1. Nawawalang Manliligaw

1141 Words
Serena Hindi Na Ako Yung Dati Hindi ko naman plano mag glow up. Hindi ako gumising isang araw na may background music tapos biglang slow motion ang lakad ko. Actually, nagsimula lang ‘to sa inis. Inis sa sarili ko. Kasi kung iisipin, matagal na akong nagtatago. Dati, boyish talaga ako pumorma. Oversized shirt na parang ayaw kong may makakita ng shape ko. Loose jeans. Rubber shoes kahit hindi bagay. Laging naka ponytail kasi tamad mag ayos ng buhok. Hindi naman ako panget. Pero safe lang ako. Neutral. Yung tipong hindi mapapansin sa hallway. At sa maliit na bayan na tulad ng Villa Esperanza, pag hindi ka napapansin, mas madali ang buhay. Walang issue. Walang chismis. Walang expectation. Lumaki pa akong magkatabi ang bahay namin ng mga Aragon. So imagine mo na lang. Kilala ka na ng lahat. Walang mystery sa’yo. Hanggang sa nag college. Hindi dramatic ang pagbabago ko. Unti unti lang. Nagsimula sa simpleng realization na may katawan pala ako. Hindi ko pala kailangan itago sa sobrang luwag na damit. Natuto akong pumili ng blouse na fit sa waist ko. High waisted jeans na bumabagay sa balakang ko. Konting effort sa buhok. Konting kilay. Konting lip tint. Hindi makapal. Hindi OA. Pero sapat para magmukhang intentional. Pagbalik ko ng campus after sembreak, doon ko na naramdaman. Iba. Hindi ko pa nakikita, pero ramdam ko na may tumitingin. Hindi yung casual glance. Yung tumitigil talaga. “Serena.” Hinila ako ni Mia bago kami makapasok sa main building. “Ha, wait lang naman kung makahila ka!” reklamo ko. “Ano nga kasing ginawa mo sa sembreak? Umamin ka nga, nagparetoke ka ba?” “Wala nga! Alam mo nakakasakit ka na ah. Parang sinabi mo na rin na ang panget ko dati.” Sagot ko, medyo nagtatampo ang tono. Pero mukhang wala naman siyang pake. She stepped back at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Wala? As in wala talaga?” Tignan mo ‘to, ayaw pang maniwala. “Ano ka ba, Mia? Nagbago lang ako ng pananamit. Yun lang ang ginawa ko, okay?” “Exactly! Dati kang naka oversized shirt na may cartoon print tapos ngayon ganyan ka na?” “Ganyan na ano?” tanong ko habang umiinit na ang ulo ko. Kung makasita kasi siya, daig pa niya ang Guidance Counselor. Bigla siyang lumapit at binaba ang boses niya. “Sana all sexy. Maboobs. Mabalakang. Ang daming naglalaway oh. Grabe, nakakainggit. Ang sexy mo na, ang ganda mo pa. Grabeng glow up yan girl. Gusto ko rin ng ganyan, turuan mo ko.” Natigilan ako saglit. Akala ko talaga may side comment siya na negative. Yun pala impressed lang. Napahalakhak ako. “Hindi ako nagbibiro. Tingnan mo sila.” Aniya sabay turo sa grupo ng mga lalaki na nakatingin sa direksyon namin. Lumingon ako. May isang muntik pang mabitawan yung tumbler na iniinuman niya. “OA ka,” sabi ko pero ramdam ko yung init sa pisngi ko. “Hindi ako OA. Glow up ka talaga. From boyish kapitbahay to campus crush.” “Hindi naman siguro?" Pa-humble kong sabi. “Pero ramdam mo na ang daming ng pumapansin sa'yo?” Hindi ko agad sinagot. Kasi oo. Ramdam ko. Mas steady yung lakad ko. Hindi na ako nakayuko. Hindi na ako nagmamadaling dumaan para hindi mapansin. For once, okay lang na may tumingin. Hindi dahil kailangan ko ng validation. Kundi dahil hindi na ako nagtatago. Habang naglalakad kami sa hallway, may dalawang lalaki na nag smile sa’kin. Ngumiti ako pabalik. Simple. Pero iba yung pakiramdam. Dati, pag may tumingin, automatic iwas ako. Ngayon, eye contact. Tuwid ang lakad. Confident. “Girl, delikado ka,” bulong ni Mia. “Bakit naman?” “Confidence plus curves? Patay ang peace ng campus.” Umiling ako pero napangiti. Hindi ko naman planong guluhin ang mundo nila. Gusto ko lang maging komportable sa sarili ko. Pero apparently, sapat na ‘yon para magkaroon ako ng mga manliligaw. Unang lumapit si Marco. Manliligaw number one. Varsity captain. Sanay sa spotlight. Lumapit siya sa cafeteria habang kumukuha ako ng tubig. “Pwede ba kitang ihatid mamaya?” Diretso agad. “Bakit?” sagot ko, medyo amused. “Gusto lang kita makilala.” Walang yabang. Wala ring bastos. “Text mo na lang ako,” sabi ko. Ngumiti siya na parang panalo na. Mia almost squealed nung umalis siya. “See? Simula pa lang yan.” Pero kinabukasan, wala si Marco. Third day, may issue daw sa coach. By Friday, suspended. Medyo weird. Pero sabi ko sa sarili ko, coincidence lang. Then manliligaw number two. Dean’s lister. Tahimik. Mas interesting kausap. Two days kaming nag uusap sa hallway. Light compliments. Light teasing. Then bigla, seen zone. After that, hindi na ako nilingon. Parang wala kaming conversation na nangyari. Doon na ako napaisip. Third manliligaw? Mas mabilis. Lumapit. Nagpakilala. Nag joke pa. Kinabukasan, umiwas. Literal na umiwas pag nadaanan ako. Ano bang nangyayari? Bakit parang lahat ng magtangkang manligaw sa akin ay biglang umaatras? Habang naglalakad kami ni Mia palabas ng campus, bigla siyang napatigil. “Uy.” “Bakit?” “Dumaan siya.” Hindi ko na kailangan itanong kung sino. Pag sinabi ni Mia na “siya,” gets ko na agad. Paglingon ko, nandun siya. Rafael Aragon. Black polo. Rolled sleeves. Tahimik. Magkalapit lang ang mga bahay namin. Dati siya yung taga sundo ko. Dati siya yung nagagalit pag may nang aasar sa’kin. Hanggang sa isang araw, bigla na lang siyang naging cold. Walang explanation. Ngayon, nakasandal siya sa sasakyan niya. At nung nagtagpo yung mata namin, hindi ako umiwas. His eyes scanned me. Slow. Hindi bastos. Pero hindi rin friendly. Parang may hinahanap. Parang may hindi siya nagustuhan. “Grabe ang sama ng tingin niya,” bulong ni Mia. “Hindi ah.” sagot ko kahit iba ang nakikita ng mga mata ko. “Serena, parang hindi kayo best friends dati.” Napakunot noo ko. “Ex best friend.” “Eh bakit parang galit siya na gumanda ka?” That annoyed me kung sakaling totoo man ang iniisip ni Mia “Bakit? May reklamo ba siya?" “Hindi ko alam, hula ko lang, pero seryoso, yung tingin niya parang inis. Parang may inagaw ka sa kanya.” Inagaw? Napatingin ulit ako sa kanya. Tama nga si Mia. Ang sama talaga ng tingin niya. Pero wala naman akong pakialam sa kanya. In fact, matagal na kaming walang pansinan. Habang may dalawang lalaki na dumaan at nag smile sa’kin, nag smile ako pabalik. Pero nung napatingin siya sa kanila, bigla silang umiwas. Mabilis. Tahimik. At doon ko na-realize. Hindi ito simpleng sama ng tingin. Sa Villa Esperanza, kapag umiwas ang tao, may dahilan. At kadalasan, iisa lang ang dahilan. Takot. At maraming takot kay Rafael Aragon. Lalo na at ang pamilya nila ang may-ari ng school na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD