayaw nila.
Kundi dahil alam nila.
“Captain ka,” sabi ko. “Umayos ka.”
Binitawan ko siya.
Bumagsak siya sa bench.
Ako ang unang lumayo.
Habang naglalakad ako palabas, kusa silang tumabi.
Kinabukasan.
Meeting.
Official reason?
Conduct unbecoming of a team leader.
Natanggal si Marco bilang captain.
Suspended.
Walang nag argue.
Pagkatapos ng meeting, tinawag ako ni Coach.
“Aragon.”
“Yes, sir.”
“You’re captain now.”
Ganun lang.
Practice ulit makalipas ilang araw.
After drills, usual tambay sa locker room.
Pero iba na ang tono.
Mas mababa ang boses.
“Pre… nakita mo si Serena kanina?” tanong nung isa.
May ilang tumingin agad sa’kin.
Automatic.
“Ang ganda niya no,” dagdag nung isa.
Walang sumipol.
May bagong pasok sa team na hindi pa sanay.
“Captain, grabe legs, ang puti, ang kini-”
Hindi niya natapos.
Tumingin lang ako.
Diretso.
Tahimik.
Napautal siya.
“Ah… sorry.”
May kumalabit sa kanya. “Tanga.”
Tumayo ako. Kinuha ko towel ko.
Habang naglalakad ako palabas, kusa silang nag adjust ng pwesto.
May space na nabubuo sa daan ko.
Huminto ako saglit sa may pinto.
Hindi ko sila nilingon.
Sabi ko lang, kalmado.
“Focus kayo sa laro.”
Tahimik.
Inayos ko yung towel sa balikat ko.
“Yung bola lang ang puwedeng hawakan.”
Dead silence.
Walang tumawa.
At simula nun, wala nang nag attempt maging bida.
Hindi dahil sinabi ko.
Kundi dahil nakita nila.
At sapat na yun.