Chapter 2

1701 Words
Papalapit na ‘ko sa bahay, nakita kong nakaparada sa labas ng gate namin ang jeep ni Papa. Sa isip isip ko bakit parang ang aga yata ni Papa ngayon. Hindi naman ganito kaaga kung umuwi si Papa. Madalas nga ginagabi na ng uwi yon eh. “Ano kayang meron?” Tila nagtatanong ang isip ko. Binilisan ko ang lakad at agad na pumasok sa bahay. Nakita kong may mga nakasinding kandila sa may altar at nandoon din ang litrato ni Mama. At may dalawang ale ang nagdadasal. Agad akong lumapit kay Papa. “Pa anong meron?” naguguluhang tanong ko. “Ngayon ang fourty day’s ng Mama niyo.” Natigilan ako ng marinig ang sinabi ni Papa. “Ganun na ba ako kabusy sa school para makalimutan si Mama?” Pagtatanong ko sa sarili. “Samahan mo ang ang ate mo sa kusina nagluto iyon ng pansit.” Naglalakad na ako papuntang kusina ng maamoy ko ang mabangong niluluto ni Ate Tina. At hindi ako nagkakamali iyon ang paborito kong tocino! Mabilis akong lumapit sa kalan kung saan nagluluto si Ate. Nakangiting tumingin siya sa’kin. “Esang alam kong miss na miss mo na si Mama. Alam mo bang kagabi ay napanaginipan ko siya at tinuro sa akin kung paano magluto ng tocino.” Naluluha pa si Ate habang nagkukwento. “Sabi din ni Mama miss na miss mo na daw kasi ito..” Nangingilid ang luha sa mga mata ko at parang lahat ng sakit nung araw na nawala siya ay bumalik. Binalot na naman ng lungkot ang puso ko. Napagtanto kong wala na talaga si Mama. Wala na ang Mama ko. Wala na ang taga pagtanggol ko. Wala na ang sandalan ko. Napakasakit! Ang sakit sakit! Biglang bumuhos ang luha ko at nakita kong naiyak na din si Ate. “Sige lang Esang iiyak mo lang lahat yan.” Sabay haplos ni ate sa likod ko habang yakap yakap niya ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na ‘ko ng sobra. “Ate sobrang miss ko na si Mama. Miss na miss ko na siya Ate.” Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko. Bawat luhang umaagos ay kulang pa para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bawat araw na wala si Mama hindi kumpleto ang buhay ko. Nag alala naman si Papa ng madatnan kami ni Ate na nag iiyakan. “Bakit mga anak may nangyari ba?” pag aalalang tanong ni Papa. “Wala po Pa namiss lang namin si Mama.” Naluluhang sagot ni Ate. “Ako rin naman ay miss na miss ko na rin ang Mama niyo. Mahigit isang buwan na siyang wala sa atin.” Malungkot na sagot ni Papa pero pilit na pinatatatag ang sarili. “Oh siya tama na ang iyakan maghain na kayo ng alay para sa Mama niyo.” Pagkatapos ay lumabas na si Papa sa kusina. Mabilis kaming naghanda ni Ate ng iaalay kay Mama. Dito sa Pilipinas karamihan sa mga Pilipino ito ang tradisyon na ginagawa ang pag aalay sa mga yumao na. Bilang pag-alala sa mga mahal sa buhay na nawala na. Kahit pa wala na sila sa mundong ginagalawan natin palagi silang mananatili sa puso at isipan natin. Pagkatapos ay pinakain na rin namin ang mga nagdasal kanina. Saka kami sabay sabay na kumain ng mga kapatid ko at si Papa. Pagkatapos kumain tinulungan ko si Ate magligpit ng mga pinagkainan. Nang matapos kaming maghugas agad akong umakyat at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang picture ni Mama na nasa study table ko at niyakap ko ito ng mahigpit. Bumuhos agad ang luha ko ganun pala kasakit kapag nawalan ka ng Ina. Kapag namatayan ka ng pinakamamahal sa buhay. “Mama miss na miss na po kita.” Mga salitang lumabas sa bibig ko habang umaagos ang luha ko. Nang biglang may malamig na hangin ang humahaplos sa mukha ko. Natigilan ako at tinignan ang litrato ni Mama lalo tuloy akong naiyak. Gusto kong isipin na ang dumampi sa mukha kong malamig na hangin ay si Mama iyon. Gusto kong isipin na kasama ko siya at buhay na buhay siya. Gusto ko andito si Mama. Gusto ko siyang mayakap. Namimiss ko na siya ng sobra. Hindi mapantayan ang lungkot na bumabalot sa puso ko ngayon. Ang bawat luhang pumapatak ay kulang pa para pawiin ang kalungkutan ko. Ang paghihinagpis at pangungulila kay Mama napakahirap pagdaanan sa araw-araw. “Ma sana dalawin mo naman ako kahit sa panaginip lang.” Bulong ko sa hangin. Kahit sa ganong paraan manlang makita ko ulit si Mama. Kahit sa panaginip lang mayakap ko ulit siya. Makasama ko ulit si Mama. Miss na miss na kita Mama. Biglang may hangin na bumabalot sa katawan ko, malamig iyon pero masarap sa pakiramdam. “Mama ikaw po ba ‘yan?” tila nakikipag usap ako sa hangin. Kung buhay pa si Mama ngayon malamang malulungkot siyang makita akong ganito. Dapat maging matatag ako. Tulad ng lagi niyang sinasabi nung nabubuhay pa siya. “Mama okay na po kami. Pwede kana po umakyat sa heaven. Basta lagi mo lang kami gabayan mama.” Hindi ko alam pero sa tingin ko kasama ko si Mama at niyayakap niya ako ngayon. Kailangang tanggapin na wala na si Mama. Hindi na maibabalik ang buhay na nawala. Pero palagi siyang naririto sa puso ko. At kahit sa panibagong buhay ulit siya parin ang pipiliin kong maging ina ko. Maya maya pa’y nakatulog na ko sa sobrang pag iyak. Naalimpungatan ako dahil sa gutom. Alas otso y media palang naman ng gabi. Bumaba ako para kumuha ng pagkain sa kusina. Nagulat ako dahil nakita ko ang Papa na nahihirapang huminga. “Pa! Ano pong nangyayari okay lang po ba kayo?” pag aalalang tanong ko. Ngunit di makasagot si Papa. Tinulungan ko siyang makaupo at saka humingi ng tulong. “Ate!! Ate Tina!! Ang Papa!” nanginginig ang boses ko dahil sa takot. “Papa kalma niyo lang po ang sarili niyo. Inhale, exhale. Sabayan mo ko Papa Inhale Exhale.” Pilit kong pinapakalma si Papa malamang hinika na naman ito dahil sa init ng panahon. Nakita kong ganun ang ginagawa ni Mama noon kapag hinihika si Papa. Maya maya pa ay andiyan na si Ate. “Anong nangyari? Okay ka lang ba Pa? Dalhin ka na namin sa hospital.” Pag aalalang tanong ni Ate. Nang medyo kumalma si Papa ay agad namin siyang binigyan ng tubig at pinainom. “Pa naiinom niyo po ba ang maintenance niyong gamot?” pag aalalang tanong ni Ate. Hindi umiimik si Papa kaya naman alam na namin ang sagot. “Papa naman eh! Alagaan mo naman sarili mo Pa. Hindi mo naman kailangan magpakasubsob sa trabaho at titipirin ang sarili niyong gamot.” Pag aalalang sabi ni Ate. “Ayos lang ako masiyado lang mainit kanina at saka malakas pa ko sa kalabaw ano.” Tila ba pinapakalma ni Papa si Ate. Pero mukhang hindi ito nakuntento sa sagot ni Papa. “Titigil muna ako sa pag aaral Pa. Tutal second year college naman ako pwede na ako maghanap ng trabaho para makatulong sa inyo at sa mga kapatid ko.” Nanlaki ang mga mata ni Papa dahil sa mga sinabi ni Ate. “Walang titigil sa inyo sa pag aaral hanggat kaya ko pang magtrabaho magtatapos kayo.” Seryosong sabi ni Papa. “Pero Pa, kailangan niyong alagaan ang sarili niyo hindi pwedeng ganyan. Wala na nga si Mama paano kung pati kayo mawala na rin sa’min?” garalgal na sagot ni Ate at sa tingin ko pinipigilan lang nito ang maiyak. “Kristina walang hihinto sa inyo. Iyan ang pangako ko sa Mama niyo kahit iyon manlang sana magawa ko para sa kanya.” Hindi na napigilan ni Papa ang maiyak kaya naman naiyak na rin kami ni Ate. Wala na ang katuwang niya. Wala na si Mama para alagaan at pag aralin kami kasama ni Papa. Nakakalungkot at napakahirap ‘yon para kay Papa. Mag isa nalang siyang tumatayong magulang para sa’min. “Papa promise ko po magtatapos ako ng pag aaral para hindi na kayo mapagod sa pagtatrabaho.” Buong tapang kong sabi kay Papa. “Ako rin Papa magtatapos ako promise.” Sabay kami nangako ni ate kay Papa. Bakas sa mukha niya ang saya at napawi ang lungkot sa mga mata niya na para bang nabuhayan ito ng loob. Niyakap kami pareho ni Papa. “Maayos talaga ang pagpapalaki namin sa inyo.” Sabi ni Papa habang yakap yakap kami ni Ate. Ilang sandali lang ay may narinig kaming umiiyak sa taas at alam kong si Jonjon yun ang bunso namin. Nagsisigaw ito na parang nasasaktan. Agad kaming umakyat para tignan kung ano ang nangyari. Pagbukas ng pinto ay nakita namin si Jonjon na sumuka ng dugo! Nataranta kami ng sobra, agad binuhat ni Papa si Jonjon pababa. At agad na sinakay sa jeep. “Tina maiwan ka muna dito sa bahay. Esang sumama ka sa’kin sa hospital.” Mabilis na binuhay ni Papa ang makina. At mabilis na pinaandar ito. Nasa kandungan ko si Jonjon at wala itong malay! “Papa si bunso po.” Mangiyak ngiyak kong sabi. Nilingon kami ni Papa at lalong binilisan ang pagmamaneho. Mabilis kaming nakarating sa hospital, sa Emergency agad kami dumiretso. Agad naman kaming inassist ng mga nurse at doktor. Pinalabas muna kami ng doktor at pinaghintay. Habang naghihintay hindi kami pareho mapakali ni Papa. Nagdadasal kami na sana okay lang si Jonjon. Sana walang masamang nagyari sa kaniya. Habang nasa loob siya ng emergency hindi kami mapalagay ni Papa. Naghihintay lang kami ni Papa dito sa labas ng emergency room. Nag aalala para kay Jonjon. Maya maya pa ay lumabas ang Doktor kanina. Napatayo kami agad ni papa. “Kamusta po ang lagay ng anak ko Dok?” Pag aalalang tanong ni Papa. “Sa ngayon po ay ayos na po siya pero kakailanganin niyang dumaan sa iba pang test para matukoy talaga ang sakit niya.” Deretsong sabi ng doktor. Lalo akong nag alala para kay Jonjon. Bakas din sa mukha ni Papa ang labis na takot at pag aalala. “May sakit po ang kapatid ko Dok?” pag aalala ring tanong ko. Natatakot ako sa maaaring sasabihin ng doktor. Lord sana okay lang po si Jonjon. “Sa ngayon hindi pa natin masasabi kailangan pa namin siyang obserbahan at magsagawa ng ilang test. Nailipat na rin sa ward ang anak niyo Mr. Martinez maaari niyo na po siyang puntahan. Maiwan ko na muna kayo.” At saka umalis ang Doktor. Agad kaming tumungo sa ward kung nasaan si Bunso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD